4

132 53 5
                                    

"Nasaan sila naomi?"


Ayun ang unang lumabas sa bibig ko. Bakit sya nandito?


Akala ko ako lang ang nandito ngayon kase maraming lumabas sa room nung sinabi na wala kaming klase.


"Magkasama sila ni vincent sa teachers office." Wala akong nasabi kase hindi ko maiwasan na titigan ang mukha nya. Sobrang lapit nya sa akin.


"Uhm... bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong.


"Mainit." Ang ikli naman ng sagot nito. 


Akala ko sya yung type ng tao na hindi nakikipagusap sa mga hindi naman nya kilala. 


Si vincent lang kase madalas nyang kasama at kausapin bukod doon wala na. Nilabas nya ang phone nya at earphone. 


Napansin ko na ang tangos ng ilong sya dahil nakatagilid sya sa akin. Pati pilik mata nya mahaba. 


Napansin nya ata na nakatitig ako kaya umiwas ako ng tingin nung lumingon sya sa akin


"Gusto mo pakinggan?" Inalok nya yung isang ear piece.


Tinitigan ko muna yon at hinihintay kung seryoso ba sya. Maya-maya kinuha ko rin naman at nilagay sa tenga ko.


Wait, alam ko to ah! Misery Business by Paramore. Tinignan ko sya ulit, hardcore music gusto nya?


"Ayaw mo?" kukuhanin nya na sana yung earphone sa tenga ko pero agad akong lumayo para di nya maabot.


"Teka! favorite ko rin Paramore," Sabi ko.


Ngumiti sya sa akin at kaya natulala ako. Nilapag nya ang phone nya at pinakita ang music playlist nya. 


May Avril Lavigne pa nga doon eh, maraming artist pa sya na pinakita at nagshare pa ako ng mga music na pareho namin pinakikinggan. Napatagal ang paguusap namin dahil parehas kami ng interest.


Naging ganoon na ang set up namin tuwing breaktime.


Tatabi si claude at share kami ng earphone para sabay makinig ng music. Actually, hindi ko inexpect na lalapit sya ulit sa akin at kakausapin ako.


Akala ko last na yung una naming paguusap.  


Pero mas lalo kong hindi inexpect na makakasama ko sila Anthony, Jonas, Vincent, at Claude ngayon sa table.


"Hoy anthony pag pinatalo mo yang character ko bubugbugin kita!"


Katatapos lang namin sa exam. Naglalaro ng games si Anthony sa nintendo switch ni Jonas. Walang magawa si Jonas kundi panoorin yung character nya na bumaba ang level.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now