Chapter 1

71 5 0
                                    

"Ah, so kayo lang ng Mama mo ang magkasama?"usisa ni Sally, isa sa mga bago kong kaibigan.

Isang linggo na ang nakalilipas simula noong tanggapin ako ni Sir Caesar sa kompanya niya.Noong una nga ay hindi pa ako makapaniwala, pero sobrang saya ko dahil bukod sa mataas ang sweldo ay mababait rin ang lahat ng empleyado.Bukod kay Sally ay mayroon pa akong isang bagong kaibigan, si Bianca.Sila ang unang lumapit at nakipag-usap sa akin, sila rin ang nag-guide sa akin sa loob ng kompanya kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa.Lumipat na rin kami ni Mama ng tirahan, pinahiram kasi ako ni Tita Jillian.Mas mabuti raw na umupa kami sa mas magandang apartment kaysa doon sa nakaraang tinutuluyan namin.

"Oo, sa ngayon ay iniiwan ko muna si Mama kay Tita Jillian.Dinadaanan ko na lang bago ako umuwi sa bahay.Mabuti nga at natanggap ako dito.Kung hindi dahil kay Sir Nigel at Sir Caesar, baka wala pa akong nakukuhang trabaho hanggang ngayon."

"Ay oo naman!Mababait talaga ang dalawang 'yon.Well, medyo babaero si Sir Nigel, pero si Sir Caesar ay hindi masyado.Pihikan rin kasi 'yon, pero huwag ka!Bigatin ang lahat ng ex at mga nakalandian non.Puro sosyalin at magaganda.'Yung tipong kasing estado ng pamumuhay niya."eksaheradang kwento ni Bianca.

"Ganoon?Hindi na rin naman nakakapagtaka dahil gwapo siya at mayaman."wika ko.

"Matalino pa!"sabat ni Sally.

"At super duper hot!Haays, kung sana lumaki akong mayaman baka sakaling ipa-arrange marriage ako sa kaniya."napanguso si Bianca at tumingin sa itaas na tila may ini-imagine.

"Masanay ka na dyan kay Bianca, Liberty.Tamo mamaya iba na naman ang crush niyan."nakangiwing wika ni Sally kaya natawa ako.

Nang matapos ang lunch break ay nagpasya kaming bumalik na sa kaniya-kaniya naming pwesto.Papasok na sana kami sa elevator nang may tumikhim sa aming likuran.Nang lingunin namin iyon ay nakita naming si Sir Caesar pala.

"Good afternoon, Sir!Nakapag-lunch na po ba kayo?"malawak ang ngiting bati ni Sally.

"Yeah, how about you, ladies?"aniya sabay lipat ng tingin sa kanilang dalawa bago napadako sa akin.

"Opo, Sir."nadinig kong sagot ni Bianca.

Ngumiti ako ng bahagya kay Sir Caesar nang hindi niya alisin ang titig niya sa akin.

"Good afternoon po, Sir Caesar."bati ko.

"Drop the po and opo.I'm not that old and I do appreciate calling me Sir.That's enough for formalities."aniya bago kami lampasan.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagkibit balikat na lamang.

"Hindi ba kayo sasabay?"

Sabay-sabay kaming muli na lumingon sa elevator at nakitang kunot noong nakasakay doon si Sir Caesar.

"Pwede po ba?"alanganing tanong ni Sally.

"Come inside."aniya na sinunod naman namin.

Pumwesto sa likurang bahagi ni Sir Caesar sina Sally at Bianca kaya wala akong nagawa kundi ang tumabi kay Sir Caesar.Ang bango niya, lalaking lalaki ang datingan.Nakaka-intimidate rin ang kaniyang presensya.Nauna kaming bumaba at bago tuluyang sumara ay binalingan ko muli si Sir upang magpaalam.Magsasalita na sana ako ngunit hindi ko alam kung bakit natigilan na naman ako nang mapansing nasa akin ang kaniyang atensyon.Sa huli ay nginitian ko na lamang siya at tinanguan bago tumalikod at maglakad papalayo.

Bago umuwi sa bahay ay dinaanan ko muna si Mama.Isinama ko rin siya sa night market upang bumili ng aming hapunan.Nang makauwi ay doon ko lamang naramdaman ang pagod.Hinilot ko ang nananakit na paa dulot ng sapatos na suot ko sa opisina.Hindi pa rin kasi ako sanay na suot-suot iyon, lalo pa at medyo mataas ang takong.

"A-ate, tulog na ikaw."naramdaman ko ang paghila ni Mama sa dulo ng aking damit.Nakahiga na siya ngayon sa kama.

"Sige po, matulog na rin kayo, Ma."yumuko ako at dinampian ng halik ang kaniyang noo.Hinaplos-haplos ko ang kaniyang mahabang buhok upang mabilis siyang antukin.







"Aba!Aba!Aba!Mukhang may manliligaw na kaagad si Liberty ha!"nakangising wika ni Sally habang nakatingin sa dalawang bungkos ng bulaklak sa aking table.

Kadarating ko lamang at iyon kaagad ang bumungad sa akin.Napakunot ang aking noo at binasa ang nasa loob ng card.Bukod sa good morning at pangalan ko ay wala ng iba pang nakalagay doon.Magkaiba rin ang sulat kamay kaya siguro ay magkaibang tao ang nagbigay.Nagpalinga-linga ako upang tingnan kung nandoon ba ang nagbigay, ngunit abala naman ang lahat sa kani-kanilang ginagawa.Tanging kaming tatlo lamang nina Bianca at Sally ang hindi pa masyadong abala.Maaga pa rin naman kasi.

"Sana all may pa-flowers!Inggit ako sa beauty mo!Makakatanggap na lang ata ako ng bulaklak kapag patay na ako eh!"paghihinanakit ni Bianca.

"Kung gusto n'yo sa inyo na lang."nakangiting iniabot ko sa kanila ang mga bulaklak.

"Naku, huwag na, 'no!Sa'yo kaya 'yan.Baka magalit pa ang admirer mo, 'te!"pagtanggi ni Sally, ganoon din si Bianca.

"Pero kanino naman kaya 'to galing?"

"Sure akong isa sa mga katrabaho natin.Guys!"sigaw ni Sally dahilan upang mapalingon sila sa aming gawi.

"Waeyo?"tanong ng isa sa mga katrabaho namin.Korean word ata 'yon, 'yung pinsan ko kasi mahilig din sa korean drama kaya madalas kong naririnig iyon sa kaniya.

"Nakita n'yo ba kung sino ang naglagay ng mga bulaklak dito sa table ni Liberty?"tanong sa kanila ni Bianca.

Nagsilapitan tuloy sila upang mag-usisa.Abot-abot na panunukso ang inabot ko sa kanila na sinusuklian ko lamang ng tipid na ngiti.Sa totoo lamang ay kuryoso ako kung sino ang mga nagbigay, gayon pa man ay wala akong balak na i-entertain sila kung mangyayari mang manligaw.Wala pa sa isip ko ang pakikipag-boyfriend.

"What's the commotion here?"

Napahinto kaming lahat sa pagkukwentuhan nang may magsalita.Nagkatinginan kaming lahat at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanilang mga mata.

"Patay!Nandyan na si boss!"bulong ni Sally.

Nilingon ko ang gawi ng nagsalita at nakitang si Sir Caesar nga iyon.Naka-corporate attire siya na talaga namang bagay na bagay sa kaniya.Ang linis-linis niyang tingnan.Napagawi ang tingin niya sa akin.

"Care to answer my question, Miss Dimaano?"tanong niya.

Kinakabahan man ay hindi ko ipinahalata.

"May admirer po kasi si Liberty, Sir.Pinag-uusapan lang po namin kung sino."sagot ng kung sino bago pa man ako makapagsalita.Napakunot ang noo ni Sir Caesar.

"Admirer?"tila nanunuya pa ang kaniyang boses.

"I'm sorry, Sir.Hindi na po mauulit."wika ko bago sila sinenyasan na magsibalik na sa kani-kanilang pwesto.Naiwan tuloy akong nakatayo doon.Nakapamulsang naglakad papalapit sa akin si Sir Caesar.Dumako ang tingin niya sa mga bulaklak na nakalapag sa aking mesa.

"It's fine.Maganda ka at hindi na nakakapagtakang magkaroon ka ng mga admirer."aniya sabay lipat ng tingin sa akin.

Glimpse in her Melancholic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon