Chapter 5

243 24 2
                                    

Pita's POV:

"Grabe ka Pita! Ang tapang mo! Akalain mong ikaw lang ang nakasagot ng ganun kay Sir Ryuu dito sa bahay"

"Eh kasi naman eh! He's so sungit! Ay! No very very sungit! Sabi ko naman na no worry kung doon lang naman tayo. We will block our sight diba?"

"Oo nga naman! Sayang pa naman! Pagkakataon ko na rin para masilayan ang angking kakisigan ni Ryuu Jin Atashiwa my loves. Sayang din ang biyaya ng Diyos kung walang makikinabang diba?"

"Eh bahala siya! Kung ayaw niyang i-share, he better move and live in planet Mars...You know?"

"Shhh. Quiet ka lang. Nandiyan na si Matandang Impakta"

Matandang Impakta! Ang salitang matandang impakta ay hango sa salitang di ko pa naririnig at nailimbag sa walang title na dictionary noong panahon ng wala pang numero ang kalendaryo. Naks! Galing ko talaga! Nag-ala Matang Lawin ang peg lang!

Ang matandang sumalubong sa akin na dinedma lang ako

Huminto muna si Matandang Impakta. "Tapos na ba kayo?!"

"Ah...Pinalabas po kasi kami ni Sir Ryuu kasi magbibihis po siya" sabi ni Pony

"Ang kukupad niyong kumilos! Simpleng paglinis lang sa kwarto di niyo pa nagawa?! Pagkatapos niyong linisin ang kwarto ni Sir Jin sa kusina naman! Dali!"

"O-opo" sabay kaming tumango ni Pony. Scary!! Parang si Chaka Doll ang kausap namin!

"May problema po ba Nanay Inda?"

"Ay! Wala naman po Sir Jeydee. Pinagsasabihan ko lang po sila"

Plastic ka!! And oh! Who's this boy!! Ang cute at ang gwapo mo naman! You look an angel too!

"Ahhh" the boy smiled at me! Ay hindi pala! Smiled at us! Galing kong mag-assume!

"Jeydee!"

"Baby Ryuu!" Ay sayang! Bakla ata ang isang toh!

Lumapit si Jeydee kay Ryuu at pinisil ang pisngi nito. "Oh! Bakit kunot na naman yang noo mo?"

"Huwag mo nga akong tawaging Baby Ryuu!" inalis nito ang kamay ni Jeydee at nauna nang umalis. "At wala kang pakialam. Di mo to mukha" Wow!! Ang sungit talaga!

"Chillax ka lang. Hey wait!"

"Bakit?"

"Wala ka yatang nabanggit na may magaganda kang empleyada dito?"

"Hindi sila maganda"

Langya!! Bulag ba siya?! Hindi daw kami maganda?!

"Oh! C'mon being the woman hater Ryuu?" Inakbayan siya nito. "Magbagong buhay ka na kapatid"

Ay!! Shocking! Magkapatid pala sila?! Kaya pala mukhang mga anghel sila! Di lang naman magkamukha! Hayss...

"Huwag mo akong igaya sa'yo" He pushed Jeydee. May pagka-brutal din ang isang to! "Umalis na nga tayo"

"Okay! See you around girls!" he said with a smile and wink. "And Nanay Inda, don't be too hard hard on them"

Oh ha! Ikaw Matandang impakta! Wag ka daw maging hard samen!

At wait! See you around daw?! Oh My Ghad!! Ba't di na lang see you later?! Siguro baka na-fall siya sa aking kagandahan?! Naks naman!! Ibang klase talaga pag-maganda ka! Gwapo mo talaga Jeydee! At ang bait mo pa! Di gaya ng kapatid mong anak ni Zuma na ubod ng sungit!

Pita In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon