27

38 5 0
                                    

"Where did you get that?" Nakatigin ako sa picture na nasa phone.


"Why? Guilty?" She smirks.


I signed. Ayan ang dahilan niya kaya siya ganito ngayon? Akala ko naman kung anong meron. Mas lalo tuloy ako naiinis sa kaniya ngayon dahil hindi naman ganoon kalaki ay pinapalaki niya!


"Anong meron diyan?" Nagtatakang tanong ni althea.


"Kalat ngayon ito sa freedom wall, ang sabi pa ay kasama mo tong nasa picture para pagtulungan si naomi. Grabe may ibabasura ka pala no?!" Sigaw niya ulit.


Nagsisimula na magkumpulan ang mga tao sa amin na wala naman kanina. Tumingin ako sa paligid at napayuko sa dami ng mata na nakatingin sa amin ngayon. Kinagat ko ang loob ng kanang pisngi ko. Hindi ko mapigilan na maisip na ito ang gusto niya kaya siya nagiiskandalo dito ngayon.


Sinasadya niya na dito talaga sa hallway, kung saan madalas mapadaan ang mga tao para makuha niya agad ang atensyon nila. Kung gusto niya ng atensyon pwede ba huwag niya ako idamay? Ayoko ng atensyon!


"Nagkataon lang yan." Tipid kong sagot.


She smirked, not believing what I said. "As if."


Malalim akong huminga. Kaya hindi ako nagsasalita dahil kahit ano naman sabihin ko ay hindi na sila maniniwala dahil papaniwalaan lang naman nila kung ano ang gusto nila paniwalaan.


"Siya ba yung babae na nasa freedom wall?"


"Nakita mo rin ba yung mga tweets? Ang sabi ay siya rin daw yon..."


"Talaga? Jusko buti na lang wala akong kilalang katulad niya!"


"Buti nakakayanan niya pa pumasok? Kung ako sa kanya nagkukulong na lang ako sa kwarto o nagpakamatay na lang ako...."


"Hoy sino nagsabi non?!" Sigaw ni Valerie at inikot ang tingin sa mga tao na nasa paligid namin ngayon.


"Below the belt na yon ha!"


Kahit na ayoko sila marinig hindi ko naman yon magagawa. Putangina naman! kelan ba ito matatapos? Hirap na hirap na ako! Sawang sawa na ako marinig lahat ng sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.


Sawa na ako husgahan nila kahit na hindi naman nila alam ang buong istorya. Wala silang alam tungkol sa akin, tungkol kay naomi o sa anong meron sa aming anim.


Wala silang alam kung paano ko pinipilit na bumangon at pumasok araw araw kahit ayoko. Why are they sticking their nose in someone else business? How much more do I need to hold it in?


I was standing there like a statue. These past few days lagi na lang ako ganito. Magiging estatwa tuwing kakausapin ako regarding the rumors. Hindi ko mapagtanggol ang sarili ko!

The Art of Stars (Celestial Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt