Chapter 1: Scream

702 8 3
                                    

A/N: Ito na po ang first chapter ng Unknown!! Sana magustuhan niyo! :)



--


"H-h-hello?"

"Hello, this is the 911 ENP. How may I help you ma'am?", sagot ng isang babae.

"Tulungan niyo po ako..."

"Okay, ano pong pangalan niyo?", mabilis na tanong ng babae.

"Bea."

"Ilang taon na po kayo?", tanong ng babae.

"18 po.", mabilis na sagot ni Bea. "Please, tulungan niyo na ako. Natatakot na ako."


"Ano pong maitutulong namin sa inyo?", agad na tanong ng babae.

"Pinatay nila sila m-mama at p-papa. Pinatay nila silang l-lahat...", nanginginig at naiiyak na sagot ni Bea.

"Ano pong ibig sabihin niyo? Kung pwede po, pakilinaw lang.", mabilis na sagot ng babae.

"Pinatay nila si mama at papa. Tulungan niyo ako...", humihikbing sagot ni Bea.


"Ma'am, I want you to stay calm. Sabihin niyo po sa akin kung nasaan kayo.", mabilis na sabi ng babae.

"Nasa l-loob ako ng closet namin. Please... tulungan niyo na a-ako. Hindi ko alam kung makakatagal pa ako dito.", natatakot na sabi ni Bea. "Bilisan niyo na, please. Baka mahuli na nila ako."

"Ma'am, huminahon po kayo. Sabihin niyo sa akin yung exact na location kung nasaan kayo para matulungan namin kayo kaagad.", sagot ng babae.

"Nasa-"

Hindi na natapos ni Bea ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang bumukas ang pintuan ng aparador at nabitawan niya ang telepono dahil sa gulat. Agad siyang hinila ng isang lalaking nakamaskarang itim palabas ng aparador.


"Hello?! Ma'am?!", sigaw ng babae sa telepono. Nanlaki ang mga mata niya nang makarinig siya ng sigaw sa kabilang linya.

"Hello?! Ma'am!", natatarantang sigaw ng babae.


"Tigilan niyo na ako!", sigaw ni Bea at sinipa niya sa tagiliran ang lalaki. Napatumba naman sa sahig ang lalaki at agad na tumakbo si Bea palabas ng kwarto.

Nagtungo siya sa hagdanan pero napatigil siya nang marining niya ang mga yabag ng paa na paakyat sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang tumakbo paakyat sa 3rd floor ng kanilang bahay at nagtungo siya sa kwarto ng kanyang mga magulang. Agad niyang sinarado ang pintuan at ni-lock ito.

Napaiyak si Bea nang makita niya ang duguang katawan ng nanay at tatay niya sa kama. "Pa..", sambit niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makarinig siya ng ingay mula sa labas ng pintuan ng kwarto. Agad niyang kinuha ang baril na hawak ng kanyang tatay. Binuksan niya ito at nakitang may tatlong bala pang natitira. Lumakas ang ingay mula sa labas ng kwarto. Agad niyang sinara ang baril at nagtago siya sa ilalim ng kama.


Nakarinig siya ng mga kalampag sa pintuan. Nanginginig niyang hinawakan ang baril at itinutok ito sa harap niya. Isang malakas na kalabog ang narinig niya nang bumukas ang pintuan. Apat na pares ng mga paa ang pumasok sa kwarto.

Dahan-dahan silang naglakad sa kwarto hanggang sa tumigil silang lahat sa harap ng kama. Isa sa kanila ay nagbaba ng isang palakol sa sahig.

Hinanda na ni Bea ang kanyang sarili at bumilang gamit ang isipan niya.

Face Your Fears (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon