Chapter 6

37 4 0
                                    

"Kumusta naman ang trabaho mo, Liberty?May mga kaibigan ka na ba?"tanong ni Tita Jillian.

"Meron naman po.Mababait po ang lahat ng mga kaibigan ko, ganoon rin ang iba ko pang mga katrabaho."

Habang pinagmamasdan ko siya ngayon ay hindi ko mapigilang hindi maalala si Mama.Magkamukhang magkamukha sila ng aking ina at ganito rin siya kahinahon sa tuwing kinakausap niya ako.

"Iniisip mo ba si Julia?"tukoy niya sa aking ina.

"Nami-miss ko na po ang dating siya, Tita.Minsan napapatulala na lang ako sa kawalan, para bang hindi ko na kaya.Pero hindi naman ako pwedeng sumuko na lang sa buhay."

"Liberty, napatawad mo na ba ang Papa mo?"

Napabuga ako ng malalim na paghinga at mariing umiling."Walang kapatawaran ang idinulot niya sa amin ni Mama.Ni kahit ang makita siya ay ayaw ko nang mangyari.Hindi ko magawang kalimutan ang ginawa niya sa aking ina."

"Hindi kita pipiliting patawarin siya, dahil maski ako ay masama pa rin ang loob sa lalaking 'yon."

"Hi, Ma, Liberty!Parang seryoso ata ang pinag-uusapan n'yo ah."wika ni Irene.

Naka-uniform pa siya ng pinapasukan niyang kolehiyo.Sana balang araw makapagtapos rin ako ng pag-aaral.Sa totoo lang ay naiinggit ako kay Irene dahil may kumpleto siyang pamilya at nakakapag-aral siya.Pero kahit na ganoon ay kuntento na rin ako dahil may maayos akong trabaho.

Halos hindi ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon dahil naaalala ko ang nakaraan.Medyo matamlay tuloy ako at inaantok nang pumasok sa trabaho kahit na nakainom na ng kape kanina bago ako umalis sa bahay.Habang hinihintay ang pagbukas ng elevator ay napahikab ako.

"Puyat ka ata."

Napalingon ako sa aking tabi at nakita doon si Sir Caesar.Umayos ako ng tayo at pilit na pinasigla ang ekspresyon.

"Hindi naman po.Good morning, Sir Caesar."nakangiting bati ko.

"Good morning too, Miss Dimaano."

Saktong bumukas ang elevator at iniluwa non ang ilang empleyadong sakay, binati nila ang aming boss.Medyo nag-alangan pa ako kung sasabay ba ako kay Sir dahil nakakahiya.

"Why are still standing there?Come inside."aniya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.Napahikab akong muli kaya nagtakip ako ng aking mukha.Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Sir.

"I'm sorry, Sir."paghingi ko ng paumanhin dahil sa nahihiya ako.Ikaw ba naman ang panay ang hikab habang kasama mo ang boss mo.

"Did you stay up all night?Do you want to drink coffee?Or do you want to rest first?"

"Uh, hindi na.Ayos lang ako.Sadyang ganito lang ako tuwing umaga."

Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makarating ako sa floor kung nasaan ang aking pwesto.Nagpaalam rin muna ako kay Sir na tinanguan lamang ako bilang sagot.

"Puyat ka ata, Liberty.Baka nanood ka ng K-drama buong gabi ha!"nakangising tukso ni Sally.

"Hindi, hindi naman ako mahilig manood ng mga ganoon."

"Hay naku!Dapat kahiligan mo na!Mamaya papasahan kita ng napakaraming K-drama at kailangang panoorin mo.Tapos mag-submit ka sa akin ng reflection paper, five thousand words kada isa."

Napapailing na natatawa na lamang ako kay Sally.Wala na akong panahon para manood ng mga ganoong palabas.Ilang minuto pa ang lumipas at medyo inaantok na talaga ako.Habang nag-i-stretching ay natanaw kong pumasok si Miss Geneva.Kasunod niya ay ang ilang mga empleyadong lalaki na may bitbit na mga cup na sa hula ko ay may lamang kape.Mayroon ding kahon-kahon ng pizza.

"Sinong may birthday, Miss Geneva?"tanong ng isa sa aking mga katrabaho.

"Walang may birthday.Si Sir Caesar ang bumili ng mga ito para sa lahat ng empleyado."

"Wow!Ang galante talaga ni Sir!Kaya love na love ko 'yon eh!"wika pa nila.

Tuwang tuwa ang lahat sa ipinahanda ni Sir Caesar.Nagsilapitan silang lahat upang kumuha ng kanilang makakain habang ako ay nanatiling nakaupo at tinatanaw sila.

"Dahan-dahan lang, para sa lahat 'yan.Hindi kayo mauubusan dahil si Sir na mismo ang nagsabing kapag kulang ay magsabi sa kaniya."paliwanag ni Miss Geneva.

"Liberty, hali ka!"anyaya ni Bianca.

Akmang tatayo na ako nang nakangiting lumapit sa akin si Miss Geneva bitbit ang isang cup ng kape at isang box ng pizza.

"Ipinabibigay ni Sir."aniya kaya ngumiti ako at tinanggap iyon.

"Salamat, pakisabi rin kay Sir Caesar na salamat sa pagkain."

Bumalik rin ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto.Binuksan ko ang box ng pizza at nakitang wala pang bawas iyon.Tig-i-isa bang box?Ganoon ba kayaman si Sir para gumastos ng malaki?Ang dami niyang empleyado at lahat iyon ay pinameryenda niya.Hindi ba siya malulugi?Tumayo ako upang makatiyak kung tig-i-isa nga, ngunit nagtaka ako nang makitang naiwan na ang nakatambak na box sa pinagpatungan kanina.Siguradong wala ng laman iyon dahil ang bawat isa ay mayroong hawak.

"Anong hinahanap mo?Hindi ka ba nakakuha, Liberty?"tanong ni Sally.

"Hindi, binigyan ako ni Miss Geneva.Teka, tig-i-isa bang box kada empleyado?"

Natatawang umiling siya."Hindi, ang laki ng magagastos ni Sir kapag nagkataon.Tig-i-isang cup ng kape, oo, pero hati-hati na sa pizza."

"Huh?Eh bakit isang buo ang sa akin?"

Nagtataka siyang tumayo at nilapitan ako.Umawang ang kaniyang labi.

"Wow, isang buo nga!Si Miss Geneva ang nagbigay sa'yo?"

"Oo, nilapitan niya ako at inabutan."

"Wala, may favoritism si Sir!Hmmpf!"pabirong reklamo niya kaya naagaw ang atensyon ng iba pa naming kasama.

"Uh, kumuha na lang kayo.Hindi lang naman 'to para sa akin.Baka ipinapa-share rin ni Miss Geneva."wika ko upang matapos na ang kanilang komosyon.

"Good idea!"anila bago kumuha ang iba sa box.Tinirhan nila ako ng dalawang slice, sapat na sa akin ang isa kaya ibinigay ko na lamang kay Bianca 'yung natitira.Hindi rin naman kasi ako mahilig sa pizza.

L

Glimpse in her Melancholic HeartHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin