Chapter 13: Preparation D-2

622 24 8
                                    

Y/n' POV

Andito kami ngayon sa House of SB19 kasama ko sila Liza at Alex. We don't have any class kasi busy ang buong campus for the preparation of the upcoming Foundation Day.

"Girls, Royal theme or Casual Theme?"    tanong ko sa kanila kung anong theme nila prefer na gagawin for Solidarity Ball.

"I prefer Royal Theme kasi since may engrandeng pasabog naman kayo ng mga kuya mo, so why not Royal theme, diba Alex?"  Suggestion pa ni Liza.

"Yah Liza is right mas ok kung Royal yung theme nang Ball since ikaw naman talaga yung totoong queen at yung lima ang iyong king" sabi pa ni Alex at ngumiti.

"So that's it Royal Theme na ang gagawin sa gaganaping Ball" sabi ko sa kanila. "Any color of gowns and suits will do" dagdag ko pa.

"Teka, ba't wala pa sila Justin?" tanong ni Alex nang mapansin na wala pa rin sila kuya hanggang ngayon.

"Wait tatawagan ko na lang sila, Liza unnie pakitapos naman itong tinatype ko" sabi ko kay Liza at tumayo upang tawagan sila kuya.

*on the phone*

Me:
"Kuya where are you?"

Stell:
"Pabalik na nang campus sweetie, asan kayo?"

Me:
"Nasa house of SB19 kami"

Stell:
"Sige I'll end this call na nagdadrive ako, see you" paalam pa ni kuya at inend call na niya.

"Malapit na daw sila"


"Y/n tapos ko nang ma type ang program for the ball, teka yung performance natin san isisingit?"

"Unang mag peperform is si Kuya Stell and Alex, followed by me and kuya Josh, lastly kayo ni Kuya Ken" sabi ko at isinulat kung saang part kami ng program magpeperform.

"So since we have 3 sets of awarding Alex and Kuya will perform after ng 3rd set of awarding, Me and Kuya Josh will perform bago mag start ang ball, then si Kuya Ken at Liza will perform bago mag announce ng King and Queen of the night" paliwanag ko sa kanila.


"Woah grabe Y/n ikaw na talaga magaling, by the way saang part kayo magrereveal?" sabi pa ni Alex.

"Ahh about that sa last part nang event after nang closing remarks bago mag start ang party"

"Ikaw na talaga Y/n planadong planado eh, all you need to do is to wait for that day to happen" sabi ni Liza at ngumiti.

Maya-maya pa ay dumating na sila kuya.


"Hey girls" bati pa ni Kuya Stell pagka pasok nila.

"Kuya!" sigaw ko at tumakbo na parang bata nang makita ang dala nilang donuts. I really love donuts kaya ganon na lang ako kaexcite pag may dala silang donut hahahahaha.

"Here you go alam naming pagod kayo kaka plano at kakaprepare that's why nagdala kami ng favorite mo" sabi pa ni kuya Ken.

"Y/n okay na ba lahat? May maitutulong pa ba kami?" tanong naman ni kuya Josh. Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Liza.

My Protective Brothers [Completed]Where stories live. Discover now