Chapter 6: Into The Woods

419 4 0
                                    

A/N: Ano kaya ang mangyayari kay Gerrieli? Makakaligtas pa kaya sila?

Continue reading to find out!! :)



--


Pinikit ni Gerrieli ang mga mata niya at sumigaw.

Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin nakakaramdam ng kahit anong sakit si Gerrieli. Nakarinig naman siya na parang may bumagsak sa sahig.

Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya.

 Nakatayo si Aimee sa harapan niya na parang hinihingal. Nakita ni Gerrieli ang lalaking may hawak na palakol na nakahiga na sa sahig. May nakatusok na malaking piraso ng salamin sa ulo nito.


"Napagod ako dun ah." sabi ni Aimee.

"S-salamat." nauutal na sabi ni Gerrieli.

"Wala yun. Gagawin ko lahat para maprotektahan ko yung mga mahal ko sa buhay. Matatakutin nga ako pagdating sa mga usapang horror movies o mga multo pero kinalimutan ko na yun lahat nang makita kong nasa panganib na ang mga mahal ko sa buhay.", sabi ni Aimee.

Napangiti naman si Gerrieli. Tumayo na siya at niyakap si Aimee.


"O sige, tama na 'tong drama natin. Baka abutan pa tayo nung isang killer.", nag-aalalang sabi ni Aimee.

"Bakit parang ang dami nila?", nagtatakang tanong ni Gerrieli.

"Hindi ko rin alam pero kailangan nating hanapin sila mama.", sagot ni Aimee.

"Baka may nangyari nang masama sa kanila. Natatakot na talaga ako.", parang maiiyak na sabi ni Gerrieli.

"Hindi yan. Trust me.", paninigurado ni Aimee.



"Anak!!" 



Napalingon sila Aimee at Gerrieli sa kinaroroonan ng boses. Nakita nila sila Ayra at Earl na papunta sa kinaroroonan nila.

"Ma!", natutuwang sabi ni Gerrieli. Masaya niyang niyakap si Ayra at niiyakap naman ni Earl si Aimee.

"Mabuti naman at okay kayo.", nakangiting sabi ni Earl.

"Nasaan sila mama. Nasaan si Gab?", nag-aalalang tanong ni Aimee.


"Hindi namin napansin si Gab. Naiwan sila tita....", mahinang sabi ni Earl. "Sorry Aimee pero... baka may nangyari nang masama sa kanila." sagot ni Earl.

"Ha?! Kailangan nating bumalik dun. Hindi pwedeng may mangyari sa kanila!", sigaw ni Aimee.

Pinigilan naman ni Ayra si Aimee. "Sorry pero hindi kita papayagan. Delikado yun. Kailangan na nating umalis dito.", sabi niya.

"Pero tita.... si mama at si papa nandun pa. Baka nandun din sa Gab.", nag-aalalang sabi ni Aimee. "Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila."


Niyakap ni Ayra si Aimee. "Sorry Aimee.", malungkot na pahayag niya.

Tumulo na ang mga luha ni Aimee. "Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanila.", naiiyak niyang sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Earl nang lumingon siya sa kanilang likuran. "Wala na tayong magagawa. Kailangan na nating umalis.", natatakot na sabi ni Earl.

Face Your Fears (ONGOING)Where stories live. Discover now