Chapter 5: Die

1.1K 19 8
                                    

A/N: Ano kaya ang naisip na dahilan ni Ivan kung bakit nila natawag si Kamatayan? Makakaligtas kaya sila o isa-isa silang mamamatay? 

Continue reading to find out... :)



--


"Huh? Anong ibig mong sabihin?", naguguluhang tanong ni Angelika. Tiningnan niya ng mabuti si Ivan.

"May ideya ako kung bakit natin natawag si Kamatayan.", seryosong sabi ni Ivan.

"Anong ideya?", interesadong tanong ni Angelika. Inayos niya ang kanyang pag-upo at nakinig nang mabuti kay Ivan.

"Sa tingin ko, pamalit lang si RJ sa buhay ng papa mo.", mahinang sabi ni Ivan. 

Nanlaki ang mga mata ni Angelika sa sinabi ni Ivan. "Anong pamalit?", gulat na tanong niya.


"Diba ang trabaho ni Kamatayan ay sumundo at magparating ng kamatayan sa mga tao? Isipin mo, bakit nandun sa bahay ninyo si Kamatayan?", seryosong sabi ni Ivan. Napaisip naman si Angelika dahil dito.

"Kaya natin siya natawag kasi mamamatay na dapat ang papa mo nung gabing yun. Pero natigil natin yung trabaho niya dahil naglaro tayo ng spirit of the coin.", pagpapatuloy ni Ivan.

"So you're saying..?", nanginginig na sabi ni Angelika. Tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Hindi natuloy ang pagkamatay ng papa mo at si RJ ang naging kapalit niya. Si RJ ang pumalit sa posisyon niya.", malungkot na sabi ni Ivan.

Hindi makapaniwala si Angelika sa naririnig niya. "Pero bakit namatay parin si papa?", tanong niya.


"Tadhana na siguro ng papa mo yun. Hinanapan lang siya ni Kamatayan ng ibang oras.", sagot ni Ivan.

"Ano, may schedule? Pinaglololoko mo ba ako?! Namatay yung papa ko dahil sa mga magnanakaw na yun hindi dahil kay Kamatayan.", galit na sigaw ni Angelika. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa lamay.

"Angelika! Makinig ka muna. Namatay si RJ tapos namatay ang papa mo. Buksan mo ang mga mata mo. Hindi mo ba naiisip na weird yun. Pareho silang malapit sa'yo.", giit ni Ivan.

"Pero...", napaisip naman si Angelika dahil sa sinasabi ni Ivan.


"May death list si Kamatayan. Kinakabahan lang ako na baka kasama na tayo dun. Nagambala natin siya nung gabing yun. Nauna si RJ kasi isa siya sa pasimuno ng laro. Sumunod ang papa mo kasi siya yung dapat talagang namatay nun. Sino ang susunod?", nakakatakot na sabi ni Ivan.

Umiling naman si Angelika at pinunasan ang mga luha niya. "Baka pagod ka lang. Ang dami mo kasing pinapanood na horror movies lalo na yung Final Destination kaya ganyan yung mga naiisip mo .", sabi niya.

"Pero Angelika...", sambit ni Ivan.

Hindi na niya pinatapos si Ivan. "Umuwi ka na. 'Wag ka nang dumagdag sa sakit ng ulo ko pwede? Thank you nalang sa pagbisita at pakisabi na rin sa iba na thank you."

 "Fine. Pero 'wag mong sabihin na 'di kita binalaan.", malungkot na sabi ni Ivan.

Nagpaalam na si Ivan sa kanya at agad na umalis mula sa lamay.



--


Face Your Fears (ONGOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt