Chapter 1: The Road

613 7 3
                                    

A/N: Nagbabalik na ulit ang FYF after ng 1 year na hiatus. Medyo naging busy lang kasi ako dahil sa college. Ang dami palaging pinapagawa ng mga prof pero ngayong bakasyon eh makakapag-update na ulit ako. Anyways, let me clarify lang na lahat ng stories sa FYF ay nageexist sa isang universe. Kumbaga sa Marvel may MCU sila. Ganun din ang concept ng FYF. Eh di parang FYFU na ang tawag XD. Basta magkakaroon ng connected stories ang FYF kung saan magmemeet lahat ng existing characters. Sana patuloy niyong suportahan at basahin ang FYF. Don't forget to vote and comment!! :)



--


BANG!


Isang babae na may malaking butas sa ulo ang bumulagta sa lupa. Nagkalat ang dugo sa lupa at pinalibutan ang katawan ng babae. Isang malakas na hangin ang dumating na siyang nagpagalaw sa mga puno sa kagubatan.

"Sorry!", naiiyak na sabi ng isa pang babae na may hawak na baril. "Gusto ko pang mabuhay."


Bigla namang natanggal ang relo na nakakabit sa kanyang pulso. Patuloy parin ang paghagulgol niya. Agad niya namang tinapon sa malayo ang hawak niyang baril.


"Masaya ka na ba?! Ha?! Ginawa ko na yung gusto mo!! Ako na lang natitira!! Pinatay ko yung kaibigan ko para lang makalabas dito!! Masaya ka na ba?! Hayop ka!", sigaw  niya.

Bigla nalang dumagundong ang buong kagubatan. Napaupo naman ang babae dahil sa pagyanig ng lupa.


Ilang segundo ang lumipas ay tumigil na rin ang pagyanig ng lupa. Dahan-dahang tumayo ang babae mula sa kanyang posisyon. Tumingin mula sa kanan hanggang sa kaliwa. Nabalot ng katahimikan ang buong kagubatan.

"Tapos na ba?! Makakaalis na ba ako dito?!", tanong ng babae na may halong pagkadesperado ang boses.


Walang sumagot sa kanya. Para bang hangin lang ang tanging kausap niya. Napabuntong-hininga ang babae. Muli siyang naluha ng makita niya ang walang buhay na katawan ng kanyang kaibigan. Pinunasan niya agad ang kanyang mga luha at mabilis na tumakbo palabas ng kagubatan.

Ilang minuto na siyang tumatakbo pero puno parin ang nakikita niya. Kahit anino ng kapwa niya tao ay wala siyang makita. Tumutulo na ang pawis sa kanyang noo.


"Nasaan ba palabas dito?", nag-aalalang sabi ng babae.

Nagsimula ulit siyang tumakbo. Ilang kilometro ang kanyang tinahak ng bigla siyang makakita ng konkretong daanan. Halos lumundag ang puso ng babae dahil sa saya. Agad naman siyang tumakbo patungo sa daanan na iyon.

Dahil sa kanyang labis na pagkagalak, hindi niya napansin na may kotse palang dumadaan. Agad namang bumusina ang nagmamaneho ng kotse pero hindi na ito namalayan ng babae. Mabilis na nagpreno ang nagmamaneho ng kotse pero nabangga niya parin ng kaunti ang babae.


Napahiga naman sa konkreto ang babae dahil sa pagsalpok sa kanya ng sasakyan. Agad na bumaba ang nagmamaneho ng sasakyan.

"Miss! Miss! Okay ka lang ba?! Anong ginagawa mo dito mag-isa?!", nag-aalalang tanong ng lalaki.

Dahan-dahang hinawakan ng babae ang kamay ng lalaki. "Tu-tulu-ngan..."

"Ano?" sagot ng lalaki. Tumingin sa kanya ang babae. "Tulungan m-mo a-ako."

Bigla namang nawalan ng malay ang babae.

Face Your Fears (ONGOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora