Kabanata 4

1.8K 82 20
                                    

Kabanata 4:
Birthday

"I know I'm always silly but this is a serious case. C'mon let's treat that." aniya at hindi na hinintay pa ang sagot ko. Hinuli niya ang palapulsuhan ko at hinila na ako patungo sa dalampasigan. When his skin had a contact on mine, I jump when I feel the sudden electricity that crawl on my whole body.

Napabawi ko ang kamay bigla dahil sa gumapang na sensasyon na iyon. I look at my wrist and on Raius. Kumunot ang noo niya sa biglaang pagbawi ko ng kamay.

"Why?" tanong niya. Hindi ako nakapagsalita. I am still absorbing what just happened. Damn it. I never felt that sensation on anyone, ngayon lang. May sumagi sa isip ko pero pinili kong isantabi iyon.

Kiniling ko ang ulo at bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit biglang may pagbabago sa sistema ko.

"Kailangan magamot iyan agad. Tignan mo, mas lalong nagdudugo ngayon." bumagsak ang tingin ko sa tuhod at nakitang mas marami na ngang dugo iyon ngayon. Umaagos ang dugo sa binti ko. Pero mukhang ginawa niya lang iyon para mabaling sa iba ang atensiyon ko.

"A-Anong ginagawa mo!" napatili ako at sininghalan siya nang bigla niyang hawakan ang binti at likod para mabuhat ako. My eyes widen when my body suddenly float and I am in his arms now. Nahigit ko ang hininga sa sobrang gulat.

Hindi inaasahan na gagawin niya iyon.

The electrifying emotion heightened, and my heart pounded abnormally inside my rib cage. Napahawak ako sa braso niya sa sobrang gulat.

"Your knees are bleeding. Masakit iyan kapag nabahiran pa ng tubig dagat kaya bubuhatin na kita pabalik sa dalampasigan." aniya. I can't even search my damn voice because I can't absorb that he's carrying me in his arms now!

Sunod sunod akong napalunok. Hindi ko na maramdaman pa ang sakit na hatid ng sugat sa tuhod. Mas ramdam ko ngayon ang mabilis na tahip ng puso ko.

"I can manage the pain. Kaya kong maglakad kaya ibaba mo ako!" singhal ko pa rin sa kanya. Halos magpumiglas ako sa hawak niya sa akin. But the more I resist, the more he tightens his grip pero hindi sa paraan na masasaktan ako. His jaw move a bit. Nakukulitan na siguro sa akin.

I don't know why I am suddenly panicking that we're this close.

"I won't. Don't move. Mahuhulog ka!" saway niya sa akin. I glared at him. His audacity to carry me suddenly! Wala pa akong hinahayaan na kahit sino na buhatin ako ng ganito tapos siya ay wala man lang kapaalam-alam na hawakan ako!

"You were just like that foreigner a while ago! Hinahawakan ako ng basta basta." I sneered, and his eyes suddenly darkened like he didn't like what he heard from me.

"I'm not like him!" he said in his cold voice. Saglit akong hindi nakapagsalita roon. Iniwan niya lang ang surfboard namin sa dagat! Lumulutang lang naman iyon sa malalim na parte pero paano kung mawala iyon?

That's my favorite surfboard!

"Anong kaibahan mo sa kanya? Hinahawakan mo ako ng walang permiso ko!" he closed his eyes. Kung hindi lang ako hawak ng dalawang braso miya ngayon ay sigurado akong hinihilot niya na ang sentido.

"Oh god. He has a bad motive while I don't. I know if I even ask you, you won't let me. I am doing this to help you. I have a good intention. Iyon ang motibo ko at wala ng iba pa. Kaya sabihin mo sa akin kung paano ako naging katulad ng lalaki na iyon?" bumaling siya sa akin gamit ang matalim na mga mata niya. Natameme ako at napakurap-kurap.

I am not expecting his defense.

Nawalan ako ng tinig ng ilang sandali. Nang maalala ang pinaglalaban ko ay muli akong nagsalita.

Lost in an Island (Isla Vagues Series #4) Where stories live. Discover now