Chapter 2

40 4 0
                                    

"Pauwi ka na?"

Napahinto ako sa pagtingin sa mga dumadaang sasakyan nang may magsalita.Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong si Sir Caesar iyon.

"Opo, Sir."sagot ko.

"So you accepted your admirer's flowers?"

Bumaba ang tingin ko sa mga hawak na bulaklak bago nilingon si Sir Caesar.Nginitian ko siya.

"Sayang po kasi kung itatapon ko lang."

"Pero hindi mo naman kilala kung sino ang nagbigay kaya bakit mo tatanggapin?"kunot noong tanong niya.

"Bulaklak lang naman po ito, Sir.Wala naman po sigurong mangyayaring masama kung tatanggapin ko."

Sa totoo lamang ay balak kong i-display ang mga ito sa bahay.Nakakapanghinayang rin kasi dahil sariwang sariwa pa ang mga bulaklak.

"Haven't I told you not to used po and opo when you're talking to me?And don't call me Sir when we are outside the company.I'm no longer your boss after your work, Liberty."

"Okay, Caesar?"nag-alangan pa ako nang banggitin ang kaniyang pangalan.

"There, very good.Anyway, why are you still here?Waiting for someone to pick you up?"

"Hindi, naghihintay ako ng masasakyang jeep."

Ang hirap makipag-usap nang hindi ako gumagamit ng po.Feeling ko kasi hindi ko siya nirerespeto bilang boss ko.Isa pa, nakakahiya.Pero dahil ayaw niya namang pino-po siya at tinatawag na Sir, edi susubukan ko ng sanayin ang sarili ko.

"How long do you have to wait to ride a jeep?"

"Depende.Minsan kasi puno na kaya hindi na ako makasakay sa mga dumadaan.Pero minsan rin naman maaga akong nakakauwi."

Tumango siya ng bahagya at namulsa.Itinuon niya ang kaniyang atensyon sa mga sasakyang dumadaan.Hindi pa ba siya aalis?Ang bait pala talaga ni Sir Caesar dahil nagawa niya pang makipag-usap sa empleyado niya.

"Saan ka ba nakatira?Pwede kitang ihatid."aniya na ikinagulat ko.

"Huwag na po, Sir."natigilan ako nang lingunin niya ako."Ah, I mean, huwag na kasi maya-maya rin naman ay may dadaan ng sasakyan.Salamat na lang po, Sir Caesar."

"I insist, Liberty.Anong oras na ba?Malapit ng mag-alas otso ng gabi.Baka kung mapaano ka pa."

"Hindi na po talaga.Kaya ko na po, Sir."todo pagtanggi ko dahil ayaw ko rin namang maabala ko pa siya.

"Come on, nahihiya ka ba sa akin?"

Uh, isa na rin iyon sa mga dahilan.Sino ba naman kasing hindi mahihiya?Saan ba siya nakakita na ang mismong boss ang naghahatid sa kaniyang empleyado pauwi?

"Hindi naman sa ganoon, pero..."

"But what?"

Ngayon ay hinarap na niya ako at itinuon ang buong atensyon sa akin.Saglit akong napalingon sa kalsada nang may mahagip ang aking paningin.Laking tuwa ko nang may makitang nakahintong jeep doon, hindi pa gaanong puno ang sasakyan.Hinarap kong muli si Sir Caesar.

"Mauuna na po ako, Sir.Ingat po kayo sa pag-uwi."wika ko bago tinahak ang daan patungo sa jeep.

"Wait, Liberty!"nadinig kong sigaw ni Sir Caesar ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.Nang makasakay ako ay abot-abot ang kaba ko.Sana naman huwag siyang magalit dahil basta ko na lang siyang iniwan doon, pero nagpaalam naman ako, 'di ba?Nagalit kaya si Sir?Sana hindi.

Nang pumasok ako kinabukasan sa opisina ay labis-labis ang kaba ko.Iniisip ko pa rin kasi 'yung nangyari kagabi.Baka kasi nagalit si Sir nang hindi ko siya pinansin noong tinawag niya ako.Habang naghihintay ako na bumukas ang elevator ay naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Good morning."

Nilingon ko ang lalaki, hindi siya pamilyar sa akin.Gayon pa man ay nginitian ko rin siya at binati ng magandang umaga.Nagpakilala siya at ganoon din ang ginawa ko.Napag-alaman kong matagal-tagal na rin pala siyang nagtatrabaho dito.

"Sige, Jake.Punta na ako sa table ko."paalam ko.

"Sige, bye, Liberty."aniya sabay kaway ng bahagya.

"Ayiee!Naku!Baka si Jake ang isa sa mga admirer mo ha!"tukso ni Bianca.

"Hindi naman siguro, kakakilala ko lang sa kaniya ngayong umaga."paliwanag ko.

"In fairness, cute rin naman si Jake.Bagay kayo, Liberty."wika ni Sally.

Nginitian ko na lamang silang dalawa bago tinungo ang aking mesa.Napakunot ang aking noo nang may madatnan na naman doon na mga bungkos ng bulaklak.Kung kahapon ay dalawa lang, ngayon ay tatlo na.May dumagdag pa?Napansin ko rin ang isang maliit na box ng chocolate.Kinagat ko ang ibaba kong labi habang nag-iisip ng paraan upang ipahinto na ang pagpapadala nila sa akin.Nakakatuwa mang isipin pero ayaw ko rin namang umasa sila sa wala.Napagawi ang tingin ko sa nakadikit na note sa aking silya.

"Go to my office, Miss Dimaano."

-Caesar T.

Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang note.Bakit ako ipinapatawag ni Sir?Nalalunok ako at nagmadaling ibinaba ang mga gamit sa mesa.Habang binabalagtas ko ang daan patungo sa kaniyang opisina ay labis-labis ang naging kaba ko.Baka nga nagalit siya sa inasta ko.Baka iniisip niyang wala akong modo matapos niya akong tanggapin sa kaniyang kompanya.Nadaanan ko pa ang kaniyang sekretarya, hinayaan niya akong magpatuloy at nang nasa harap na ako ng pintuan ng office ni Sir Caesar ay alanganin pa akong kumatok doon.Pinihit ko ang door knob at bumungad sa akin ang malawak na opisina ni boss.Naabutan ko si Sir na nakaupo sa kaniyang swivel chair.Nakatuon ang kaniyang atensyon sa pintuan kaya kaagad na napadako iyon sa akin nang pumasok ako.

"Good morning, Sir."pormal na bati ko kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako.

"Come here, Miss Liberty.Don't worry, I won't bite you."

Nahalata niya kayang kinakabahan ako?Naglakad ako papalapit at huminto sa harapan ng kaniyang table.

"I called you yesterday, why did you ignore me?"mariing aniya.

"I'm sorry, Sir.Nagmadali lang po ako kasi naalala ko po 'yung Mama ko.Sinusundo ko pa po kasi siya doon sa bahay ng Tita ko."

Totoo iyon, bukod sa ayaw kong makisabay kay Sir Caesar ay nagmamadali rin talaga ako kahapon dahil kay Mama.

"I see."tumango-tango siya sabay ayos ng pagkakaupo."I just want you to know that I hate being ignore."

"I'm really sorry, Sir."

"Forgiven, just don't do it again.But can I ask you a little favor, Miss Dimaano?"

Nagtataka man ay tumango ako upang makabawi.

"Anything, Sir."

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at muntik pa akong mahawa dahil tila nawala ang masamang awra na bumabalot sa kaniya kanina.Mariin kong kinagat ang dulo ng aking dila.Ano kayang pabor ang ipapagawa niya?

"Can you make me a coffee?"

"I will, Sir."nakangiting wika ko bago nagpaalam.

Kape lang pala ang katapat para hindi sumama ang loob niya.Napapailing na napapangiti ako habang ipinagtitimpla ng kape si Sir Caesar.


_________________________________

Nakaka-miss mag-update sa Taking Chances.Gusto ko na talagang simulan 'yung One More Try, Darling, kaso kailangan ko pang i-revise 'yung mga stories sa Amor Peligroso Series.

Glimpse in her Melancholic HeartWhere stories live. Discover now