tatlumpu't dalawa

63 5 1
                                    

Pinipilit ni Amihan na pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim at umupo muli sa kinauupuan niya kanina. Natatakot na ngayon si Kate dahil sa presensya ngayon ng katrabaho. "Pa-pasensya na, Amihan! 'Di ko naman alam na nanay mo 'yung nagbenta no'n, e!"

"Ni hindi ka man lang naghinala?!" Tumaas muli ang boses nito dahilan para mapatingin ulit ang mga tao sa kanila.

Wala siyang natanggap na sagot, bagkus ay inilapag na lamang ang kuwintas sa lamesa nito. Pinipigil ni Kate na umiyak, sa lahat ng teacher sa loob ng Araling Panlipunan faculty ay kay Amihan lang siya natakot ng ganito. Fragile siya pero hindi niya iyon pinapakita, bibihira lang.

At ngayong na-trigger ito ni Amihan, halos lahat ng tao sa loob ng kwarto ay masama na ang tingin sa kaniya. Wala na siyang pakialam, hinablot niya ang pulso ni Kate at pinanggigilan ito. "Aray, masakit!"

Bumukas ang pintuan. "Miss Marasigan!" Si Ma'am Luzviminda, "ano nangyayari sa'yo?!" Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at kaba dahil sa inaasta ng guro. Ang ibang tao naman ay sinusubukang awatin si Amihan pero hindi pa rin binibitawan ang hawak niya.

"Tigilan mo nga iyan!" Dumating sa eksena si Philip, bitbit pa rin ang makakapal na notebook mula sa mga estudyante niya. Ipinatong niya iyon sa isang bakanteng lamesa upang awatin si Amihan sa pamamagitan ng pagbuhat nito palayo sa kaniyang bewang.

Kahit na naibuhat na ito ni Philip palayo ay hawak pa rin ni Amihan ang pulso ni Kate na ngayon ay nakasalampak na sa sahig, malakas na ang iyak. May ibang estudyante mula sa katabing classroom ang nakasilip ngayon sa bintana ng faculty, dahil na rin siguro sa mga kalabog ng dingding na gawa lang sa plywood.

"Ano ba ang problema niyong dalawa, ha?!" Pamewang ni Ma'am Luzviminda. Humahagulgol pa rin ng iyak si Kate samantalang si Amihan naman ay halos magiba na ang kaniyang hitsura, para na siyang isang nasisiraan ng bait.

"Hindi mo naman dapat sa akin ibinaling 'yung galit mo, e!" Nanghihinang sambit ni Kate at tumingin ito sa katrabaho. "Dapat sa nanay mo! Wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi mo! Humingi na ako ng sorry sa kaniya ma'am pero hindi niya pa rin ako pinakikinggan!"

Doon na lahat nagsink-in kay Amihan ang lahat, pati na rin ang mga nagawa niyang pananakit kay Kate. Unti-unti siyang binaba ni Philip mula sa pagkakabuhat. Si Ma'am Luzviminda naman ay pinandilatan ng mata ang mga estudyante na nakasilip sa bintana dahilan para magsibalikan ito sa kani-kanilang mga classroom.

Ibinalik ni Ma'am Luzviminda ang tingin niya kay Amihan, "pag-usapan niyo ni Kate ang nangyari rito. Kung hindi kayo magkakaayos, I will suspend you!"

***

Magkasalubong ang mga kilay ni Amihan nang makauwi ito sa tinutuluyang bahay. Ibinagsak niya ang dala-dalang backpack sa may pintuan at dumiretso sa kusina, naabutan niya ang ina na nagbibilang ng kung ano sa lamesa. "O, kumusta trabaho?" Masayang tanong ni Margarita.

Hindi ito umimik, bagkus ay kumuha na lamang ito ng malamig na tubig mula sa refrigerator at ininom ito. Sumagi sa isip niya na ibuhos na lamang ang inuming hawak-hawak niya sa ulo ng ina. Pero iba ang ginawa ng kaniyang kamay.

Bigla na lamang itinaob ni Amihan ang lamesa, dahilan para mahulog ang mga perang papel at barya. Pati na rin ang hawak na baso ay itinapon niya na rin. Hindi nagsalita si Margarita, kukuhain niya pa sana ang mga barya ngunit sinipa ito palayo ng kaniyang anak.

"Toree [tanga] ka, Amihan! Ano ba pumasok sa kokote mo at ginawa mo iyon, ha?!" Tumayo si Margarita mula sa pagkakaupo. "Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan, bakit mo nagawang ibenta ang kuwintas na mahalaha sa akin?!"

Sa Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now