Chapter 3

326 25 12
                                    

Pita's POV:

"Wow! Ang ganda!" nasa loob na ako ng mansion at ang ganda!

"Ms. Pita"

Si matandang babae sa screen kanina. Hanep lang ang get up ah! Parang kakabangon lang sa kabaong!! Haha!

"Bakit di nyo po ako tawagin sa apelyido ko?" Ay! Shunga ka talaga Pita! Nagtanong ka pa! Ang hirap kaya bigkasin ang apelyido mo!

Sa dinami-dami ng apelyido, bakit pa kasi Bumagababag ang linagay ni kuya sa apelyido ko?! Ang hirap tuloy bigkasin! Pwede namang Reid o di kaya Collins o Hemmings nalang! Hays!! Baliw at abnoy talaga si kuya kahit kelan!!

"Masyadong mahaba" at nag-poker face pa. Ay!! Taray teh!

"Ms. Pita, sumunod ka sa akin"

Sumunod din ako sa kanya kasi obedient ako eh! Dinala niya ako sa isang room. Ay! Hindi pala este! Opisina pala! Hihihi! Yeah, I know right

"Dito ka muna maghintay, nagbibihis pa si Sir Ryuu"

"Tenks"

Hala dinedma lang ako? Siguro di marunong mag-english kaya di nya pinansin yung sinabi ko. Eh! Anong magagawa ko kung ingliserang probinsiyana itong si Pita?! Nahiya naman siguro si Lady Gaga sa poker face mo teh! Tsk! Tsk!

Pinagmasdan ko ang mga nasa paligid. Sigurado akong maraming mga camera dito. Iyun kasi ang sinabi ni kuya sa akin bago ako pumunta dito. Security palang kasi ng mga Atashi Wa! Bongga na! As in na bongga na bongga ka day!! Nabili na yata nito lahat ng mga CCTV Camera dito sa Pilipinas! Shocking!! Di na talaga keribels ng aking super horsepower!

"Ano ba yan?! Wala man lang naka-display na picture dito?! Kahit isa man lang?!"

"Bakit ka pa naghahanap ng picture?" sabi ng nasa likuran ko. Humarap ako sa kanya para tingnan

Oh may!! Syete na malagkit! Sino itong anghel sa aking harapan?! Nasa langit na ba ako?! Pero bakit nakakunot naman ang noo ng aking anghel?! Cross Sandford ikaw ba yan?! Ba't ang gwapo mo?!

Lumapit siya at umupo sa table niya

"You may now take your seat Ms. Bumabagagag?"

"Bumagababag po Ser" I corrected him. Diba sosyal?! Di nabubuhol ang dila ko! Galing talaga ng super horsepower ko!

"Ms. Bumagabagbag? No! I will just call you by your name, Ms. Pita? Right? Pangalan pa ba iyan?"

Naman ah! Huwag naman po kayo ganyan Sir Oishi ba yun? Ganda kaya ng name ko

"Yes Ser, My name is Pita, why Ser? R u jelos b coz my nym is more byutiful dan urs?"

Sa totoo lang, sa Fita nangkuhaan ni kuya ang pangalan kong Pita. Sabi pa nga nya eh pangarap daw ang ibig sabihin nun. Tsk, ang baduy! At alam niyo ba kung bakit yung ibinigay niya?! Kasi pangarap daw niyang palaguin ang Publication niya. Tsk, maka-sariling kuya. Haha chos lang kuya! Peace!, at saka nagpabili pa kaya siya ng Fita noong bumili rin ako ng Oishi. Hayss

"Okay, I get the point"

"Wer's da point Ser? Wer did u see it? Is it der on da above or under ur table Ser?"

Galing ko talaga!! Lalo lang kasi tuloy kumunot ang noo niya

"Ah? Nevermind. You're from Ilocos?"

"Yes Ser"

"Single?"

"And ready to mingle"

Ihanda ang project smile. Sakit sa panga!!

"At hindi marunong magluto? Paano ka makakapag-asawa niyan?"

"Ser I belib in dis motto dat 'Ip der is a way, der is no way' kaya I certainly belib dat cooking doesn't matter. At hindi naman po ako nag-aapply bilang asawa. I'm entering to ur mansion as ur maid...tagalinis, tagalaba at taga kain ng inyong tira-tira. But ip u want me to apply as ur asawa, i will tek it Ser"

Kumunot lang lalo ang noo niya. Naman ha! Kung kelan todo effort ang aking pag-ngiti dito, siya naman hindi! Suplado!!

"Why are you applying as my Maid?"

"B coz I belib dat ebryone deserbs to reach deir dream Ser. I nid toh work hard toh my pamily and por my future. Mahirap po ngayon ang maghanap ng trabaho Ser. I really nid dis work Ser. I promise to do my work and job in sick and in healthy, in rich and in poor and til death do us part. Tanggapin niyo lang po ako bilang katulong. At di po kayo magsisisi dahil pagbubutihin ko ang paglilinis sa bahay nyo po. Pangako po. I thank you"

"Very good" tiningnan nito ang mga bio-data ko. "Iniisip mo ang kapakanan ng pamilya mo. You're in"

"Naku Ser! Not just my pamily, but the whole Pilipinas Ser"

"Bakit tatakbo ka bang presidente?"

"Naku Ser! Ang layo po naman iyang sinasabi nyo"

"Well, libre naman ang mangarap" isinarado nito ang folder at di man lang ako nginitian na tinignan "Okay, Tanggap ka na"

"Really Ser? As in, I enter?"

"Enter?" nakakunot noong tanong niya

"Tanggap na Ser" inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Wala eh! Trip lang! Gwapo kasi! Hihihi. "Ser naman oh...english lang iyun at di nyo pa gets. Hahaha"

"Whatever" with matching roll eyes pa talaga ah!! Sungit!

"Magsisimula na po ba me now Ser?"

"Sure, hanapin mo nalang si Peony" tumayo na ito "Siya ang tutulong sa yo dito"

"Wer could I see Pony?" i ask him

"Peony" he corrected

"Ah. Wer could i see Peony, Ser?" in emphasized ko talaga ang pangalan ni Peony. Galing ko talaga!

"Bahala ka na lang" Aba! Tinalikuran ako ng anak ng butanding. "Di ko na problema iyan. Aalis na ako. I have an important meeting to attend" tapos yun. Lumakad ng palayo at umalis na

"Sungit! Sugatan kaya kita ng Bakal na Krus o di kaya barilin kita dyan eh! Tse! Ang laki-laking bahay ito tapos ipapahanap sa akin ang di ko kakilala?! Hay naku!"

Anghel nga ang pagmumukha niya, pero demonyo naman ang kaloob-looban. Parang balance nga lang. Hay ewan!! Bakit ba kasi siya ang iniisip ko?! Dapat kailangan ko nang hanapin si Pony para malaman ko na ang mga pasikot-sikot dito sa mansiong ito. At nang makarami na!

GREAT! Isa ka nang ganap na actress Catherine!

Mapapatayuan ka pa ng rebulto at mabibigyan ng maraming-marami na maraming awards!!

Mabuhay ang mga bayani!! Gaya ko!! Pero soon-to-be lang. Hehehe

Mabuhay ang bansang Pilipinas!!!

Mabuhay ang lahat!! Ako nga lang naman ang mamamatay!

Huhuhu! SAKLAP!!

Pita In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon