Chapter 10

35 4 0
                                    

"Girls, nandyan na naman ang mga hot na friends ni boss!"sigaw ng isa naming katrabaho dahilan upang mapahinto ako sa pagtitipa sa keyboard ng computer.

Sunod-sunod na tilian ang aking narinig kaya nakuryoso ako at umangat nang kaunti sa aking kinauupuan. Napataas ang isa kong kilay nang matanaw kung papaano sila naghiraman ng make up kit at mag-share ng salamin. Napangiti na lamang ako na napapailing. Palaging ganoon ang ganap sa tuwing nandyan ang mga kaibigan ni Sir Caesar o hindi kaya ay kahit siya, minsan kapag bumibisita ay ganoon ang kanilang ginagawa. Nakakatuwa nga dahil tila mga teenager ang mga ito na kinikilig, tila wala lang naman iyon kay boss at kung minsan ay ngingiti lamang.

"Liberty, tara na mag-lunch."anyaya ni Sally kaya nag-unat-unat muna ako bago tumayo.

"Bakit palagi kang naka-pants and shirt? Hindi naman ganoon kahigpit ang dress code ah."puna ni Bianca sa akin.

"Wala lang, mas komportable lang gumalaw."

Iyon ang totoo, pero dahil na rin sa Psoriasis. Minsan kasi ay mayroon ako sa balikat, dibdib, madalas sa likod at kapag stress ay sa scalp. Mayroon rin sa parteng kilay at mga binti pero kakaunti lang. Pasalamat ko na lamang na hindi ganoon kalala ang sakit ko hindi kagaya ng sa iba na halos mapuno ang katawa ng ganoon. Dati, mumurahing gamot lang ang nabibili ko, gagaling kaagad pero babalik naman at mas malala pa. Tanging pag-iyak lamang ang aking nagagawa at mas lalong nagko-cause ng stress dahil dumadami ang sugat sa aking katawan.

Babae ako at mahalaga sa akin ang katawan ko. Noon hindi ko talaga mapigilang hindi malungkot at umiyak sa tuwing magkakaroon ako ng sugat sa katawan dahil makati iyon at hindi magandang tingnan. Sa tuwing aksidente kong makakamot sa gabi ay nagdurugo at medyo lumalala. Pasalamat na lang ako ngayon dahil may work na ako at nakakabili ng gamot, pati napapatingnan ko na rin ang kalagayan ni Mama.

Nag-over time ako sa araw na iyon dahil rest day ko naman kinabukasan. Nasa bahay rin nina Irene si Mama at doon namin balak matulog. Pauwi na sana ako nang makasalubong ko ang secretary ni Sir Caesar na tila nagmamadali at hindi mapakali. May mga bitbit itong folders at tila maiiyak na.

"Ma'am, ano pong problema?"tanong ko nang hindi makatiis na hindi siya lapitan.

"L-Liberty, 'yung anak ko kasi may sakit, isinugod sa ospital. M-makikidala naman nito kay Sir oh, pasabi na rin na kailangan ko ng umuwi for emergency."maluha-luhang aniya kaya hindi ako nag-atubiling tumango.

"Sige po, mag-iingat po kayo sa byahe."

"Salamat!"aniya bago nagmadaling umalis.

Bumalik ako sa loob ng elevator at tinungo ang opisina ni Sir Caesar. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Doon ay naabutan ko siyang nakasandal sa kaniyang kinauupuan habang nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng mesa. Halos nagulat pa ako sa ayos niya, mukhang napagod ata si Sir. Pansin ko rin ang tambak na papeles sa kaniyang mesa.

Malamig sa loob at masarap iyon sa pakiramdam. Sana ganoon din kalamig sa office namin, though hindi naman mainit, mas gusto ko lang 'yung sobrang lamig sa balat. Dahan-dahan kong ipinatong ang folder sa lamesa at ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang magmulat si Sir Caesar. Ni hindi nga ako gumawa ng ingay pero nagising pa rin siya? Tumuwid ako ng pagkakatayo at bahagyang yumuko.

"I'm sorry po sa abala, Sir. Ipinapaabot po 'yan ni Ma'am Geneva kasi kinailangan niya pong umalis at puntahan ang anak niyang may sakit."paliwanag ko habang ang mga mata mata ay nanatiling nakatutok sa sahig.

Nadinig ko ang malalim niyang paghinga at pag-ayos ng upo.

"It's okay. Pauwi ka na?"tanong niya kaya napaangat ako.

Wala ba siyang reaksyon sa sinabi ko? Seryoso ang kaniyang ekspresyon habang nakaupo na nang maayos sa kaniyang silya.

"Opo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glimpse in her Melancholic HeartWhere stories live. Discover now