Chapter 53: You're Beautiful

384 25 19
                                    

Y/n's POV

Alas nuebe na ng umaga at andito ako sa kwarto nanunuod ng netflix. Habang busy ako nanunuod ng movie ay tumunog ang phone ko at napangiti naman nang makita ang pangalan ni Jayson sa screen.

*Jayson*

"Goodmorning beautiful" napangiti naman ako sa nabasa ko kahit di naman nakikita ni Jayson.

"Ang aga-aga nambola pa"

"Goodmorning din"

"Maganda ka naman talaga ahh"

"Asuuus, may kailangan ka?"

"Practice tayo?"

"Hmmm pwede naman tayo mag practice pero mamaya na siguro, kasi 10 am dating ng designer ehh"

"Sige, magpapa-alam na din ako kina Sunbae"

"Sige sabihan ko din sila Kuya"

"Bye🥰" napangiti ulit ako ng magsend si Jayson ng emoji.

*knock knock*

"Sweetie andito na yung designer, labas kana jan" sigaw pa ni Kuya Justin mula sa labas ng pinto ko.

"Sige po susunod na" sagot ko at tumayo na.

"Goodmorning po" bati ko kau Michael at nag bow.

"Goodmorning din sayo Y/n" bati naman niya at ngumiti.

"So Ken told me na kailangan mo ng long gown for your photoshoot, so here are my new designs" sabi niya at binigay sakin ang sketch pad.


Ang gaganda ng mga designs niya grabe nahihirapan akong mag hanap ng susuotin for the formal attire photoshoot.


"Nahihirapan ka no?" tanong naman ni Kuya Josh sa gilid ko.

"Medyo po" sagot ko pa at ibinaling ulit ang tingin sa sketchpad.

"Y/n anong kulay nang suit ni Jayson?" tanong ni Kuya Ken sakin.

"Black daw po"

"Black.....then you should pick the white one" diretso niyang sabi at ngumiti sakin.

"Kuya Ken mo na nagsabi, mamili kana sa mga white gowns" sabi ni Kuya Stell.

"Ahh Michael ito ang napili kung design and gusto ko ang combination ng white and silver " sabi ko sa designer at ngumiti.


"I'm sure na bagay na bagay sayo yan"

"Halika susukatan na kita" sabi niya at tumayo nako.

"Since for photoshoot lang naman to mas ok na fit na fit sayo yung gown mo para mas kita yung magandang kurba ng body mo" sabi niya pa at sinimulan nakong sukatan.



"Ahh Kuya Nagtext nga pala si Jayson kung pwede ba kaming mag practice later" sabi ko sa kanila, bahala na sila kung sino ang sasagot.


"Sure, he can come" sagot ni Kuya Pablo ng di man lang ako tinitignan.

"Thanks Kuya"

"Kuya Jah paki-abot naman ng phone ko please" paki-usap ko pa kay Kuya at iniabot naman niya sakin ang phone ko.


"Kamsahamnida" sabi ko at ngumiti, tinext ko agad si Jayson at agad din naman siyang nag reply na pupunta siya after lunch.


"And we're done" si Michael.

My Protective Brothers [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora