12

68 29 3
                                    

"Tara sa dagat!"


Sigaw ni anthony. Kakatapos lang namin mag almusal. Gabi na nung nakarating kami kahapon ni jonas galing sa pamimili.


Kakausapin ko sana si claude pero nawalan ako ng chance dahil pag uwi namin ay tulog na raw sya. Hanggang ngayon tuloy ay awkward sa aming dalawa.


"Maghanda na kayo. Ligpitin lang natin ito tapos alis na tayo." Tumayo si vincent at kinuha na ang mga plato. 


Sinundan ko si vincent at nilagay ang mga pinagkainan namin sa lababo.


"Ako na dito" pumwesto ako sa harap ng lababo at binuksan ang gripo.


"Sure ka?" nagaalangan nitong tanong.


"Oo, tulungan mo na lang sila doon."


Ngumuso ako kila naomi na nag lalagay ng mga pagkain na ibabaon namin sa dagat. Nakakahiya naman kasi sa kanya dahil sya ang lagi nagluluto sa amin.Kahit na ok naman daw sa kanya na siya ang nagluluto.


Tinanong siya ni naomi nung isang gabi kung paano siya natutong mag luto dahil sobrang sarap ng mga hinahanda nya ang sabi niya siya ang nagluluto sa kanila dahil busy ang papa nya sa trabaho at walang mag aasikaso kung hindi sya mag aaral magluto.


"Alright." Nilapag nito ang hawak nya at iniwan na ako para puntahan sila naomi.


Madali lang naman ito dahil konti lang naman ang mga nagamit. Kaya ko to. Pagtapos ko mahugasan lahat ay nagbihis na ako dahil ako na lang ang hinihintay nila.


I wore a crop top rashguard and cycling black shorts I also tie my hair in low ponytail para hindi magulo ang buhok ko.


Naka beach shorts lang ang mga lalaki habang dala nila ang pagkain at gamit. Parehas lang rin kami ng suot ni naomi dala nito ang kanyang salbabida.


Halos lahat ng tao nakatingin sa kanila pagpunta namin. Napa yuko tuloy ako ng hindi oras.


Hindi ko rin naman sila masisisi. Kung ako rin naman ang makakakita sa kanilang lima iisipin ko na may photoshoot ang mga model na nangyayari ngayon dito.


"Wah! Dagat!" Tumakbo si anthony at tinaas pa ang kamay nito akala mo ngayon lang nakakita ng tubig. Hinabol agad ito ni jonas kaya naiwan kaming apat.


"Una na kayo." Nilingon nila ako dahil nasa likod nila ako.


"Aayusin ko na lang muna ang gamit natin at yung pwesto."


Ang totoo nyan gusto ko lang pahupain muna yung atensyon ng tao sa kanila. Marami parin sa kanila ang nakatingin, wala lang naman sa kanila yon pero kinakabahan kasi ako.


"Huh? bakit?" Sagot ni naomi. "Sama ka na sa amin!" Hinawakan nito ang braso ko at inalog alog.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now