Chapter 45: Bye Tagaytay

363 17 2
                                    

Justin's POV

Ngayon na ang alis namin pabalik ng Manila sa mahigit 2 weeks na bakasyon dito nag enjoy din ang lahat ng mga kasama namin at nagkaroon din kami ng time ni Alex.

Nalaman din namin na nag confess si Jayson kay Y/n at first nagulat kami sa inamin ni Y/n pero di naman namin pinagbawalan si Jayson na magkagusto sa kapatid ko ang pinagbawal lang namin is yung magiging mag jowa sila agad, 16 pa lang silang dalawa kaya pareho naming pinagbawalan kasi masyado pa silang bata para sa mga ganyang bagay.

Nagliligpit na kami ng mga gamit pati na rin ang iba. Matapos namin ayusin ang mga gamit nilagay na namin lahat sa sala ang bawat dalang gamit at nag breakfast na muna kaming lahat.

"Guys nag enjoy ba kayo sa pag stay natin dito?" tanong ko sa lahat.

"Oo naman sobrang nag enjoy kami" sabi ni Max ng First One.

"Kayo BGYO?" tanong naman ni Josh.

"Sobra po lalo na't nagkaroon ng time para mas makilala ang isa't-isa" sabi pa ng leader nilang si Gelo.

"Masaya din kami kasi nakakasama namin si Y/n Noona" singit pa ni Mikki at nagtawanan naman lahat lalo na si Y/n.

Tapos na kaming kumain at nailabas nadin sa bahay ang lahat ng gamit namin and natawagan nadin sila Manong Pedring at si Manang Loleng na pabalikin na dito sa rest house kasi aalis na kami.

"Manang alis na po kami babalik lang kami next time" sabi ni Josh kay Manang.

"Mag-ingat kayo mga anak, pag butihin niyo pag-aaral niyo" sabi pa ni Manong.

"Opo Manong" sagot naman ni Y/n.

"Sige na umalis na kayo ng di kayo gabihin sa daan" sabi pa ni Manang.

"Sino sasabay samin ni Alex?" tanong ko sa lahat pero walang nagtaas ng kamay o nagsalita man lang.

"Sabi ko nga wala" natatawa kung sabi habang nilalagay sa trunk ng kotse ko ang gamit namin ni Alex.

"Jah mauna na kayo sa daan tas sunod yung dalawang van" sabi pa ni Josh.

"Sige" sabi ko at sumakay na kami ni Alex sa kotse ko.


Josh POV

Nakasunod lang kami sa sasakyan nila Jah at katabi ko sa first row si Y/n, sa likod naman namin sila Leah, Nate at Mikki and nasa hulihan sila Ken at Liza.

"Are you sleepy?" tanong ko kay Y/n.

Nakatulog kasi ibang kasama namin dito sa likod ng van.

"Not yet Oppa"

"Are you sure?"

"Ne" sagot niya at nag babasa ng wattpad sa phone niya.

"Yahh stop reading while we're on the car" suway ko sa kanya, dahil simula pa ng umalis kami sa resthouse nakatutok lang siya sa cellphone niya.

"Mianhae" sabi niya at niligpit na lang ang phone niya.

"Baby your birthday is near  what would you want to do?" tanong ko sa kanya dahil next month na ang 17th birthday ng aming nag-iisang prinsesa.

"Gusto ko lang sana ng simple celebration but knowing Eomma and Appa I know they will do something that will surprise me" explain niya pa.

Tama nga naman si Y/n kahit anong pilit niyang simple celebration ehh magiging elegante pa rin ang magiging birthday niya lalo pa't nag-iisang babae lang siya saming magkakapatid.

My Protective Brothers [Completed]Where stories live. Discover now