Chapter 3: Zero

64 19 16
                                    

Kimberly

"Siguro kung dadaan ang pitong ranggo sa harapan mo—malamang ay patay ka na!" Nabalik ako sa aking balintataw nang may magsalita. "'Musta? Naaalala mo pa ba ako?" ngiting usal niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Marisa?!" Her shoulders fell.

"Tamad ka, Kimmy."

"Tamad ka rin," aniko.

Tumabi siya sa akin ng upo sa sementong upuan at nag-iwan ng espasyo sa aming gitna. Buti naman. Hindi naman kami close para dumikit siya sa akin, 'no!

"Kumusta lola mo? Nakuha na ba siya?" tanong niya. Sinamaan ko siya ng tinggin. Parang tuwang-tuwa pa siya?

"Parang gusto mo rin na makuha ang lola ko, a?!" asik ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Grabe, concerned lang ako sa 'yo!"

Inirapan ko siya. "Okay naman siya... labas pa rin ang gilagid kapag ngumiti. Tsaka, dadaan muna sila sa bangkay ko bago nila makuha si lola!" dagdag ko.

Gulat itong napatingin sa akin. "Drama mo, a? Sinabi ko rin 'yan kay lolo, pero nakuha pa rin nila, at buhay pa naman ako ngayon. 'Yun nga lang ay ako na lang mag-isa."

Lumungkot ang kaniyang mukha na ikinatigil ko. 'Wag ka sa akin mag-drama, hindi ako marunong mag-comfort. Bumuntong-hininga siya. Kapagkuwan ay bumuntong hininga ulit. At sunod-sunod siyang napa-buntong-hininga na ikinainis ko.

"Alam mo Maria Isabela—"

"Uy, 'di na s'ya tamad," putol niya. Inirapan ko siya.

"Alam mo—" Pinutol na naman niya ako.

"Hindi pa, ano ba 'yon?"

Sinamaan ko siya ng tinggin. "Let me talk first, okay?" Tumango siya. "Alam mo, kung magmumukmok ka lang naman, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mabuhay—"

"Gaya ng pagnanakaw?" Natahimik ako sa sinabi niya.

My forehead creased. "Pagnanakaw na lang ba talaga ang paraan?" mahinang tanong ko.

She turned to me with a sad face. "May naiisip ka pa ba? Ako kasi wala na. Walang trabaho rito. Wala akong pinag-aralan. Wala akong alam. At ubos na ubos na ang pag-asa ko." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kaya sabihin mo sa akin kung may naiisip kang paraan... Hindi na kasi ako makapag-isip ng maayos." She looked so desperate.

Nag-iwas ako sa kaniya ng tingin at lumayo. Aaminin ko na medyo natamaan ako roon.

May alam nga ba akong ibang paraan? Baka naman hanggang salita lang talaga ako? Baka naman hindi na kaya ng hanggang paniniwala na lang. Baka minsan kailangan talagang kumapit sa patalim, lalo na sa lagay ngayon. May paraan pa ba na natitira?

Napabaling ako kay Marisa at naabutan ko siyang nakatingin sa akin habang nakatagilid ang ulo.

Taka ko siyang tinignan. "Bakit?"

"Ang ganda mo pala sa malapitan..."

Taas-kilay akong ngumiti at naghawi ng buhok. "Natural 'yan—"

"May pagkain ka ba r'yan? Baka naman meron ka kahit konti." Nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya.

"Sinabihan mo ba akong maganda dahil sa pagkain?" Tumango at umiling siya. "Ha?"

"Maganda ka, pero mas kailangan ko ng pagkain ngayon. Kaya kung meron ka, baka p'wede naman na makahingi. Papalitan ko na lang 'pag nakaraos na."

"Kailan ka naman makakaraos?"

"Kapag patay ka na."

---

Dinala ko siya sa bahay namin at pinakain ng natirang pagkain kagabi. Mukhang mabait naman pala talaga si Marisa. Actually, kanina pa sila magkausap ni lola at hanggang ngayon ay nag-uusap parin sila. Habang ang papa ko naman ay umalis saglit upang makadelihensya.

Naglagay ako ng malinis na tubig. Gaya ng sinabi ko, nasa kabilang destrito pa ang malinis na tubig at ang tanging natitira sa amin ay ang marumi. Pero hindi naman namin hahayaan na mamatay sa uhaw. Gumawa ang tatay ng paraan upang magkaroon kami ng malinis na tubig.

Dating imbentor din ang tatay ko, pero nakapag-asawa siya ng taga-district 5. Labag ito sa kanilang batas kaya naman pinapili nila ang tatay kung ang district 3 ba o ang nanay ko? Syempre, mabubuhay ba ako kung pinili ni tatay ang district 3? Kaya pinatapon si tatay rito at dito na sila namuhay dala ang kaalaman na natutuhan niya.

Ilang tela at fertilization ang dinaanan ng tubig namin upang maging malinaw at malinis. Kahit hindi nasagawa sa laborotoryo ay s'werte naman kami na wala pang namamatay sa tubig na ganito.

"Kumain ka ng marami. Sulitin mo na dahil ngayon lang 'yan," ani lola habang naglalagay ng durog na patatas sa plato ni Marisa. "Masarap?" tanong nito na labas pa ang gilagid.

Masayang tumango si Marisa. "Opo, ang lambot ng patatas, sobrang luto!"

"Salamat..." mahinang sagot ni lola.

Takang bumaling si Marisa kay lola at gano'n din ako. Bakit naman si lola pa ang nagpasalamat?

"Salamat po dahil sa puri ko?"

Tumango si lola. "Malambot kamo ang patatas... kanina ko pa kasi nginunguya 'yan." Nanigas at tila natakasan ng dugo ang katawan namin ni Marisa.

Nagkatinginan kami habang nanlalaki ang mga mata. Akma niyang susugurin ang lola ko ngunit napatigil siya nang biglang pumasok ang tatay ko na naghahabol ng hininga.

Agad akong nilukob ng kaba nang makita ang kaniyang sugat sa braso.

"Tay..."

Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang halikan niya ako sa aking noo at pinagkatitigan ang aking mukha.

"Mahal kita, anak."

My eyes started to water. "Tay... what happened?!"

Hindi niya ako sinagot, bumaling ito kay lola.

"Hindi tayo talo, Nestor." My father chuckled as his tears streamed down his cheeks. He turned to me again. "Pack your things... tumakas kayo ng lola mo—"

"Tay! Anong nangyayari?"

Gulong-gulo na ako sa mga kinikilos niya. Bakit kami mag i-impake? Bakit siya may sugat?!

"'Wag ka na magtanong. Umalis kayo dito ng lola mo... Gusto mo bang makuha ang lola mo sa 'yo?" Sunod-sunod akong umiling. "Come on, kumilos ka na."

Mahina niya akong tinulak papunta sa lalagyan namin ng mga damit at maluha-luhang nag-impake. Tinulungan din ako ni Marisa na kunin ang mga damit namin na kayang dalhin at mga natirang pagkain.

Maya-maya ay pinadaan kami ni papa sa lihim na lagusan namin papunta sa tambakan ng mga basura kung saan itinatapon ang mga waste materials ng apat na distrito.

"Dalian n'yo, Nay..." ani tatay kay lola.

Napabaling ako kay Marisa na nakatulala at tila gustong umiyak. Naalala ko ang nangyari sa kaniyang lolo. Alam ko na nalulungkot pa rin siya hanggang ngayon.

Ang akma naming pagtatago ay naudlot. Lahat kami ay na-estatwa sa aming kinatatayuan nang may humintong mga sundalo sa aming harapan suot ang mga high-tech na damit. Walang emosyon ang kanilang mga mukha at tuwid ang mga katawan.

Mga sundalong tila pinag-experimentuhan para gawing robot na papalit sa mga tao. Mga sundalong mula sa district 2.

"Get the old lady," utos ng nangunguna sa kanila.

Nanlaki ang aking mga mata at naging alerto. Inakap ko ang aking lola at humarang ang aking tatay upang pigilan ang mga ito. Kitang-kita ko kung paano pilit na pinipigilan ng tatay ang mga sundalo habang pinapaalis kami ni lola.

"Takbo na, anak! Umalis na kayo rito!"

Naging mabagal ang lahat ng pangyayari sa aking paningin. Pilit akong hinahatak ni Marisa upang makatakbo kami ni lola ngunit ang aking mga mata ay nakatuon pa rin sa aking ama. And my world literally stopped when a soldier pointed a riffle to my father and mercilessly pulled the trigger.

Naisigaw ko ang kaniyang pangalan habang pinagmamasdan ang katawan niyang bumagsak sa lupa. May ngiti sa kaniyang mga labi habang puno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata. Tila ba masaya siyang hindi na siya maghihirap ngunit ayaw niya pa kaming iwan.

Gumuho ang aking mundo nang makita ang unti-unting pagpikit ng kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan  na siyang nawalan ng hininga.

No! Tay, huwag mo akong iiwan! Hindi ko kaya!

"Kimberly! Apo! Umalis na kayo!" pagtataboy sa amin ni lola. Nalugmok kami sa putikan dahil nahihirapan na siyang lumakad. "Alis na! Umalis na kayo—"

Mas lalo akong napa-iyak. "Lola, hindi ko kayo iiwan!" pagmamatigas ko habang pilit pa rin siyang pinapatayo.

Papalapit na sa amin ang mga sundalo. Naging aligaga na si Marisa pero hindi niya pa rin ako iniiwan.

"Alis sabi! Makinig ka sa akin, apo. Umalis ka na. Risa! Dalhin mo si Kimberly—"

"Lola!" sigaw ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Marisa na pilit akong hinahatak paalis ngunit nagmatigas ako na hindi iwanan ang lola ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang lahat. Everything happened in a blink of an eye. I just found myself in a dark place while watching my grandmother being taken away from me.

May dumating na isang lalaki at kinausap ang mga sundalo. Kapagkuwan ay iniutos na turukan ng kung ano ang aking lola hanggang sa mawalan ito ng malay. Gusto kong lumabas, ngunit wala na akong lakas. Sa mga nasaksihan ko ngayon... hindi ko alam kung kaya ko pa bang lumaban.

Napaigtad ako nang barilin ng lalaki ang isang sundalo... 'yung sundalo na bumaril sa aking ama.

The other soldier didn't even flinch when the guy pulled the trigger. Wala na silang mga emosyon. Ano na ba talaga ang nangyayari sa mundong ito?

Napabaling ako sa isang gawi nang marinig ang tahimik na hikbi. Naabutan ko si JD na nasa isang sulok at nakatabon ang kaniyang mukha sa kaniyang mga tuhod. "Wala ng pag-asa..."

"JD, nasaan si Ate Christi?" tanong ko rito. Hindi siya nagsalita kaya bumaling ako sa iba. "Grey?" Nag-iwas siya ng tinggin.

Si Angeline ang sumagot saakin. "Kinuha silang lahat... ang magulang namin, si Ate Christi... lahat sila. Kami lang ang iniwan." Maya-maya lang ay humagulgol na rin ito ng iyak na agad dinaluhan ni Marisa.

Kumuyom ang aking mga kamao dahil sa galit na nagsisi-alpasan sa aking puso. Ano ba talaga ang gusto nilang gawin sa amin? Tanging pamilya na lang ang tangi naming mga yaman ngunit kinuha pa nila.

Sumilip ulit ako sa labas at nakita ko na mag-isa na lang ang lalaki na nakatayo sa labas. Nakatingin pa siya sa walang buhay kong ama. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang upang lumabas sa pinagtataguan namin. Pumulot ako ng bato at binato ang lalaki na sapol sa ulo.

Nilamon na ako ng galit at hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko. Basta ang alam ko ay gusto ko siyang patayin.

"Tang'na, Kimmy!" galit na sigaw ni Grey na agad akong sinundan sa labas. "Halika na—" Pilit niya akong hinihila paalis ngunit nagmatigas ako hanggang sa bumaling sa amin ang lalaki.

Nagkatinginan ang aming mga mata. Makikita ang galit dito pero galit din ako. Kung papatayin niya ako, sisiguraduhin ko na makakatanggap muna siya ng galis sa kaniyang mukha.  Napabaling ako kay Grey nang bigla itong himatayin.

Duwag!

"Do you have a problem with me?" he said in a low tone. "Do you know who I am—"

"I have no time to know you. You're not even worthy of my time," sagot ko na ikinatigil niya.

One thing that I noticed. His eyes are green and it reminds me of something. Ganito ang kulay ng dahon na kinukwento sa akin ng aking lola. Ang nagbibigay ng sariwang hanggin. Ano ba ang pakiramdam na makalanghap ng sariwang hanggin?

His eyes darkened and walked towards me. Inaamin ko na natatakot ako, ngunit mas pinili ko na kimkimin ito at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa makalapit siya sa akin ng isang hakbang na lang ang layo.

"Remember this day—"

The side of my lips rose. "Kahit hindi mo sabihin. Tatandaan ko ang araw na ito at iyang pagmumukha mo," aniko sa kaniya. "Magiging ranggo ako, at maghahanap ako ng mundong maayos para sa mga tao."

Ngumisi rin siya sa akin. "Our world is enough, you don't need to find a new one.  We just need to be responsible to make this world better." Kinuha niya ang aking kamay at naglabas ng panulat. "Seek for better people, not for better world. Magiging maayos lang ang mundo kung magiging maayos ang mga tao." Gumuhit siya ng bilog sa aking palad. "Walang kasalanan ang mundo, mga tao ang meron."

"W-what's this..." I asked breathlessly. "I-itlog ba ito?" tanong ko.

He chuckled softly. "That's my name. Tandaan mo. Sa oras na magkita tayo ay pasasalamatan mo ako—"

"Edi salamat!" asik ko sa kaniya at tinulak siya palayo. "Salamat, ha?! Maraming salamat! Magpapasalamat na ako ngayon para hindi na tayo magkita! Hindi na magtatagpo ang landas natin!"

Lumayo siya sa akin at mabagal na naglakad patalikod. "We'll see..." he uttered before he turned his back on me and rode to his machine.

Nanlambot ang aking mga tuhod at napaupo ako sa lupa. Naramdaman ko ang pagdalo sa akin ng mga kasama ko. Inangat ko ang aking kamay upang makita ng mabuti ang palad ko.

"Zero..." mahinang usal ko.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now