Chapter 4

34 5 0
                                    

"Let's go?"

Sumunod ako kay Sir Caesar patungo sa kaniyang sasakyan.Gayon pa man ay labis ang pagtataka ko nang mapansing wala si Miss Geneva.Pinagbuksan ako ni Sir ng pintuan, 'yung sa tabi ng driver's seat.

"Uh, si Miss Geneva po?Hindi po ba siya sasabay?"tanong ko habang nanatili pa ring nakatayo sa kaniyang harapan.

"Hindi, gagamitin niya 'yung kotse niya."

Tumango ako at pumasok na sa loob.Pagkasakay ni Sir ay nilingon niya ako.

"Your seatbelt, Liberty."aniya.

"Hindi ko po alam kung paano ikabit, Sir."nahihiyang pag-amin ko.

"It's okay.Just don't move."aniya bago dumukwang at siya na mismo ang magkabit ng seatbelt.Umayos rin siya ng pagkakaupo nang maikabit iyon sa akin.

"Thank you."

Hindi siya nagsalita at itinuon lamang ang atensyon sa kalsada.Tahimik lamang kaming pareho at wala namang kaso iyon sa akin.

"Kumain ka na ba?"

Napabalik ang tingin ko kay Sir Caesar nang magsalita siya.

"Opo, Sir.Kayo po ba?"

Nagtaka ako nang sumilay ang mumunting ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi pa."

"Dapat kumain po muna kayo bago pumasok.Masama pong nagpapalipas ng gutom."

"You're at it again."

"Po?"

"There, the po and opo."aniya kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Ayaw niya siguro ng pino-po dahil baka pakiramdam niya pinapatanda ko siya.

"Okay, pero dapat kumain ka pa rin kanina."binuksan ko ang bag ko at kinuha doon ang baon kong meryenda na tasty bread na may palamang peanut butter.Mabuti na rin pala at bumili ako ng bottled mineral water kanina.

"Sa'yo na lang 'to, Sir Caesar."nakangiting paglalahad ko ng tinapay at tubig.Nilingon niya ako saglit bago muling itinutok ang atensyon sa pagmamaneho.

"Para sa'yo 'yan."

"Hindi na po, busog pa naman ako."

"Then thank you, Liberty.Can you feed me?You see, I can't eat by myself while I'm driving.Baka maaksidente tayo kapag nag-one hand ako."

Natigilan ako at hindi kaagad nakasagot.Gusto niyang subuan ko siya?

"I'm starving."aniya kaya wala akong nagawa kundi ang subuan siya ng tinapay.

"Peanut butter?"

Nag-init ang aking mukha dahil sa kahihiyan.Hindi niya nagustuhan ang lasa?Pero para sa akin, masarap naman ang peanut butter.

"Ayaw mo ba ng lasa?Huwag mo na lang kainin kung ayaw mo."akmang ilalayo ko iyon nang umiling siya.

"Nah, I like it."umawang muli ang kaniyang labi kaya inilapit ko sa kaniyang bibig ang tinapay.Sa totoo lang ay naiilang ako sa ginagawa ko pero nakakaawa naman si Sir dahil nagugutom na siya.Baka mamaya sumakit pa ang ulo niya at mahilo habang nasa meeting.Nang maubos ang tinapay ay tinulungan ko rin siyang makainom ng tubig.

"I think I have something on the right side of my lips."aniya at nang tingnan ko nga ay mayroong natirang konting peanut butter doon.

"May konting peanut butter, Sir."

"Oh, really?Can you wipe it for me?"

Kinagat ko nang mariin ang dulo ng dila ko bago kumuha ng tissue sa loob ng aking bag at marahang dinampian ang gilid ng kaniyang labi.

"Wala na?"aniya nang ilayo ko ang aking kamay.

"Hmm, wala na.Nagugutom ka pa ba?"

"Bakit?May pagkain ka pa ba dyan?"nakangiting tanong niya kaya napanguso ako upang pigilan ang pagngiti.

"Wala na.Pero nagugutom ka pa nga?"

"Hindi na, thanks for the food.It's tasty, I really like it, Liberty."

"Welcome, Sir Caesar."

Nang makarating kami sa Herrera & Mallari Towers ay naabutan namin sa labas ng building si Miss Geneva.Tila inaabangan niya ang aming pagdating.Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita kami.

"Good morning, Sir Caesar, Miss Dimaano."bati niya kaya ganoon din ang ginawa ko.Magkasabay kaming dalawa ni Miss Geneva habang nasa unahan naman namin si Sir Caesar.

"Dumating na ba si Torvas?"tanong ni Sir kay Miss Geneva habang nakasakay kami sa loob ng elevator.

"Yes, Sir.Halos magkasunod lang po kayong dumating."

"Good."

Nang bumukas iyon ay sumunod rin kami sa kaniya ni Miss Geneva.Nilingon kami ni Sir Caesar.

"Liberty, stay here for awhile."mariing aniya sabay lahad sa mga bakanteng silya doon.

"Okay, Sir."nakangiting sagot ko.

"Don't worry, this won't take long."aniya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.Tumango ako habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi.

"Uh, Sir?I don't want to interrupt, but you're already thirty minutes late from the meeting."alanganing wika ni Miss Geneva.

Oh, late na si Sir?Hindi ko napansin ang oras kanina.Hindi rin naman traffic, though may kabagalan ang pagmamaneho ni Sir.Baka iyon ang dahilan kung bakit siya na-late.Maingat rin pala si Sir, siguro ayaw niyang maaksidente kaya ganoon siya kabagal magmaneho.

"It's fine, let's go, Geneva."aniya bago ako talikuran at maglakad papalayo.

Ilang minuto pa ay natanaw kong may mga kalalakihang lumabas mula sa pinaglikuan ni Sir Caesar.Nakilala ko pa ang isa sa kanila, si Sir Nigel.Tumayo ako nang matanaw si boss, kasunod niya pa rin si Miss Geneva.Abala si Sir sa pakikipag-usap sa katabi niyang lalaki, at kung hindi naman ako nagkakamali ay si Law Morozova iyon, ang may-ari ng Morz Empire kung saan ko nakilala sina Sir Nigel at Sir Caesar.

"Liberty,"

Napabalik ako sa aking sarili nang senyasan akong lumapit ni Sir Caesar.Dumako ang tingin sa akin ng mga kasama niya.

"Oh, nice to see you again, Miss Dimaano."nakangiting bati ni Sir Nigel.

"Ako rin po, Sir Nigel."

"Liberty, let's go."

Nagtaka ako ng labis nang mapansing tila nawala sa mood si Sir Caesar.Nauna siyang maglakad at nilampasan ang mga kasama kanina.Nginitian ko muna si Sir Nigel bilang pamamaalam bago sumunod kay Sir Caesar.Binilisan ko ang aking paghakbang dahil medyo malayo na ang agwat naming dalawa.Lumingon siya at huminto kaagad nang mapansing hindi na ako makahabol.

"I'm sorry."aniya nang makalapit ako.

"Para saan?"puno ng pagtatakang tanong ko.

"For almost leaving you."

"Wala po 'yon."

Ngayon ay magkasabay na kaming maglakad.Ibinaling ko ang tingin sa suot na wrist watch at nakitang malapit ng mag-alas dose.Siguro ay didiretso na kami pabalik sa kompanya.Wala akong dalang baon para sa lunch dahil hindi ako nakapagluto kaninang umaga.Ang balak ko na lang gawin mamaya ay bumili sa canteen kasama sina Sally at Bianca.

Glimpse in her Melancholic HeartWhere stories live. Discover now