Chapter 6: Run Run Run

685 5 3
                                    

A/N: Makakaligtas pa kaya sila? Mapipigilan kaya nila si Errol?

Continue reading to find out...  ^___^



--


"Bilis!", natatarantang sigaw ni Gill habang tumatakbo sila.

"Sumusunod siya sa atin!", natatakot na sabi ni Dhiala habang titingnan niya si Errol na ilang metro lang ang layo mula sa kanila.

Hingal na hingal na sila sa pagtakbo at pasikip na nang pasikip ang daanan dahil sa mga gumuhong parte ng mall. Patuloy parin sa paghabol sa kanila si Errol na hawak-hawak parin ang matulis na piraso ng salamin. Tumutulo na ang dugo mula sa kanyang kamay dahil sa higpit ng hawak niya dito.

"Mabilis din siya. Maaabutan na niya tayo!", sigaw ni Jeca na patuloy parin sa pagtakbo kahit kumikirot na ang kanang paa niya.

Tinalunan nila ang malalaking bato at ang iba pang mga nakaharang sa kanilang daanan na para bang nasa isang obstacle course sila. Hindi rin nito natinag ang mabilis na paghabol ni Errol.

"Doon!", turo ni Francis sa isang malawak na daanan.


Mabilis namang tumakbo sina Jeca, Gill at Dhiala patungo sa daanan habang pumulot naman ng isang nakakalat na bamboo stick si Francis. Sinugod siya ni Errol na parang bang isang nagwawalang hayop. Itinaas ni Francis ang bamboo stick at inihampas ito sa mukha ni Errol.

Napahiyaw sa sakit si Errol at bumagsak siya sa sahig. 

"Francis, bilis!", nag-aalalang sabi ni Jeca habang nakatingin sa kanila.

"Tara na Jeca!", sabi ni Gill at hinila na niya ang kamay ni Jeca.

"Saglit lang! Si Francis pa!", sigaw ni Jeca at bumitiw siya sa hawak ni Gill. 

"Tara na! Kaya na niya yung sarili niya.", sigaw ni Gill at hinawakan niya ulit ang kamay ni Jeca.  

"Hindi ako aalis hanggang wala siya.", seryosong sabi ni Jeca at tinanggal niya ang paghawak ni Gill sa kamay niya.


"Francis, bilis na! Tayo!", sigaw ni Dhiala at hinila na niya si Francis. Binitawan na ni Francis ang bamboo stick at kumaripas sila ng takbo.

"Bilis!", sigaw ni Jeca nang makita niyang gumagalaw na si Errol. Agad silang kumilos at tumakbo palayo kay Errol.

Nagsimula nang tumayo si Errol. Medyo nawala na ang pagkahilo niya mula sa hampas ni Francis at pinulot niya ang nabitawan niyang piraso ng salamin.


"Maghiwahiwalay tayo at magtago. Subukan na rin natin maghanap ng daan palabas", mungkahi ni Francis habang tumatakbo sila.

Nanlaki naman ang mga mata ni Dhiala. "Ha? Bakit tayo maghihiwalay? Hindi ba mas delikado yun?", gulat na tanong ni Dhiala at tumigil sila sa pagtakbo.

"Para magkaroon ng diversion at malito si Errol. Yun lang yung naiisip ko na paraan. Kung hindi tayo maghihiwalay, baka isunod-sunod niya lang tayong patayin. Mas malakas siya sa ating lahat.", pagpapaliwanag ni Francis.

"Fine. I still think it's risky pero I don't think we have another choice.", seryosong sabi ni Gill.

Tiningnan naman ni Dhiala ang dalawa at tumango na rin siya.

"Jeca, tara na!", sabi ni Gill sabay hawak sa kamay ni Jeca. Nag-aalalang tiningnan ni Jeca si Francis. 


Face Your Fears (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon