Chapter 18: 1777

17 4 0
                                    

Kimberly

Pinagmasdan ko sa aking harapan si Elocin na nangangatog sa takot nang sinabi naming pupuntahan namin ang kanilang bahay upang makita ang kaniyang Ina. Ngunit nagsimula siyang matakot at ayaw umalis sa kinauupuan dahilan upang maudlot ang aming plano. Nagkatinginan kami ni Yuan at sabay na tumango.

Matapos ay pumasok kami sa isang kwarto at iniwan sa labas sila Venus.

Iginala ko ang aking paningin at halos malula sa mga gamit na nasa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung nasa opisina pa ba ako o nasa palasyo na. Pero kung iisipin, hindi ko naman alam ang pinagkaiba ng opisina at palasyo.

Kinuha ko ang itlog na kulay ginto at kinagat-kagat ito.

"Napagbibili ba ito—"

"Oy, huwag kang kagat ng kagat ng kung anu-ano," niya at inagaw ang itlog. "Aso ka ba?"

Sinimangutan ko siya.

"Baka kapag tumahol ako mas lalo kang ma-in love sa akin." I flipped my hair. "Alam mo naman sa ganda kong ito, kahit maging bangaw ako maganda pa rin ako," aniko.

"Alam mo, kimmy, minsan talaga 'di ko alam kung saan mo hinuhugot ang kakapalan ng mukha mo."

Napahawak ako sa aking dibdib at tila nasaktan sa sinabi niya.

"H-hindi ba tama naman ako? Bakit, maglalaho ba ang pagtingin mo sa oras na maging bangaw ako?"

Marahas na bumuntong hininga si Yuan at umupo sa kalapit na sofa habang nakahawak sa kaniyang sintido. Naupo rin ako sa harapan niya. Maya-maya ay tinakpan niya ang kaniyang mga mata at tinago ang namumulang mga tainga.

Bahagyang umangat ang kaniyang mga tingin sa akin, kapagkuwan ay tinarayan ako.

Hah! Kung umasta talaga ang lalaking ito akala mo ay babae. As if naman gusto ko maging bangaw.

"So, ano ang plano mo?" tanong niya na ikinatanga ko.

"Ha?" tanong ko pabalik.

"Plano, sa bata at sa magulang. Nangialam ka, 'di ba?"

I blinked twice and my lips twitched.

"Kailan ba ng plano? Sandali..."

"What a pain..." he whispered under his breath. "You mean, you meddled with someone's business. You take the child here, and you make her confess without any single plan in your empty head?"

Agad akong napahawak sa aking ulo. "May laman ang ulo ko, potato boy. Gumagana lang talaga ang utak ko kapag last minute na," pagtatanggol ko sa aking sarili.

"And I told you to use formal words. Especially at upper district, the law there is much stricter than here."

Napasimangot ako at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya.

"Kaming mga taga-district five ay napagkaitan ng edukasyon upang umunlad ang pagiging tao. Kung ano ang kinalakihan namin, doon kami sanay. Saka, hindi mo kayang baguhin ang nakasanayan ng isang araw lang. Sabi nga ng lola ko, 'If you want to drink water, you must fill the cup.'," mahabang lintaya ko.

Bumaling ulit ako kay Yuan at naabutan siyang laglag ang panga habang nakatingin sa akin.

"And that means?"

This time, siya naman ang inirapan ko. Sumasaki na ang ulo ko sa kaniya, hindi niya ba alam na nahihirapan na rin ako kaka-english niya.

"Ibig sabihin, nasa basura ang karunungan."

"My ghad..." bulong niya at tumayo. "Tatawagan ko child care, stay here with her. Ask Venus everything you need. Just don't make a mess!" banta niya bago lumabas ng kwarto.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن