Chapter 12: Tsuki Ga Kirei Desu Ne?

33 9 13
                                    

Kimmy

Ni minsan, hindi sumagi sa aking isipan na mangyayari sa akin ito. Maayos kaming umalis kila Tyler at akala ko ay magtutuloy-tuloy na. Ngayon, hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag tapos nito.

Mariin akong napapikit at mahigpit na hinawakan ang telang nakabalot sa akin.

Manipis na satin silk ito, makintab at malambot na tela na talagang nakakaakit.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagdasal upang mailigtas ako sa mangyayari sa akin. Gusto kong umiyak dahil wala akong makitang paraan upang makatakas dito, pero ayaw ko naman na panghinaan ako ng loob ngayon.

"Halika na..." Marahas na hinatak ako ng isang lalaki palabas sa kwarto.

Agad na bumungad sa akin ang mga piitan kung saan nakapiit ang mga kaibigan ko. Agad silang nagsitayuan at lumapit sa mga rehas.

Huminto ako at mahinang nagpumiglas. "Sandali po... kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko," aniko.

Saglit na tinitigan ako ng lalaki at kapagkuwan ay bumaling sa mga kaibigan ko. Kalaunan ay hinayaan niya ako na makalapit. Napagtanto niya siguro na hindi naman ako makakayang tulungan ng mga kaibigan ko dahil kasalukuyan silang nakapiit.

Dali-dali kong nilapitan si Marisa at naghawakan kami ng kamay. Kasalukuyan siyang umiiyak dahil walang magawa.

"Gumawa kayo ng paraan. Grey, JD!" sigaw niya sa dalawa.

Pumapatak na rin ang mga luha ni Grey at pinupunasan ito gamit ang braso. Habang si JD ay mahigpit na nakahawak sa rehas at hindi makatingin sa akin. Bumaling ang tingin ko kay Yuan saka lumapit sa kaniya.

Hindi ko namalayan ang pag
patak ng mga luha ko nang makita ko siya. Sunod-sunod ang aking mgaa pag-iling nang yakapin niya ako habang nasa gitna namin ang malalamig na rehas.

"Ayaw ko nito. Ayaw ko..." usal ko. "Iligtas mo ako, Yuan. Paki-usapㅡ" Naramdaman ko ang marahas na paghatak sa akin ng lalaki.

Hindi pa ako bumibitaw kay Yuan nang malakas akong hatakin ng lalaki. "Gagawa ako ng paraan. Hintayin mo 'kㅡ" Tuluyan na akong hinatak palayo dahilan upang hindi ko marinig ang bulong ni Yuan.

Habang papalapit ay mas lalong lumalakas ang hiyawan ng mga tao. Hanggang sa marating namin ang entablado. Paglabas na paglabas ko mula sa pagkakakubli sa kurtina ay mas lalong naghiyawan ang mga tao. Sobrang lakas na tila mabibingi ako.

Agad na lumapit sa akin ang matanda na ngayon ay black-eyed na ang kanang mata.

"May isang magandang dilag tayo gaya ng nakasanayan!" Naghiyawan muli ang mga tao. "Batid ko na lahat kayo'y nais makamit ang babaeng ito ngunit isa lamang ang makakauwi sa kaniya at 'yon ay ang may pinakamalaking patong!"

Bumaling sa aking ang matandang lalaking at nginisihan ako.

"May kamukha ka." Kumunot ang nood niya. "Pinagsamang breed ng bullfrog at panda!" asik ko rito.

"Bastos ka talaga, 'no? Tignan natin kung magiging gan'yan ka pa kapag nabili ka na."

Inirapan ako nito at bumalik sa dulo ng entablado malapit sa mga tao. Kapagkuwan ay itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay upang patahimikin ang mga tao.

Inilibot ko ang aking paningin upang makakita ng paraan para makatakad mula rito. Kahit saan ako tumingin ay napakaraming tao, baka i-corner ako ng mga ito.

"Magsimula tayo sa sampung liboㅡ"

"Limampung libo!" sigaw ng isang lalaki. Napangiwi ako nang ngitian niya ako at kindatan.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now