pito

191 13 18
                                    

["Bakit ang daming nagtitilian? Where are you?"]

Hindi makaisip ng sasabihin si Amihan and Athena mouthed "may emergency sa school," na siyang sinabi naman sa kausap.

["Sana nagpahatid ka sa akin."] Vico seriously replied. 'Yung ala Kim Shin sa Goblin ang datingan? Ni-loudspeaker ni Amihan ang cellphone niya para marinig ng mga kaibigan niya at makatulong sa sasabihin niya.

"Haching!" Malakas na bahing ni Calixte dahilan para mabigyan siya ng masamang tingin. "Ano na naman?" Asar na sambit nito at kinurus ang mga braso na parang isang bata.

["Amihan? Can you hear me?"]

"Oo naman.. hindi na kailangan na ihatid mo 'ko dito. At saka isa pa, kailangan ka nila riyan," kinagat ni Amihan ang kuko niya sa hinliliit.

Ang mga kaibigan niya ay nakatingin lang sa cellphone, pabalik-balik ang tingin nila kay Amihan at sa gadget.

["Hindi naman na, I stayed because of you,"] mabagal na sambit nito at kinilig na naman sila. Itinuro ni Amihan ang pintuan na tila pinapalabas na niya ang mga kaibigan niya. Ngumuso si Calixte at hinila siya ni Madeleine palabas ng faculty, ganon rin sina Aphrodite at Athena.

"Pasensya na talaga, may na-guidance po kasi sa section na hawak ko at kinailangan ako," dagdag na paliwanag niya pa habang hinihilot ang sentido niya.

Bakit siya biglang naging maaalalahanin?

Habang naguusap ang dalawa sa cellphone, si Jerome naman ay tahimik na nakikinig sa kanila. Kahit anong iwas pa nito na hindi mag-eavesdrop, hindi niya magawa. Parang uminit ang ulo niya dahil sa palitan nila ng reply.

Nakaapekto rin ba kay Jerome na hindi napansin ni Amihan na nililigawan niya ito? Ginawa niya naman ang lahat para mapansin siya pero hindi siya binibigyan ng oras na ito.

"Ano kaya ang ginawa ng lalaking 'yon?" Tinitigan niya si Amihan habang namomroblema kung paano mapapaniwala si Vico kung bakit ito umalis ng walang paalam.

Isinalpak ni Amihan ang kaniyang earphone para hindi na marinig ni Jerome ang usapan nila. ["Hey, Amihan? Andiyan ka pa ba?"]

"Opo, may inayos lang mayor–"

["You can just call me Vico,"] pagpuputol nito sa sinasabi ni Amihan. Rinig ang pagkadismaya ng kausap ng dalaga sa pamamagitan pahinga nito nang malalim.

Sinilip ni Amihan ang bintana at nakita niyang kakaunti na lamang ang mga estudyante na bababa, kaya napagisipan niya na samahan ang mga kaibigan nito upang ikwento lahat ng pangyayari.

Biglang nag-hang up ang tawag, tinitigan ni Amihan ang cellphone niya, iniisip kung may nasabi ba itong mali sa kausap. Lumabas siya sa faculty na dala dala ang jacket ni Jerome, habang ang binata? Ayon, naiwang tulala na sinusundan si Amihan sa paglabas ng faculty.

Nag-pop ang chat head ng group chat nilang magkakaibigan, sabi ni Athena ay nasa McDonald's sila para hintayin si Amihan at ilibre siya.

Pinuntahan niya ang nasabing lugar at naabutang nakapila si Calixte para mag-order. Itinuro naman nito kung saan naka-upo sina Athena at agad naman itong nakita.

Tahimik na nakatungo silang tatlo, kinalampag ni Amihan ang lamesa na ikinagulat naman ng kaniyang mga kaibigan.

"Tangina neto, inaano ka ba namen?" Pagkakamot sa ulo ni Aphrodite at tawa naman ni Amihan. "Musta paguusap niyo, ghorl? Nagpropose na?"

"Ang advance mong hayop ka," saad ni Madeleine. "Kelan kasal?" Dagdag nito at ipinalo sa ulo ang diyaryong binabasa ni Athena.

Nang makabalik si Calixte dala ang mga pagkain sa pwesto nila ay agad ikinuwento ni Amihan ang mga nangyari. May nagtatalsikan na kanin dahil sa kilig o 'di kaya ay sa mga pagpapapansin na ginawa ni Jerome.

Sa Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon