Chapter 7

29 3 0
                                    

"Sure ka na dito ka lang?"tanong muli ni Sally sa akin.Pinapauna ko na kasi silang magpunta sa canteen dahil wala akong balak na kumain.

"Oo, busog pa ako.Matutulog muna ako habang break pa.Inaantok rin kasi ako."

"Oh, okay.Gusto mo bang ibili ka namin ng kape pagbalik?"

"Hindi na, baka mag-palpitate na ako mamaya kakainom ng kape."

"Okay, bye!Babalik din kami kaagad."anila bago tuluyang umalis.

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang ako lamang ang naiwan.Nag-unat-unat muna ako bago dumukdok sa aking lamesa.Kahit kalahating oras lang siguro ay sapat na para magkaroon ako ng lakas mamaya.

"Liberty, Liberty!Nandyan si Sir!"

Nagising ako sa marahang pagtapik sa aking braso.Inaantok na binalingan ko ang gumising at nakitang si Sally iyon.Pinanlakihan niya ako ng mga mata at sumenyas na lumingon ako sa isang direksyon.Ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang matanawan si Sir na nakatingin sa akin.Dali-dali akong tumayo ngunit napahawak rin kaagad sa gilid ng mesa nang makaramdam nang pagkahilo.Kaagad na umalalay sa akin si Sir Caesar.Ramdam ko ang kaniyang kamay sa aking bewang.

"Be careful.Are you alright, Miss Dimaano?"nadinig kong aniya kaya tumango ako at tumayo ng tuwid.Bumitaw rin siya sa pagkakahawak sa akin.

"I'm sorry, Sir.Napahaba po ata ang tulog ko.Hindi ko po sinasadya."nakayukong wika ko.Napagawi ang tingin ko sa wrist watch ko at nakitang halos 1:00 PM na.Kaninang 12 PM ang lunch break at hanggang 12:30 PM lamang iyon.Lagot ako nito!Napahaba nga ang tulog ko.

"Kung masama ang pakiramdam mo bakit hindi ka nagsasabi?"

"Hindi po masama ang pakiramdam ko."

"Go home now."

Napaangat ang mukha ko at nakitang seryoso ang kaniyang ekspresyon.Hindi niya naman siguro ako tatanggalin sa trabaho, 'di ba?Labis-labis ang kabang nararamdaman ko.

"K-kaya ko pa naman pong magtrabaho."

"Don't worry, I won't fire you.Ang gusto kong mangyari ngayon ay umuwi ka nang maaga nang sa ganoon ay makapagtrabaho ka nang maayos bukas."walang kangiti-ngiting aniya kaya napilitan akong tumango.

Pumihit siya patalikod at binalingan ang ilang mga empleyadong nakatingin."Back to work."mariing aniya kaya nagsibalikan sila kani-kanilang ginagawa.

Napabuga ako nang malalim na paghinga.Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Sally kaya binalingan ko siya.

"Sorry nagising kita ah.Pero huwag kang mag-alala, hindi naman galit si Sir.Hindi 'yon marunong magalit kahit palaging mukhang galit."nakangiting aniya kaya napangiti rin ako.

"Wala ka namang dapag ikahingi ng tawad.Tama lang na ginising mo ako.Hindi ko namalayan na napasobra na pala ang tulog ko."naupo ako at sinapo ang aking noo.Medyo masakit-sakit iyon at kung uuwi na ako ngayon sa bahay ay tiyak akong makakapagpahinga ako nang maayos.

"Naku, girl!Dapat umuwi ka na.Baka mamaya niyan kung ano pang mangyari sa'yo.Tama si Sir, magpahinga ka na muna sa inyo."wika ni Bianca.

Matapos kong mailigpit ang aking mga gamit ay nagpaalam ako sa aking mga katrabaho.Habang nag-aabang ng masasakyan sa labas ay nakaramdam ako ng gutom, hindi pa nga pala ako nakakain ng lunch.Napahinto ako sa pag-iisip nang may humintong kotse sa aking harapan.Bumukas ang pintuan at bumaba doon si Sir Caesar.

"Ihahatid na kita."aniya.

"Po?Huwag na.K-kaya ko namang umuwi."pagtanggi ko.

"Alam ko, pero maganda na ang sigurado.Ihahatid na kita."

Glimpse in her Melancholic HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя