dalawampu't siyam

67 7 4
                                    

Inilayo ng kaunti ng ama ni Amihan ang ulo ng kaniyang anak at tinitigan ang mga mata nito. Tila ba ay ayaw pa ring tumigil ang pagluha na dumadaloy sa mga pisngi niya. Halos mamula na rin ang ilong nito dahil sa labis na pagiyak.

"Patawarin mo ang nanay mo, Amihan. Alam kong mahirap ang trabaho mo rito sa Maynila at nakakakuha ka ng stress dahil sa dami ng ginagawa mo," pahayag ng ama at binigyan ang anak ng isang matamis na halik sa noo nito.

Pahikbi-hikbi na lamang tumango si Amihan at pinunasan ang mga natitirang luha sa kaniyang mata. Napangiti na rin siya dahil sa isang tao na sumilip sa kaniyang pintuan. Napansin iyon ng tatay niya at pinagtulakang pinaglapit silang dalawa. Kupido, ika nga nila.

"O sya, sya! Mukhang may paguusapan pa kayong dalawa. Tutulungan ko muna pinsan mo magligpit sa baba," paalam ng ama at tinapik ang likuran ng binata.

Nagpalitan lang sila ng ngiti. "Pasensya ka na sa nangyari kanina, ha? Sadyang gano'n talaga lang nanay ko pero pagsasabihan ko rin," panimula ni Amihan.

"Ayos lang iyon, may na-encounter na rin akong gano'n, e."

Nanlaki ang mata ni Amihan, "seryoso? Nagkagirlfriend ka na gano'n din 'yung nanay?"

Natawa na lang si Vico at pinisil ang ilong ng dalaga, "FYI lang, ha? You're my first girlfriend, at saka 'yung mga na-encounter ko na gan'on is nung naglilibot ako sa Pasig para mangampanya."

Nagkaroon ng saglit na katahimikan, papaupuin niya ba ang binata sa kama niya? Bad, Amihan! Walang mangyayaring ganiyan!

"Oo nga pala, nasaan na pala 'yung binigay ko na kwintas sa'yo? Parang kanina lang suot-suot mo 'yun, a? "

Napahawak si Amihan sa kaniyang leeg at napansin ngang wala na ang kwintas. "Baka nailagay ko lang sa jewellery box ko," sambit niya at pumasok na tuluyan sa loob ng kwarto.

Tahimik lang pinanood ng binata ang pahahalungkat ng kasintahan. Sa kada lilipat siya ng paghahanapan ng jewellery box o kaya kung saan lang nahulog ay napapakamot siya ng ulo.

"Do you want me to help?" Tanong ni Vico na halos mahilo na sa paggalaw ni Amihan. "Hindi, ayos lang. Mahahanap ko rin 'yon," tugon ng dalaga at pinagpatuloy niyang halughugin ang kwarto.

Halos sampung minuto naghanap si Amihan sa kaniyang kwarto, para na bang sinalanta ito ng isang malakas at masamang bagyo sa sobrang gulo.

"Naiwala ko," mahinang sambit ni Amihan sa kaniyang sarili habang kamot-kamot ang mga kamay nito. "Hanapin mo na lang ulit bukas baka nakaligtaan mo lang," suhestiyon naman ni Vico.

"Siguro nga."

***

Nang makauwi na ang binata sa dakong alas diyes y media ng gabi, nakasimangot na tumabi si Amihan sa kaniyang abalang pinsan sa panonood ng TV. Napansin iyon ni Achilles kaya siniko niya ito.

"Ano na naman sinisima-simangot mo riyan, ha? Kakaalis lang ng bebe mo, miss mo na kaagad," banat ni Achilles sa tono ng parang naiirita siya.

Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nakasimangot ngayon si Amihan, kung pwede lang na dito muna magpalipas ng gabi si Vico ay masaya na siya. Ang tanging inaalala lang ni Amihan ay ang pagiging maaalalahanin ng ina ng kaniyang kasintahan.

"Nawawala 'yung kwintas ko," Amihan crossed her arms, ipinatong niya na rin ang kaniyang mga paa sa center table at humikab ng napakalakas, na animo'y hihigupin na ang lahat ng alikabok na nakapalibot sa lahat ng sulok ng kanilang bahay.

"Parang kanina lang paguwi mo suot-suot mo pa 'yun, a?" Ginaya na rin ni Achilles ang pinsan at inilipat ang channel ng TV. "Kaya nga, e."

"Teka, 'di ba naghugas ka ng katawan mo kanina bago maghapunan?"

Napaisip-isip si Amihan, totoo nga! Nakalimutan niya na sa kada maliligo ito ay tinatanggal niya ang kwintas para hindi mabasa at baka mahantong pa sa pangangalawang.

"Nilalagay ko naman sa jewellery box ko 'yung kwintas bago ako maligo, e. Ang alam ko nilagay ko 'yun do'n kanina."

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Tanging ang tunog lang na galing sa  kanilang telebisyon at mga nagsisitahulang aso sa labas ng kanilang bahay ang tanging maririnig. Para bang nagkonekta ang utak nilang dalawa sabay sabi ng;

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?"

Nagkatinginan silang dalawa sabay halagpak ng tawa. Minsan na lang sila tumawa ng gano'ng kalakas kaya sinulit na rin nla.

"So, ano? Hindi naman natin sure kung siya ba talaga kumuha ng kwintas mo kasi wala namab tayong ebidensya," wika ni Achilles.

"Sus, parang hindi mo naman kilala si nanay. Basta lahat ng makikita niya na pwedeng isangla, isasangla niya para sa pera," natatawang tugon ni Amihan sabay unat ng kaniyang katawan.

"Kaya nga, pero malay mo this time hindi si ante ang kumuha no'n?"

"Baka naman ikaw kumuha no'n tapos ibibigay mo sa babae mo?" Pagtataas ng kilay ni Amihan dahilan para mahampas siya sa mukha ng kaniyang pinsan ng throw pillow.

"

Gago ka ba? Wala nga akong maligawan na babae, ibibigay ko pa?"

"Ayaw pa kasing ligawan si Madeleine. Sus, kunwari ka pa, e."

"Tigil-tigilan mo 'ko, Amihan baka mapalayas kita rito sa pamamahay ko!"

***

Kinabukasan, hindi mapakali si Amihan na haplusin ang leeg nito dahil sa kwintas. Makailang beses niya 'tong hinahawakan hanggang sa mapakamot na lang sa kaniyang ulo.

Lumapit si Kate sa kaniya, "ano na naman problema mo, ha?"

"Nawawala kwintas ko, e!" Tugon ni Amihan sabay bukas ng kaniyang laptop para simulan na ang pagdouble check sa mga grades ng advisory class niya.

"Sobrang special siguro no'n," pagbuntong hininga ni Kate sabay balik sa kaniyang table. Nilingon siya ni Amihan, "kung ikaw, sino paghihinalaan mo kapag may nawala sa gamit mo?"

Inayos ni Kate ang mga folders at inilagay ito sa kaniyang bag, "siguro 'yung naiinggit sa gamit o hindi kaya 'yung may balak na ibenta, bakit?"

"Wala wala, pumasok lang sa utak ko."

Hanggang sa mag-uwian ay iyon pa rin ang nasa isip niya, kahit na gano'n ang nanay niya ay ayaw niya itong pagbintangan. Baka naman ay sadyang na-misplaced niya lang at hindi na mahanap.

Pagbukas sa cellphone niya ay bumungad ang wallpaper ni Vico na para bang may nilagay siyang aluminum foil sa ngipin at naka-close up shot pa. Sa pagkakatanda niya, ang wallpaper niya noon ay ang picture dati ng binata na may kargang bata.

Pero kahit papano, nawala sa isip ni Amihan ang problemang dinadala.

a/n: hi bbs! sori kung natagalan yung update huhu, tambak gawain sa school tapos sadyang wala pumapasok sa utak ko... stay safe and happy 2k reads mga mahal!!!

Sa Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now