Kabanata 2

2.2K 90 22
                                    

Kabanata 2:
Hatid

Tahimik si Papa pagkagising ko kinaumagahan. Kung dati ay tahimik na talaga siya, mas lumala ngayon. Sobrang tipid niyang magsalita. Hindi nga niya ako kakausapin kong hindi lang masama ang pakiramdam niya at ako ang uutusan na mamili ngayon para sa stock namin ng pang isang linggo.

"Ito ang pera. Sinobrahan ko na iyan para kung sakaling magkulang ka man. Balita ko ay nagmahal ang presyo ng karne." ani Papa. Nilahad sa akin ang tatlong libo. Agad akong nag-ayos ng sabihan niya ako kaninang umaga na pumuntang bayan at ngayon ay handa nang umalis.

Huminga ako ng malalim at napanguso. Hindi ko agad iyon natanggap at tinignan pa siya. Hindi ko makalimutan iyong nangyari kagabi sa hapagkainan. Iyong tinalikuran niya ako at iniwan dahil naalala niya si Mama dahil sa sinabi ko.

Kagabi pa ako binabagabag noon. Halos hindi nga ako makatulog at anong oras na rin ng dalawin ng antok. I am thinking deeply about it. I am guilty on what I said. Kahit na hindi ko naman sinasadya at sinabi ko lang ang laman ng isip ko.

"Uh iyong tungkol po kagabi P-Pa, I'm sorry." marahan kong sinabi sa kanya. He suddenly stared at me. Lumamlam ang mga mata ko.

"Hindi ko po sinasadya na---"

"Hindi mo kailangan manghingi ng paumahin. Wala kang kasalanan at ako lang ang kusang may naalala. Hindi ko dapat iyon ginawa kagabi. Ako dapat ang humihingi ng tawad." aniya. Nagulat ako roon pero umiling pa rin.

"Hindi po, I'm sorry Pa---" pero agad niya ring pinutol ang akma kong sasabihin.

"Huwag mo lang sanang kalimutan ang mga bilin ko sayo Stalina. May tiwala ako sayo. Hindi ka gagaya sa Mama mo."  seryoso niyang sinabi. I was taken aback on his words. When I absorb it, I slowly nodded my head.

Huminga ng malalim at unti-unting sumuko na tatanggapin niya ang paumanhin ko. Kilala ko si Papa, pirmi at hindi mababale kung ano ang paniniwala at desisyon niya. At kahit subukan ko ulit na humingi ng tawad, hindi niya iyon tatanggapin.

"Oo naman Pa. H-Hindi kita iiwan dahil lang sa mayaman na lalaki."  sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Tumango siya roon. His eyes softened, and I gasped when the coldness on his eyes suddenly vanish and it was replaced now with gentleness.

I rarely see him in this expression. He's always cold and serious. I feel a warmth in my heart. Niyakap ko si Papa at ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko nang bahagyang napaigtad. Pero kalaunan naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko.

"Alam ko, Stalina." marahan niyang sinabi at niyakap rin ako pabalik. Biglaang nag-init ang mga mata ko. Hindi alam kung bakit.

I am not this emotional but whenever Papa shows affection, I can't help it.

Kaming dalawa na lang ni Papa at wala naman akong matatakbuhan na iba pa, siya lamang kaya paano kong magagawa siyang iwan? Until now, I don't know why Mama left Papa just because of a rich man.

Iniisip ko na minahal niya ba talaga kami. Mahal niya ba talaga kami na naiwan niya kami nang ganoong kadali?

She's now living in the city with that man. Kahit hindi magkuwento si Papa, alam kong nagpapakasarap na ngayon si Mama sa marangya at masagana niyang buhay roon sa lungsod.

I didn't hate my mother for leaving us. I am not also blaming her because we're living here in island, having this simple life. Kahit kailan hindi ako nagreklamo na ganito ang estado ng buhay namin. Hindi ko rin tinanong kung bakit napunta ako sa buhay na ganito.

Hindi ako galit kay Mama, puno lang ako ng tanong. Kung bakit niya nagawang iwan si Papa. Kung bakit niya kami pinagpalit sa mayamang tao. Pangarap niya ba ng manrangyang buhay? Kung ganoon bakit hindi siya nagtiwala kay Papa? Bakit hindi siya nanatili at nakayanan na iwan ako rito?

Lost in an Island (Isla Vagues Series #4) Where stories live. Discover now