Chapter 5: Time Travel Exists?

68 17 21
                                    

Kimmy

"Bangon! Maaga tayong aalis, bangon!" paggising ko sa kanila.

Sa totoo lang, wala naman akong balak gisingin sila dahil hindi pa naman sumisikat ang araw. Kaso ayokong maiwan na gising kasama si Yuan na ngayon ay naglalaga na naman ng patatas.

"Ate!" ani Angeline na pupungas-pungas na bumalik sa pagkakatulog. "Later!"

"Anong later? Bumangon na kayo!" Hinatak ko ang kamay ni JD pero napakabigat naman niya. "Mabigat! Argh!" Ginulo ko ang aking buhok at hinayaan na lang sila na matulog.

Nagpunta ako sa puwesto kung saan nakalibing ang papa ko at kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Iniiwasan kong mapatingin kay Yuan. Guilty pa rin kasi ako sa pagtapon ko ng patatas niya kagabi.

Hindi naman siya galit sa akin at wala rin naman siyang sinabi na galit siya—awkward lang talaga para sa akin. 'Yong mga titig niya kasi napakainosente. Bakit ba may mga ganiyang tao?!

"'Wag mo nang guluhin ang pagtulog ng tao, mahalaga 'yun," aniya habang nakaupo sa tapat ng kaldero. "Kumain ka na ba—"

"'Wag mo akong tanungin ng gan'yan! Magtatanong ka kung kumain na ako tapos pipilitin mo akong kumain, tapos kapag hindi ako pumayag ay tatakunin mo ako ng 'eat this or else, I'll eat you'. Pa-fall!" mahabang lintaya ko.

He chuckled using his deep baritone voice. " Ang lawak ng imagination mo, pake ko ba kung hindi ka pa kumain?" Inis akong napalingon sa kaniya. "Mabuti nga 'yon at dalawa ang patatas na sa akin—"

"Maramot!" sigaw ko sa kaniya at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit. "Mabulunan ka sana. Napakaramot mo!"

Nang maglaon at tuluyan ng magpakita ang araw ay nagising na rin ang mga kasama ko. Kumain muna sila bago inihanda ang mga gamit. Ang plano namin ngayon ay pupunta sa district four.

Kukuha muna kami ng makakain dahil panigurado walang magbibigay ng pagkain sa amin sa district three—lalo naman sa district two at one. Baka mamaya sa district three pa lang kami ay pabalikin na agad kami rito. Syempre, hindi kami dadaan sa mga arko ng district. Gagamit kami ng illegal na paraan.

Mahirap para sa akin na lisanin ang lugar na ito. Dito ako pinanganak at nagkaisip. Dito rin ako natuto ng mga diskarte kung paano mabuhay, at nandito rin ang papa ko. Pero ang hirap ng walang choice. Iyong tipong 'do or die' na lang talaga ang naiwan sa amin.

Kailangan kong makita si lola, kailangan naming makuha ang ate ni JD at ang pamilya nina Grey at Angeline. Isa pa, kailangan naming samahan si Yuan pauwi sa kanila.

Gusto ko na nga agad na makapunta na kami sa district three para mawala na sa landas ko ang Yuan na iyan. Puro patatas ang bukang bibig! Mukhang patatas na nga lang ata ang nakikita niya.

"Mamahagi ka naman d'yan," ani Marisa kay Yuan na kasalukuyang kumakain na naman ng patatas. "Penge."

Natigil ang akmang pagsubo ni Yuan at inosenteng tumingin kay Marisa. Isa pa 'yang mga tingin niya. Bakit ba ang inosente ng mukha niya?! Para siyang bata na walang muang sa mundo.

Pumingot ito ng kapiraso sa patatas at binigay kay Marisa bago siya bumalik sa paglalakad.

Habang si Marisa naan ay pinagkatitigan ang kapirasong patatas na ibinigay sa kaniya. "Wow, salamat, a? Mabubuhay ako rito!" aniya at inisang subo ang patatas.

Napakaramot talaga no'n. Mabuluban sana siya—

"Okay ka lang?" tanong ni Grey nang mabulunan si Yuan. Malakas na napatawa kami ni Marisa. "Anong nakakatawa?" takang tanong ni Grey.

Sabay kaming umiling ni Marisa at nauna sa paglalakad. Napatigil kami nang marating namin ang bakod na nagdurugtong ng district five sa district four. Kung pupuntahan kasi namin ang natural na daan ay baka harangin kami. Ito ang alam naming mas ligtas na daan upang tuluyang makalusot papunta sa district four.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now