6

109 52 0
                                    

"Ayos na ba ang lahat?" sabi ni vincent sa harap.


Nilapag ko ang mga art materials kasama ng iba pang mga materyales sa pag gawa ng booth.


Busy ang lahat dahil unang araw ng foundation day. Kasama ko si jonas magbuhat habang si anthony kasama na sa pagpaplano para mabuo yung stall.


"Kompleto na pres." Tinanguan siya ni vincent.


"Since kompleto na mabuting magsimula na tayo para maaga tayo matapos. Wag nyo kakalimutan na maging maingat para maiwasan natin ang magkaroon ng aksidente."


Pagkatapos sabihin iyon ni vincent ay nag kanya kanya na kaming kuha ng mga gamit para magsimula.


Kasama ako sa pag gawa ng title board na ilalagay namin sa stall kaya naman kumuha muna ako lapis at kartolina para makapag draft. Kumuha rin si jonas ng martilyo at pako.


Nakailang drawing ako at bura sa pag iisip ng magandang layout dahil ang aim nga namin ay maraming award. 


"Aray ko!"


Nabaling ang atensyon ko kay jonas dahil sa pag sigaw nya. Natawa ako sa itsura nya dahil hawak nya ang isang paa nya at patalon talon. Nakatapak ata ng pako. Lumapit ako sa kanya


"Huwag mo nga ako tawanan!" sabi nito hawak parin ang paa "kaya ko to!"


"Sige nga patingin." Tinaas nya ang martilyo at sinubukan ulit pumukpok pero hindi nya natamaan ang pako. 


"Diba, sabi ni vincent mag ingat daw tayo." kinuha ko ang martilyo.


"Ako na dito. Tulungan mo na lang ako burahin yung nakasulat sa cartolina. Tapos na ako sa lay-out."


He hesitate kung aalis ba sya pero inabot ko na yung pang bura sa kanya at nagsimula na akong mag pukpok nagbura na rin sya.


Mga isang oras rin kami nandoon at tumigil lang kami nung nakakalahati na kami. Nag unat ako ng likod dahil kanina pa ako nakayuko kaka martilyo.


Maganda naman ang kinalabasan ng stand. Chineck ko rin kung matibay sya at mukha naman matibay. 


Pinunasan ko ang noo ko gamit ang kamay at  ginawang pamaypay kahit konti lang ang hangin na binibigay "Ang init naman"


"Oh."


Tumapat sa mukha ko ang malamig na chocolate milk. Mukhang may nalaglag na biyaya sa harap ko sa itsura ko ngayon. Shet! Favorite ko! kinuha ko iyon na may malaking ngiti sa labi.


"Hala, thank you!" tinusok ko ang straw at uminom.


"Paano mo nalaman gusto ko chocolate milk?"


Nag pause sya saglit saka niya ako tinignan na nakataas ang kaniyang kilay. "Wow, parang lagi akong wala sa tabi mo ha? parang hindi kaybigan?"

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now