"Aray ko, huwag mo naman akong siksikin!" Reklamo ko kay Gavin, napasmangot sya bago bahagyang lumayo sa akin.
"Ranking Councils," tawag ni Callister.
Narinig ko ang buntong hininga ni Gavin bago siya pumunta sa Stage. Kapansin-pansin na siya lamang ang bad mood sakanila dahil sa laki ng simangot nya sa bibig nya.
"Nabalitaan lamang ng mga Ranking Councils, Operators, at Area Leaders na umaatake na naman ang mga Teryontas, nito lamang gabi nalaman na sila ay naghahanap na naman ng kaguluhan at mukhang alam nyo na ang mangyayari," sabi ni Callister.
Ang lakas ng kabog sa puso ko nang marinig 'yon. Tumitig ako sa harapan pero napaiwas lamang nang makita si Arius na nakataas na naman ang kilay, ang sungit.
"Wala ba talaga silang balak tumigil?" tanong ng isa sa amin.
"Mukha bang may balak pa silang tumigil, Shadow?" tanong pabalik sakanya ni Callister, natigilan sya at napailing na lamang.
"Hindi ba pwedeng pasabugin na lamang ang kuta ng mga pesteng 'yon?" tanong muli no'ng Shadow.
"Kung pasasabugin natin ay sasabog din tayo, Shadow." Kunot-noong sabi ni Callister.
"Landiin mo na lang kaya 'yon para tapos na?" sabi naman ni Shadow dahilan para matigilan si Callister at samaan siya ng tingin.
"Kung magtatalo lang kayo pwede na kayong bumaba sa Stage," sabat bigla ni Marith.
"Proceed," malamig na sabi ni Zeus dahilan para matahimik sila.
"Magaganap na naman ang himagsikan at kung hindi ako nagkakamali ay himagsikan i-katlo na ang magaganap," sabat ni Gavin, natahimik na lamang ako sa lamig ng boses nya.
"Ika-apat na nga sana kung natuloy ang himagsikan noong nakaraan," aniya naman ni Marith at napabuga ng hangin.
"Simula sa araw na ito lahat kayo ay magte-training para sa magaganap na labanan. Ang Teryontas na ang nagbigay sa atin ng palugit na tatlong buwan lamang tayong pwedeng maghanda kaya inaasahan ni Jaguar na madalian kayong matuto." Mariing sabi ni Zeus sa mikropono.
Natigilan na naman ako, Himagsikan? Gyera? Gano'n ba? Away? Away Kanto lang ang alam kong gawin, letse!
"Napag-desisyonan ni Jaguar na hatiin ang Ranking Councils, limang pangkat ang gagawin natin sa Himagsikan at pati na rin sa Training. Ang unang pangkat ay pumumunuan ko, sa akin sasama ang Area na pinamumunuan ni Shadow," aniya ni Callister, kaagad akong napatingin sa parte nila Shadow.
Makikita mo ang pangungunot ng noo ni Shadow habang nakatingin kay Callister, masama pa ang tingin nito na para bang may ginawang mali si Callister sakanya.
"Ang pangalawang pangkat naman ay kay Zeus," sabi ni Callister at nilapitan si Zeus. "Explain mo, pre. Tinamad na 'ko." Rinig kong sabi ni Callister kay Zeus, napairap si Zeus at kinuha ang mikropono kay Callister.
"Ang pangalawang pangkat ay sa akin sasama at ako ang mamumuno sa inyo. Sa akin sasama ang Area nila Lurica," simpleng sabi nya at kaagad na tumingin sa parte nila Lurica, halata sa mukha ni Lurica ang pagka-dismaya pero mukhang wala rin syang magagawa.
"Ang pangatlong pangkat ay sa akin," sabi naman ni Gavin at bahagyang sumilip sa ibaba.
"Sa akin ang Area na pinamumunuan ni Mistie," aniya ni Gavin habang nakatingin sa pinakatahimik na hanay.
Napatingin ako roon at halos magliwanag ang buong mukha ko nang makitang naroonn ang babaeng palagi niyang sinusulyapan, 'yong babaeng morena.
"Ang pang-apat na pangkat ay sa akin," sabi naman ni Marith at mariing tumingin sa isang hanay.
"Sa akin ang area na pinamumunuan ni Pricia," sabi ni Marith at binigay ang mikropono kay Arius.
Natahimik ang lahat ng tumingin sa hanay namin si Arius, please po hindi ko pa gustong makuha ni Satanas! Huhu.
"Sa akin ang Area na pinamumunuan ni Dimitrie," simpleng sabi ni Arius.
Mariin akong napapikit nang banggitin niya 'yong Area Leader namin. Ang alam ko kasi ay code name ng Area Leader namin ang Dimitrie kaya nasisiguro kong malapit na rin ako sa Demonyo!
"Ngayon na nasabi na kung sino ang mamumuno sainyo ay inaasahan ni Jaguar na lahat kayo ay matuturuan ng maayos at may disiplina, naiintindihan ninyo?" tanong ni Callister, napansin ko rin ang pag-nguya niya ng Bubble Gum.
"Maliwanag, Callister!" sigaw ng lahat.
Pagkatapos ng meeting sa Main Hall ay kaagad din kaming bumalik sa kanya-kanyang gawain pero imbes na pumunta ako sa training room ay pumunta ako sa kwarto ko. Nakatulala lamang ako sa pader habang nag-iisip ng kung ano-ano.
"Care to share what's on your mind, Nyssa?"
Natigilan ako nang marinig ang isang boses, napalunok ako nang makitang si Zeus 'yon, umupo sya sa upuan na naroon sa loob ng kwarto ko bago humarap sa akin.
"Bakit ka nandito, Zeus?" Nagtatakang tanong ko pa sakanya, natawa syang sarkastiko.
"I don't know why am I here too," sabi nya at pinag-krus ang dalawa niyang braso.
"So, what's on your mind?" tanong nya, napairap akong lihim, paano kapag ayokong i-share?!
"Then if you don't want to share, what's the topic?"
Nagitla ako nang marinig sya, mind reader ba sya?! Peste naman o!
"I'm not a mind reader," aniya pa.
Kaagad ko syang sinamaan ng tingin.
"Eh? Paano mo nababasa 'yong nasa utak ko?" tanong ko at tinaasan sya ng kilay.
"I can see it on your face, your emotion actually," sabi niya pa, natahimik na lamang ako at napailing.
"Oo na lang siguro," sabi ko at inirapan syang muli.
"Pero." Humarap ako sakanya na may nfiti sa labi.
"Hmm?"
"Anong mangyayari sa Himagsikan? I mean, patayan? Gano'n ba?" tanong ko kay Zeus, natawa sya at umiling sa akin.
"Patayan actually, you need to kill our enemies an—"
"Papatay?!" Gulat na tanong ko.
"Calm down, woman," aniya pa, napaisip tuloy ako.
Ayokong pumatay ng kahit na sino, kahit pa may kasalanan sa akin, hindi ko kayang pumatay.
"If you won't kill them then they will kill you," dagdag niya, umawang ang bibig ko.
"Ayoko rin mamatay," anas ko habang nakayuko.
Nagulat ako nang i-angat niya ang baba ko at tinignang mabuti ang mukha ko. Napasinghap ako nang titigan niya rin ang mga mata ko, napakagat ako sa labi ko habang bahagyang napapalunok, dahilan para mapatingin sya sa labi ko.
"Choose wisely, you will kill them or they will kill you.