Chapter 1

1K 31 9
                                    

Catherine's POV:

Kaya mo to'h Cathy!

Alang-alang kay papa gagawin ko to. Hays! Kung di lang kita love kuya. Di ko ito gagawin. Kung di mo sinabi na ito ang gusto ni daddy. Di ko rin gagawin. Aishh!! Mamamatay ata ako ng di oras kay kuya.

Kakayanin mo ito Cathy!

Para sa ikabubuti at ikauunlad ng bansang PILIPINAS!

Magpapakabayani ako! Hindi ako mamamatay sa Luneta pero mamamatay ako sa mansyon ng mga Poncio Pilatong chuba ek ek kung sino man sila ay mga salot sa lipunan!

Okay tama na ito Catherine! Masyado ng OA!

Simula ngayon ako na dapat si Pita Bumagagag.....wait no!!! Bumagagagag...Bwiset! Basta!! Naman oh! Ba't ba kasi ang hirap bigkasin ang apelido ko?

Sige na nga! Mukhang keribels naman! Okay Go Na Tayo!

Flashback:

"Kuya no!! Hindi ako papayag sa gusto mo. It's too risky and we don't have any proof or basis kung totoong mga terrorista ang mga iyun" At ayoko pang mamatay noh. Saang lupalop ng mundo niya kaya nakuha ang tsismis na iyon? O kaya saang planeta?!

Oh my ghad! Di kaya may kaibigan siyang alien?! Sana si Mateo ng My Love From The Star yung friend ni kuya para makapag-autograph ako sa kanya hihihi

"Pero Cathy, this is our chance para tumaas ang mga benta natin. Para dumami ang mga readers natin. Di ka ba naaawa kay Daddy?"

Napaisip ako bigla, naka confine pa rin sya sa ospital at walang progress. Aishhh

"At kaya siya inatake sa puso dahil sa humihina ang newspaper and magazine publication natin. And for Pete's Sake you still care about the basis?"

Naman eh! Idadaan ba naman sa pangongonsensya eh!

"Kahit na kuya! Ang dami kayang mga interesting news dito sa Pilipinas. At saka suntok sa buwan iyang pinapagawa mo eh"

"I don't care Cathy!" inalis niya ang kanyang salamin at minasahe ang bridge ng ilong nito

"I have to risk everything now. Importante sa akin ang Publication at hindi ko hahayaang mawala lahat ang pinaghirapan ko. You have to understand me and just help me Catherine only this time"

Pailing-iling lang ako. Naman kasi eh! Ayoko ngang gawin ito baka kung ano pa ang sasabihin ng mga fans ko. Hays! Sana bumalik nalang kaagad ako sa London at doon ako makakatago sa kuya kong baliw. Ako pa ang ginawa niyang pambala sa canyon

"Catherine Shaine Hart!"

"Kuya!" i sighed in frustration "bakit ba kasi si Mr. Atashi...Oishi?"

" Atashi Wa, Cathy at hindi Oishi"

Sorry tao lang...okay kaya chillax. Malay ko ba kung Oishi ang lumabas na salita sa bibig ko? Ay makabili nga ng Oishi mamaya

"Ok, Mr. Atashi Wa whoever he is. Bakit siya pa ang target sa headline news mo? Bakit di nalang ibang pambansa ang usisain mo? At least para di na ako magpanggap"

"Because Ryuu Jin Atashi Wa is a long lost Mafia Boss"

"Sigurado ka ba kuya? Nasiraan ka na ata ng bait"

"Damn! Just listen okay!"

"God" i groaned "Si Ryuu!. Si Ryuu na walang malay, Si Ryuu na walang ginawa, Si Ryuu na walang mu-"

"Huwag mo akong dramahan Cathy!"

"Naman eh! Akala ko umubra ang acting ko" at inayos ko ang sarili ko

"Exactly! Kailangan kita dahil magaling kang umarte Cathy. You can enter the Atashi Wa Mansion ng walang kahirap-hirap"

"Anong gagawin ko magpapanggap akong baliw?" pag-iinarte ko

"Cathy think about your fellow men and women. Ikaw na lang ang pag-asa ng ating bansa" at winagayway pa niya ang kanyang mga kamay ah

"Di kaya masyado kang OA kuya? Gutom ka ba?" akmang hahawakan ko sana siya

"Damn! I'm serious, kapag nakapasok ka sa mansyon ng Atashi Wa marami kang malalaman at makukuhang impormasyon tungkol sa next heir ng pinakasikat at secretive na Mafia Clan sa buong mundo and their whatever plan terrorism is"

"Sure ka ha?"

"Yeah"

"Kalahi ba nila si Binladden? Diba patay na yun?"

"Cathy minsan lang ako humingi ng pabor sa yo. At di lang ito para sa ikabubuti ng pamilya natin, ikabubuti rin ito ng Pilipinas. Malay mo baka bigyan ka pa nila ng Heroes Award kapag natapos mo ang mission na ito"

"Kuya Best Actress ang gusto kong award hindi rebulto"

"Just this once Cathy, hindi naman kita ipapahamak"

"Eh ano kung mabuko tayo?"

"Don't worry about that. I have plan A, B, C, D, E, F up to Z"

"Pati Ñ at NG?" tanong

"Yes" matipid niyang sagot

"Weh? Di nga? Mukhang hindi ka naman masyadong prepared kuya ah?"

"I have to, so are you in?" he asked while chuckling

I sighed in defeat "Okay. Fine"

"Good! Papasok ka bilang bagong katulong ng Atashi Wa bilang si Pita Bumagababag. Isang probinsyana na inglisera at medyo ambisyosa pero mabait naman"

Katulong!!!Oh Nooooo!!

End of Flashback

Kaya gets niyo na ang mission ko! Takte ang hirap diba? Nag-ala Kim Impossible lang ako hahaha lels. Kung may choices lang sana ako mas pipiliin ko na lang si Dora at umaktong parang engot at tanga kaysa sa mission-mission na yan na masayadong maraming props

Anyway nandito na rin ako. Gagawin ko nalang ang best sa pag-arte. At sinagad ko na ang mga props ko

Skirt na hanggang sakong ng paa. Naks naman! Skirt talaga to. At blouse na pinaglumaan ng aking mga ninuno noong panahon ng mga ninuno nila. Oh di ba Bongga?! Syempre no make-up para walastik, beefsteak, porksteak, barbecue stick, chopstick para mukhang realistic ang mukha kong drama galore. At syempre itong buhok kong straight na straight na ginamitan ko lang ng rejoice. Haba ng hair!

O siya! Punta na ako sa mission ko at simulan na ang pagpapanggap!

_________________________________________

A/N: Sa lahat ng nagbabasa ng aking story, ang masasabi ko lang po sa inyo ay thank you!

First story ko po ito ha! Matagal na po akong member ng wattpad pero ngayon lang na-verify ang account ko. Finally!

Phone po ang ginagamit ko, kaya expect niyo na lang po na may magiging wrong typos...at grammar na din. Hehe.

So ito lang po ang masasabi ko, I thank you. Hahaha! Peace!

-sab xx

Pita In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon