Chapter 11: Subasta

41 10 28
                                    

Kimmy

"Wala 'yon sa pinakamarami ang nagawa; bawat isa ay may ambag kaya hindi dapat magbilangan," ani Tyler habang nakatingin sa mga kapatid niya.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng kanilang bahay. Gabi na at nasa loob na ang mga tao ngunit kami ay hindi alintana ito. Kasama naman namin si Kimmy—ugh, stupid JD and Yuan. Ang awkward!

Sa haba ng kwentuhan namin, hindi na namin namalayang kung anu-ano na ang mga pinag- uusapan namin. Hanggang sa mabalik sa usapan between Tyler and his sisters.

Hindi na nga lang kami nakikisali dahil usapang pamilya ito. But Tyler is right. Hindi naman kailangan magsumbatan ng ginawa. Wala naman iyon sa marami o kaunti ang nagawa mo—ang mahalaga ay nakatulong ka. Kasi kung tutulong ka, hindi dapat sinusumbat. Iyon ang turo ni lola.

"Pasensya na talaga, Kuya," sabay na usal ng magkapatid.

"Basta sa susunod, ayaw ko na ng gano'n. Kahit pa alam natin na ako ang tumaguyod sa inyo nang mawala ang nanay at tatay, responsibilidad ko iyon. Kaya hindi ko iyon isusumbat kahit na anong gawin n'yo."

Gusto ko rin talaga ng kapatid na katulad ni Tyler. Nag-iisang anak lang naman kasi ako. Tsaka, hindi na ako nasundan dahil sa hirap ng buhay.

Tulog sina JD at Grey sa tabi ni Kimmy—ng oso! Habang si Marisa ay katabi ko. Magkatabi rin ang magkapatid na babae sa gilid ni Grey habang si Yuan ay nasa dulo malapit sa amin.

May hawak siyang stick at nanatili ang tingin sa apoy.

Bumaling sa akin si Tyler. "Nga pala, kung tutuloy kayo sa district three, kailangan n'yo ng pera," aniya na ikinataas ng kaniyang kilay.

"May bayad ba?" Umiling ito.

"Wala, pero kailangan pa rin ng pera. Kung sa district five ay may kakaramport na pinagkukuhaan ng pera, dito wala. Kapag kailangan nila ng hayop bilang pagkain, kukuha sila dito at papalitan ng mga batang hayop at kami ang magpapalaki, gano'n ang cycle."

Napatango ako. "Pansin ko nga na kakaiba ang mga hayop dito. Nakakatakot."

Natawa siya.

"Kalahati ng hayop dito ay na-modify."

"Talaga? Akala ko sa gulay lang nila ito ginagawa?!" Gulat na tanong ni Marisa.

"Noong una talaga ay sa gulay lang. Ngunit dahil sa paglaki ng populasyon ay nauubusan ang supply ng karne, lalo na sa district one." Bumuntong-hininga siya. "Ang mga baka na nandito sa amin ay nag-po-produce ng mahigit dalawang galon ng gatas sa isang baka lang. Habang ang sa kabila namin ay ang pinaghalong baka at baboy."

Nasapo ko ang aking bibig dahil sa gulat. Posible nga talaga iyon. Naalala ko ang pusa na may halong daga. Marahil ay isa rin ito sa mga na-modify na hayop.

"P-paano naman ang mga R+ Blood? Na-modify rin sila?" kuryosong tanong ko.

Malakas na napatawa si Tyler dahil sa sinabi ko. Umatungal pa nga ang oso, marahil ay naiingayan.

"Hindi..." iiling-iling na sagot niya. "Sabihin na natin na ang sa kanila ay ang kung tawaging gene editing? Nababago ang tao base sa gusto mong kalalabasan nito paglaki." Mas lalo akong nagulat doon.

"Posible ba?!"

Ngumuso siya. "Sa mga nangyayari ngayon? Oo, posible. Kaya nga tayo may pitong ranggo. Tingin ko, sila ang bunga ng gene editing"

Napatango ako. "Kung sabagay, sa panahon ngayon ay hindi na imposible ang gano'n." Kapagkuwan ay tumulala ako sa apoy. "Ang akin lang... bakit naman napakabilis ng mga pangyayari?"

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now