Kabanata 3

2K 81 4
                                    

Kabanata 3:
Treat

Pagkatapos magbayad sa tricycle ay dumiretso na rin ako sa gate ng Gramonte. Maaga pa naman pero marami nang estudyante ang pumapasok sa paaralan. May ilang bumati sa aking mga kaibigan at kakilala habang sinusuri ng guard ang laman ng bag ko.

Tumango at ngumiti ako sa mga iyon. Nang matapos masuri ng guard ang dala kong bag ay pumasok na rin naman ako sa Gramonte. Sinukbit ko muli ang bag sa balikat. May lumapit sa aking ilang kakilala.

"Stalina, imbitado ka sa birthday party ni Niccolo hindi ba? Nabanggit niya sa akin!" si Jun na hinarangan ang daan ko para kausapin ako. I look up at him. Kasama niya ang ilang kaibigan, ilang lalaki at dalawang babae.

"Uh oo, naimbitahan niya nga ako." tango ko.

"Pumayag ka na raw?" tumango ako roon at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Naroon rin ako." he said and smiled. I can even see the excitement on his eyes. Kaparehas ng nakita ko sa mata ni Niccolo noong pumayag ako. Kaso ngayong nakikita ko iyon sa mata ni Jun, hindi ko alam kung ano ang dahilan niya.

I think he's also happy that I am attending the celebration. Iyon nga siguro.

"Ano naman ngayon kung naroon ka? As if Stalina cared about your existence in the party." may biglang umakbay sa akin. Napalingon ako kung sino iyon at nakita si Angelique. She smiled at me and I give her a smile too.

Humalakhak ang iba na kasama ni Jun roon at pinagpapalo pa ang braso niya para asarin. Napailing lang siya roon kahit na bahagyang nalukot ang noo niya sa sinabi ni Angelique.

"Tss, you just envied Angelique. Niccolo didn't invite you." si Jun. Napawi naman ang ngiti ni Angelique roon. Namilog ang mga mata ko.

Biglaang nagsalubong ang kilay ni Angelique at dumaan ang iritasyon sa mga mata niya.

"Even I am invited, I would think twice to attend the party if you're there." asik ni Angelique. Hinawakan ko naman ang braso niya para ikalma siya.

"Angelique." I called her. She's glaring to Jun who's smirking right now. Nang-aasar sa pagbawi niya kay Angelique.

"Huwag naman sanang ganoon Angelique. Malulungkot ako niyan." may biglaang pumagitna sa dalawa. Napaangat ako ng tingin. Nawala ang iritasyon sa mukha ni Angelique at nagliwanag iyon.

"I forgot to tell you last week. Hindi na rin naman kasi kita nakita pa noong Sabado kaya hindi kita naaya. But you're invited to the party." Niccolo said and smiled to Angelique. Nawala naman ang pag-aalala ko para kay kaibigan.

"Good Morning, Stalina." bumaling naman sa akin si Niccolo para ngumiti. I also smiled on him.

"You didn't see her, because you've been searching for Stalina for the whole weekends, Nic." isa sa mga kaibigan niya ang nagsabi sa likod. Bumaling siya roon at hindi ko alam ang ginawa niya na humalakhak ang mga iyon.

Natatandaan ko itong mga kaibigan niya. Ito iyong kasama rin ni Niccolo sa bayan noong nakaraan. Ngumisi ang mga iyon sa akin.

Niccolo turned to me and smiled. Nilahad niya sa aming dalawa ang isang card. Sa tingin ko ay iyon ang invitation.

"Really Niccolo?" gulat na tanong ni Angelique.

"Of course, naroon si Stalina kaya kailangan naroon ka rin. Ayokong malungkot siya kung mag-isa man." si Niccolo at kinantyawan ng mga kaibigan. Angelique look at me with the smirk in her lips. May pinapahiwatig ang mga mata niya na kung ano sa akin.

"Nagsisimula na ngang pumorma." ani ng isa niyang kaibigan. Nag-init ang pisngi ko roon. Inayos pa ang bag sa pagkakasukbit sa balikat. I am closed to Niccolo but not with his friends. Sa asaran nila ay may napapalingon tuloy na iba pamg estudyante sa gawi namin.

Lost in an Island (Isla Vagues Series #4) Where stories live. Discover now