Chapter 10: Till Death Do Us Part

893 17 6
                                    

A/N: Ito na po ang last chapter ng Piso at sana magustuhan niyo! Salamat sa patuloy niyong pagbabasa at pagsuporta sa Face Your Fears.  ^___^



--


 "Isang mall ang sumabog at bahagyang gumuho matapos plantahan ng bomba kaninang alas dos ng hapon. Kasalukuyang tinutugis ng mga pulis ang nag-planta ng bomba. 345 ang kumpirmadong patay habang 276 naman ang sugatan. Hinihinalang may mga naipit pa sa loob ng gumuhong mall matapos matakpan ng malalaking bato ang mga entrance ng mall. Ginagawa naman ng mga rescuers ang lahat ng makakaya nila upang iligtas ang mga naipit pa sa loob."

Pinatay ni Angelika ang TV at napaiyak nalang siya habang nakaupo sa kama niya sa ospital.

"Anak!", sigaw ng isang pamilyar na boses sa kanya. Napatingin siya sa pintuan nang bumukas ito at bahagyang napangiti nang makita niya ang tumatawag sa kanya.


"Ma.", mahinang sabi ni Angelika. Agad naman siyang niyakap ng kanyang nanay.

Okay ka lang ba?!", nag-aalalang tanong ng nanay niya.

"Okay lang po ako.", sagot naman ni Angelika. Bumitaw na siya sa pagyakap ng nanay niya at pinilit na ngumiti.

"Bakit kasi umalis ka sa ospital?! Pinag-alala mo ako ng sobra!", sigaw ng nanay niya.

"Sorry po.", nakayuko namang sagot ni Angelika. Hinawakan ng nanay niya ang kanyang mga kamay.

"Hindi ka ba nasaktan?", tanong ng nanay niya. Umiling naman si Angelika at napaluha.


"Buti nalang 'di ka nasaktan! Bakit kasi pumunta ka sa mall na yun?", nagtatakang tanong ng nanay niya.

Bumalik naman lahat ng masasamang alaala sa isipan ni Angelika nang sabihin ng nanay niya ang salitang mall. Naalala niya lahat ng mga kaibigan niyang namatay at ang pagsasakripisyo ni Ivan upang mabuhay siya. Di na nakayanan ni Angelika ang lungkot kaya napaiyak na siya sa harap ng nanay niya.

"Oh bakit?!", gulat na tanong ng nanay niya sabay yakap kay Angelika. Humagulgol na si Angelika dahil sa pagyakap ng nanay niya.

"Wala na sila.", naiiyak na sabi ni Angelika. Hindi naman maintindihan ng nanay niya ang kanyang sinasabi.


"Wala na sila.", patuloy na sabi ni Angelika. Hindi tumitigil ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.

"Sino? Sinong sila? Anong wala na?", nagtatakang tanong ng nanay niya. Patuloy parin sa pag-iyak si Angelika.

"Anak?", tanong ng nanay niya. Nag-aalala siyang tiningnan ng kanyang nanay.

"Ma, pwede bang maiwan mo muna ako? Gusto ko lang mapag-isa.", naiiyak na sabi ni Angelika. Tiningnan niya ng mabuti ang kanyang nanay.

"Ma, please!", sigaw ni Angelika. Nagulat naman ang nanay niya sa kanyang pagsigaw kaya tumango na ito.

"O sige. Iiwan muna kita.", nag-aalalang sabi ng nanay ni Angelika. Agad namang umalis ang nanay niya sa kwarto at naghintay sa labas.


"Bakit ba nangyari 'to? Ba't sa amin pa?", naiinis na tanong niya sa sarili niya. 

Sinuntok-suntok niya ang kanyang kama dahil sa sobrang galit niya. Nagulat naman si Angelika nang bigla nalang humangin ng malamig. Napatingin siya sa bintana pero hindi naman ito nakabukas. 

Face Your Fears (ONGOING)Where stories live. Discover now