isa

811 21 18
                                    

"Darating daw siya ngayon?" Tanong ng isa niyang katrabaho. Na-distract siya sa sinabi nito at nilingon siya sa likod. Halata sa mukha nito na kinikilig siya ngayon.

"Sino dadating ngayon? 'Yong principal ba natin?" Pabiro niyang tanong at bumalik siya sa paggawa ng PowerPoint presentation sa kaniyang laptop ukol sa World War II.

Kinalabit siya muli ng katrabaho sa kaniyang likuran at nagwika, "ay teh? 'Di mo talaga alam? Dadating si Yorme!"

"Si Isko?" Binatukan siya at napakamot sa sariling ulo. "Ano? Nasa Maynila tayo? Sino ba mayor natin?"

Napaisip siya, "si Eusebio?"

Pasuko na sana ang katrabaho niya nang may kumatok sa pintuan ng faculty. "Guys, papalapit na daw siya dito! AAAAAH!" Nagtama ang mata nilang dalawa, tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at napagtanto niyang excited nga siyang makita ang kung sinong panauhin ng eskwelahan.

Huminga na lamang siya nang malalim at sumunod sa head teacher ng asignaturang kaniyang tinuturo.

Sa kaniyang lamesa, nakalapag ang isang I.D. na may pangalang Amihan Marasigan. Isa siyang guro sa San Joaquin-Kalawaan High School sa subject na Araling Panlipunan. Grade 10 teacher ngunit nagsa-substitute sa ibang guro na hindi makapasok dahil sa sakit o 'di kaya'y may aasikasuhing importante.

Matangkad, pahaba ang mukha, buhok na umaabot sa kaniyang dibdib at kinulayan ng bronze creamy (shade ng blonde), may kapanguan, at katamtaman lang ang puti ng balat. 'Yan ang katangian ng gurong tampok sa ating kwento.

Nag-ayos siya ng kaniyang mukha at isinuot ang kaniyang I.D., naglagay na rin ng kaunting pabango para mawala ang amoy ng araw na dumikit na sa kaniya.

Nakakapanibago dahil ang daming halaman na naka-display sa ground floor, 'yon ang kaniyang napansin sa kanilang pagbaba. Ang mga boy at lady scouts kasama ang mga C.A.T. Officers naman ay maayos na nakapila sa mga corridor ng paaralan.

"Ngayon ko lang talaga siya makikita!"

"Oo nga! Balita ko nga, ang tangkad daw niya! Oh my god, dream man!"

Nagsihagikgikan ang mga lady scouts na rumoronda sa grounds habang nagkikilitian sa kani-kanilang mga bewang o hindi kaya ay naghahabulan na dahil sa kanilang pagaasaran.

Kebabata palang... Saad niya sa kaniyang sarili.

Nalaman niya nalang na ang kanilang panauhin ngayon ay ang bagong halal na si Vico Sotto, nakasaad iyon sa isang bulletin board na siya'y wine-welcome.

"Bakit ko nga ba nakalimutan?" Napatawa siya sa sarili, tinungo niya ang conference room kung saan ay doon gaganapin ang okasyon, naka-locate ito sa VPE3, second floor.

Hindi niya maiwasang mamangha nang makatapak ang kaniyang mga paa sa nasabing lugar, mas maaliwalas pala dito, bukod sa kakatapos lang nito ma-renovate, nakabukas pa ang mga aircon at magarbo ang mga disenyo na nakakabit sa maliit na stage sa harap nito. Halatang pinaghandaan ito ng eskwelahan dahil sa effort na binuhos dito. Pero tiyak siya na magagalit ang principal kapag nalaman nito na magastos ang paghahanda dito.

Hanggang sa pag-upo ni Amihan ay hindi niya maiwasang marinig na nagbubulungan ang mga kapwa guro, iisa lang naman ang topic nila, iyon ay nae-excite na silang makita ang punong-lungsod. Binaling niya na lang ang kaniyang atensyon sa cellphone upang hindi ma-out of place.

Saktong pagbukas niya ng twitter, ang tweet ni Vico ang unang lumabas sa feed niya. Tinuweet niya ang isang picture na nanggigigil ito sa isang bata sa pagpisil ng pisngi habang malawak ang ngiti sa camera.

Sino ba naman hindi magkakagusto dito?

Nag-scroll siya ulit at nakita naman ang mga tweet ng mga estudyante niya.

@_cinnamonako

Yes! Walang teacher! Let's go, cutting!!

Nanliit ang mata nito nang makita niya ang tao sa display profile, ay napagalaman niyang galing ito sa advisory class niya. Hindi na niya sinunod ang protocol na dapat wala nang lalabas ng conference maliban na lamang kung pupunta sa comfort room.

Dali-dali siyang bumaba, mabilis rin ang kaniyang paglakad. Dahil dito, muntikan na rin siyang madulas.

Letse!

Minadali niya namang akyatin ang classroom ng Descartes na nasa ika-limang palapag, sinilip niya ang klase at nagkakagulo. Pero animo'y sinaniban ng kabilisan ni Flash sa pag-lipat at pag-ayos ng mga upuan. Pinandilatan niya ng mata ang mga estudyante, alam naman niyang takot ito sa kaniya kaya alam nila kaagad ang ibig sabihin ng kaniyang pinapahiwatig.

Bago siya bumalik sa conference room ay pinagsabihan niya ang mga officers na bantayan ang bawat galaw ng kanilang mga kaklase, pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya na babalik na siya sa conference room. Sa hindi malamang dahilan, sa kada palapag na kaniyang madadaanan ay tinitignan niya ang relo niya. Animo'y nakikipaghabulan siya sa hindi niya makitang kakumpitensya.

Pagkatapak ng kaniyang paa sa unang palapag ay nakarinig siya ng isang masigabong palakpakan. Dumating na pala ang panauhin na siyang kinakausap ng kanilang principal.

Nakita niya ang mayor; matangkad, maputi, at naka-color blue na collared polo. Napaisip siya, hindi ba siya nauubusan ng blue polo?

Pinagmasdan niya na lang ang paguusap ng mayor at ng principal. Nawala siya sa diwa nang nalaman niyang papunta sa direksyon niya ang mga tao.

Habang papalit sila ng papalapit ay hindi maialis ni Amihan ang mata sa mayor. Hindi niya alam kung bakit. Tila namumula na at nagiinit ang kaniyang pisngi.

Nang nagkasalubong ang kanilang mga mata, ningitian siya nito. Napakurap naman siya nang mabilis at tila nanlambot ang mga tuhod. Imbes na mapahiya ay sumunod na lamang siya sa tao patungo sa conference room.

Isang malakas na palakpakan muli ang kaniyang nadinig. All smile naman si mayor habang kinakamayan ang mga guro. Ang tanging pumukaw sa kaniyang pansin ay ang isang sanggol. Nagpaalam siya kung pwede niya ba itong buhatin at pumayag naman ang guro.

"Mayor, anak po 'yan ng isang estudyante mula sa Open High. Pinakiusapan lang po sa amin na bantayan dahil nag-aaral po sa itaas 'yung mama niya ngayon," paglalahad pa nito.

Pasok sa isang tenga at labas naman sa kabila. Bising-busy siya sa pagkurot sa pisngi ng sanggol at isinayaw-sayaw pa ito.

Namangha si Amihan, bibihira lang sa mga lalaki ang malapit sa mga bata. Minabuti niya nalang na kuhaan sila ng picture dahil sa cute na scenario.

Pumasok ang lahat sa conference room, pinaupo ang mga panauhin. Pero si Vico ay aliw na aliw pa rin sa sanggol. Game na game rin ito sa pagsagot ng mga tanong mula sa campus journalists habang bitbit ang sanggol sa kaniyang mga braso.

"Huy, baka matunaw ang mayor!"

Bumalik sa diwa niya nang sikuhin siya ng kapwa guro. Nagsitawanan nalang ang iba at bumalik sa pakikinig sa pagpupulong.

Natapos ang pagbisita ni Vico sa pamamagitan ng picture taking. Magpapahuli rin ba siya?

"Me-mayor, pwede po ba akong magpapicture?" Mahina na tanong niya. Um-oo ito at tumabi sa kaniya.

Binuksan niya ang kaniyang cellphone at inilipat ang mode ng camera sa front camera. Kung tutuusin ay magkasing tangkad lang siya, pero in-frame pa rin sila para sa picture.

Matapos ang mga pangyayaring iyon, bumalik silang lahat sa kani-kanilang faculty rooms. Tinignan niya ang mga pictures na kinuha niya kanina, lalo na ang picture na may dala-dalang bata ang mayor.

Bigla niya na lang itong sinet as wallpaper, hindi niya rin alam kung bakit.

Ang alam niya lang, cute silang dalawa for this world.

Sa Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now