Chapter 26: Quality Time

454 24 6
                                    

"Alex and Justin Story"

Alex's POV

Today is Friday and we don't have afternoon class because the faculty and staff has an important meeting to attend. Nasa house of SB kami nila Y/n at Liza and hinihintay lang namin mga kuya niya.

"Alex anong plano niyo sa birthday mo?" tanong ni Liza sakin.

"Oo nga Alex next week na yun ah" singit naman ni Y/n.

"Hmmm well gusto ko lang ng simpleng kainan with the three of you together with my family with SB19, First One and BGYO" nakangiting sabi ko sa kanila.

"Ayaw mo ba ng engrandeng handaan?" tanong pa ni Liza.

"No sa 18 birthday ko na lang " sabi ko at ngumiti.


Sakto naman na dumating na yung mga kuya niya kasama si Jayson ng First One.

"Hi Siopao" bati ni Jayson kay Y/n at inakbayan niya pa pero dahil sadista din si Y/n ayun nakatikim si Jayson ng batok mula sa kanya kaya tumawa lng kami.

"Hi Alex" bati ni Jah sakin.

"Hi Jah" nakangiting bati ko sa kanya.

"Sino gusto mag pool? Tara sa bahay tayo" masayang anunsyo pa ni Kuya Stell.


Nagsi taas lang kami ng kamay at halatang excited.

"Huy Jayson sila kuya Max asan?" Tanong ni Y/n sa bestfriend niya.

"They have their own business kaya ako lang ang sasama sa inyo ngayon, pero susunod daw sila" sagot pa ni Jayson sa kanya.

"Tara na" sabi ni Kuya Josh at nagsipunta na kaming parking area.

"Ladies first" sabi ni Jah at binuksan na ang pinto ng front seat.

"Thank you" sabi ko at pumasok na.


Nagsipasok nadin ang iba sa kani-kanilang sasakyan at si Jayson, Y/n at kuya Josh ang magkakasama sa iisang sasakyan.

"Seatbelt please" sabi ni Jah at sinunod ko naman. "Bardagulan na naman sa kotse ni Josh" natatawang sambit niya pa.

"Oo nga nagsama ba naman si Y/n at Jayson  na mapang-asar" sabi ko habang tumatawa.

"Ewan ko na lang pag talaga magkasama ang dalawang yun napakaingay parang nung nasa Korea pa sila ang lilikot away ng away" sabi pa ni Jah at nagsi-labas na kami ng SBU.


Bumabyahe na kami patungong subdivision nila Jah ng bigla siyang lumiko sa kabilang daan.

"Jah anong ginagawa mo?" nagtataka kung tanong sa kanya?

"May pupuntahan lang tayo" kalmadong sagot niya at nagpatuloy lang sa pagdadrive.

"Pano sila y/n baka hanapin tayo?"

"Alam nila" sabi niya at kumindat pa talaga sakin.

"Jusko Justin De Dios", sabi ko pa.

Medyo malayo nadin ang binyahe namin and finally huminto nadin kami sa Enchanted Kingdom.

"Ba't mo ko dinala dito?"

"Gusto ko lang makasama ka, gusto ko lang masolo ka" seryoso niyang sabi at hinawakan niya kamay ko at hinila papasok ng EK.


Naka mask at naka hoodie si Jah kaya malaya siyang nakakagala ngayon. Sinuot na sakin ni Jah ang bracelet na unlimited kahit ilang rides ang sakyan namin ay ok lang.

My Protective Brothers [Completed]Where stories live. Discover now