Kabanata 6

2K 88 31
                                    

Kabanata 6:
Bad Person

Gulat akong tumingin kay Niccolo. Ramdam ko ang pamimilog ng mata sa gulat sa ginawa niya. Hindi lamang iyong halik niya ang nagpagulat sa akin kundi pati na rin na nagawa niyang gawin iyon sa harap ng maraming tao.

He's the birthday celebrant so he's the center of attention of everyone! I'm certain that everyone saw it! Hindi ko rin alam kong bakit ako kinakabahan ngayon habang nararamdaman ang pares ng mata na nakatuon sa akin sa gilid ko. Ramdam ko ang tumatagos na tingin mula sa likod ko.

My heart is racing not because of the kiss but because of those piercing eyes. I don't even know why the hell I am nervous. Bakit naman ako kakabahan, aber?

Niccolo muttered something under his breath when he saw my reaction. Napipikit rin siya ng mariin.

"I'm s-sorry, Stalina. Damn it, I couldn't control myself," he said, and I'm still shocked. The music from the stereo died down. As if it stopped because of what happened between us.

"Nagulat ba kita? I'm really sorry." he said, sounding guilty. I am slowly absorbing what just happened. Malakas ang kabog ng puso ko na halos hindi na ako makahinga ng maayos.

"H-Hindi ko kasi inaasahan s-saka n-nakakahiya. Ang daming nanood sa atin, pati na rin ang mga magulang mo." sabi ko. Lumayo na siya ngayon sa akin. Kalahating metro na ang distansiya sa pagitan naming dalawa. I can feel everyone stare between us. Mas lalo ko lamang naramdaman ang pangmamaliit.

"Don't be bothered by it. They probably know now who's the girl I really like." diretso niyang sinabi. Napasinghap ako roon. Huminto na rin ang iba sa pagsasayaw, bumalik sa mga upuan nila pero may iba na nanatili para panoorin kami.

"L-Like?"

"It is not that obvious, Stalina? I am simply making moves to pursue you, but I think action is not really enough. I should be vocal that I am sincere in pursuing you." he didn't just shock me on the kiss but also on his revelation.

Biglaang nawala ang tinig ko. Hindi ko na iyon makapa pa. Nakatingin lamang ako kay Niccolo. I couldn't think of any words to say to him. Hindi ko alam kung dahil ba gulat lang ako kaya ganoon o wala talaga akong masabi.

"U-Uh sorry for the sudden interruption b-but Tito text me already, Stalina. Umuwi ka na raw." si Angelique na mukhang nag-aalinlangan pang pumagitna sa aming dalawa para sabihin iyon sa akin. Napatuwid ng tayo si Niccolo dahil roon.

Bumaling ako kay Angelique at naaalala ang oras.

Mabilis akong napatingin sa relo na nasa palapulsuhan. Nakita na alas nuebe na pasado. Malapit nang mag-alas dies. Ang bilis ng paglipas ng oras.

Napatingin ako kay Niccolo na napaayos rin ng tayo. I can smell the scent of liquor to him. He probably drinks while greeting some of his guests at the party.

"Ihahatid ko na kayong dalawa." aniya. Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag nang iyon ang sabihin niya.

Should I think Angelique for suddenly interrupting? Dahil roon ay nakaligtas ako para hindi sagutin ang tanong ni Niccolo. Wala kasi talaga akong maisasagot sa kanya.

Biglaang bumalik ang musika sa stereo at narinig ko na rin na may kumakanta pero hindi na iyon si Raius. May pumalit na sa kanya. My eyes search for him.

Nakita kong nasa baba na siya ng stage. Sukbit na sa balikat ang gitara at nagpapalam na sa mga ilang naroon. The girls are groaning as they watch Raius bid his goodbye. He march towards our direction. Binalingan niya ang mga babae at hindi ko marinig ang mga sinasabi noon pero parang ayaw pa rin nilang payagan si Raius na umalis.

Lost in an Island (Isla Vagues Series #4) Where stories live. Discover now