Chapter 11

234 22 4
                                    

Pita's POV:

"What?! You want me to panggap-panggap as your girlfriend?! But why me?!"

Shocking! Nakaka-lurkey na rebelasyon naman to! Bakit ako pa?! Pwede naman si Peony ah!

Bakit?! Pumuti na ba si Barack Obama?! Straight na ba ang buhok ni Harry Styles?! Matangkad na ba si Gloria Arroyo?! Tumigil na ba si Michael Clifford sa pagpapakulay ng kanyang buhok?! Carrot na ba ang tinatalopan ni Princess Sarah?! At hindi na patatas?!

Oh ma ghad! Nakaka-lurkey! Nawi-windang na ako! Baka sa susunod malalaman ko na lang na may buhok na pala si Boy Abunda o baka hindi na siya panot?!

"I have no choice" Kalmadong sagot niya. "One day lang naman Pita. Basta may maipakilala lang akong girlfriend sa lolo ko"

"Ha! Anong akala mo saken?! Bayaran?! Rentahan?! No. No! At bakit naman ako magpapanggap ha?! Di mo pa nga sinabi saken ang totoo mong rason!"

"I just have to show them na may girlfriend na ako. Ang kulit mo rin noh?!"

"Ayoko pa rin! Bigyan mo ako ng matinong rason para pagbigyan kita"

"Fine!" He sighed. "Birthday ni lolo next week. At dahil ako lang ang hindi pa nagkaka-girlfriend sa aming mag-pipinsan. Gusto niyang may dadalhin o ipapakita akong gf sa birthday niya bilang birthday gift ko raw sa kanya"

"Eh bakit ako pa ang pinili mo?! Marami namang ibang babae dyan ah!"

"Ikaw lang naman ang hindi natatakot na sagot-sagutin ako ng harapan at hindi nasisindak kaya ikaw na lang ang naisip kong maging fake girlfriend. At bukod sa wala ka namang dating saken, why not ikaw na lang" Walang ka-emosyon na sagot nito. At saka ang boring nyang mag-explain. Sarap tsinelasin!

"Dahil lang ba sa wala akong dating sa yo? Ako na ang pinili mo? Mukha ba akong mabait sa paningin mo?"

"Yes. And correction, hindi ka mabait. Amasona ka"

Eh gago pala ang isang toh eh! Ang galing mang-pikon!

"And don't worry. Babayaran din naman kita eh. Mas triple sa sahud mong nakukuha dito"

Anong akala mo saken?! Dukha?! Duh! Mayaman kaya ako noh! Nakarating na nga pa ako sa London!

"Ayoko pa rin! Pwede naman si Peony ah!"

"Ayoko nga!" Tigas rin ng ulo mo minsan Ryuu!

"God! Ano bang gusto mo Pita?! Imudmud ko ang mukha ko sa bibliya at mangako?!"

"Gagawin mo yun?!"

"Hell! No!"

"Yun naman pala eh! Ayoko pa rin. At maghanap ka na lang ng ibang babae. Yung willing ha!"

"Pita!"

"Oh! Bakit?!"

"Kapag hindi ka pumayag, itatapon kita sa mental. And I mean it!"

"Okay lang! Basta libre ang pagkain doon! Go lang ng go! Kailan ba iyan?"

"Ugh!! Mababaliw na ako sa yo!" He groaned in frustration

"Great! Ikaw na ang dadalhin ko sa mental!"

"Fine!"

"Tatawag na ba ako ngayon sa mental?"

"No!"

"So, later na lang?"

"No! Hindi!" He said while running his fingers through his hair. "Kapag pumayag ka, I'll grant the three wishes of yours"

"Huh?"

"I'll be your genie. I will grant your three wishes...Anything"

"Anything?"

Oh my Cathy! Wishes daw!

"Yes! Anything!"

"Huwag na lang. Mukhang galit ka ata"

"No. No... I promise. Mark my word"

"Okay! Isulat mo na ang word mo at nang mamarkahan ko"

"Seriously?!"

Baliw ba sya?! O tanga lang?! Diba sabi nya 'Mark my word?!' tapos magtatanong muli?! Hayss! May pagka-bopols rin ang isang to eh!

"Adik ka ba? Eh sabi mo Mark My Word. Kaya ayun nga, mamarkahan ko na gamit ang---Magic Pen ko!" At inilabas ko sa pocket ko ang pen. At syempre may pa-pose, pose pa ah

"You're crazy!"

Uy! Ngumit siya! I swear, nakita ko talaga siyang ngumiti. Promise!

Ngumiti ang kaisa-isang anak ni Zuma! Ngumiti si Among Sungit! Ngumiti si Ryuu! Mabuhay! Hihihi. Galing mo talaga Cathy! Baka sa susunod, tatawa na siya. Hihihi

"Hihihi!"

"Fine! I'll make a contract. Happy?"

"Yehey!"

I'll make sure na magiging maganda ang three wishes ko!

Pita In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon