Chapter 21: Alex's Birthday Plan

553 21 8
                                    

Y/n's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nang magpakilala ako bilang isa sa tagapagmana ng SB companies at kapatid ng SB19. Sa loob nang isang buwan wala namang naging problema sa pakikitungo ng ibang studyante sa akin maliban nga lang sa bruhang si Maris.

Andito kami ngayon sa House of SB19 at wala si Alex dahil ay nag out of the country daw sila with her Fam. Sakto lang din kasi pagpaplanohan namin ang birthday surprise para sa kanya.

Sa loob ng isang buwan di na din mapigilan ni Kuya Justin ang di umamin kay Alex nag confess na siya sa kaibigan ko at nagpaalam na siya na mangligaw kay Alex, pero bago siya magsimulang mangligaw sa kaibigan ko ay kinausap na muna ni Kuya ang parents ni Alex para magpaalam at pumayag naman sila Tito at Tita sa pangliligaw ni Kuya Justin.

Sa totoo nga lang kasabwat din namin sina Tito at Tita sa gagawin naming birthday surprise for Alex.

"Kuya Jah anong plano mo for Alex?" Tanong ko kay Kuya Jah na nakatulala lang.

"Ganito balak ko sana siyang tanungin sa mismong birthday niya na maging girlfriend ko and kailangan ko ang tulong niyo kasi balak ko muna siyang iprank bago sa surprise ko" paliwanag niya pa.

"Ano ba kasing plano mo?" Tanong ni Kuya Stell sa kanya.

"Bali silang tatlo nila Y/n, Alex,at Liza lalabas muna oh di kaya manunuod ng sine or what tas may biglang tatawag sa kanila na may inatake sa isa sa mga parents niya" pagiexplain pa ni kuya Jah.

"Wait, alam na ba to ni tito at tita?" biglang tanong ni Kuya Sejun.

"Oo alam na nila Tita ito at nag approve na siya. So yun na nga may tatawag sa kanya na inatake isa sa parents niya pagkatapos nun syempre uuwi sila agad sa bahay nila, di sila dadaan sa harap ngunit, Y/n dapat dun kayo dadaan sa likod, bago pa kayo tuluyang makapunta sa likod ng bahay nila kailangan niyo ng pumunta ni Liza kung saan kami magtatago kayo na bahala kung pano niyo sa iiwan sa dilim basta pagkapunta niyo ni Liza sa pinagtataguan nila Ken pati ng parents niya sakto na iilaw yung dadaanan ni Alex papunta dun sa may gitna" mahabang paliwanag ni kuya Jah.

"Plinano mo talaga ito Jah?" Namamanghang tanong ni Kuya Josh.

"Oo, after nun saka nako lalabas sa pinag tataguan ko na may dalang flowers for Alex kakausapin ko muna siya hanggang sa tanungin ko na siya ng will you be my girl? And if she say YES saka kayo lalabas lahat at liliwanag ang buong garden nila"

"Wow!" sigaw ni Liza.

"Binata na bunso natin" sigaw pa ni Kuya Ken.

"We will support you no matter what Jah" nakangiting sabi ni kuya Sejun.

"Andito lang kami para sayo Jah" sabi pa ni Kuya Stell at inakbayan si Kuya Jah.

"Kung may mga kailangan ka pa andito lang kami" sabi ni Kuya Josh at ngumiti.

"Kami na bahala kay Alex, wag kang mag-alala Jah" sabi pa ni Liza.

Nanunuod lang ako sa kanila dito sa gilid at di ko alam kung bakit ako nalulungkot ngayon.

"Oh Y/n wala kabang sasabihin?" sabi ni Kuya Justin ngunit napailing lamang ako.

"Y/n okay ka lang ba? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya Stell.

"W-wala kuya, ahhh mauna nako sa bahay mag papasundo na lang ako kay Manong" sabi ko na medyo naiiyak at lumabas na ng House of SB19.

Di ko alam kung ba't ako naiiyak siguro malungkot lang ako kasi magkakajowa na si kuya Justin malungkot lang ako kasi alam kung mauubusan na nang time sakin si Kuya Jah kasi magiging sila na ni Alex. Tinawagan ko na si Manong at kaagad naman niya akong sinundo.

My Protective Brothers [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя