CHAPTER 08

71 29 3
                                    

"Arius kasi, sige na!" sigaw ko kay Arius habang hinahabol sya.

"What?" Kunot-noo niyang tanong sa akin, napairap tuloy ako sakanya.

Hinhingal akong napahawak sa kanang braso niya. Kanina ko pa sya hinahabol dahil nakikita kong pagod na pagod na ang mga miyembro sa Area namin.

"Pahinga muna, please." Pagmamakaawa ko sakanya habang nagpupunas ng pawis.

"No," sagot niya at tinalikuran akong muli.

Napabuntong hininga ako at kaagad na bumalik na lamang sa Training Hall, Area lang namin ang naroon. Nakasimangot akong umupo sa isang tabi dahil wala naman si Gavin at nagte-training din siya sa kabila. Wala rin pala akong ka-close rito.

"Shutek, ang init naman!" Reklamo ng isa naming ka-grupo.

"Magtiis ka kung ayaw mong masigawan ni Arius," sabi naman ng nasa tabi niya.

"Naman kasi! Lumaban nga tayo noon sa Himagsikan ng walang training, e!" sabi naman ng isa pa.

"Oo kaya marami ang namatay, gaga ka!" sabi naman ng katabi niya.

Natahimik na lamang ang isa kaya umiwas na rin ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko pa pakiki-usapan si Arius sa ganitong paraan, nakakapagod naman kasi syang habulin, e!

"Kingina mo talaga, Arius." Mahinang sabi ko at kaagad na binaril ang isang target na naroon.

Kaagad namang tumama 'yon sa gitna dahilan para mapangisi ako. Kinasa kong muli ang baril ko at tuloy-tuloy na pinaputukan ang mga target. Hindi naman ako nabigo dahil tumama ang iba ro'n sa gitna ng target.

"Ang galing mo, Nyssa!" 

Napalingon ako at natigilan sa pagkasa ng baril ko dahil sa boses na nanggaling sa likod ko. Nakasuot sya ng salamin at naka-pony tail ang buhok niya, medyo basa rin ng pawis ang mukha niya.

"Thank you!" simpleng sabi ko at nginitian sya, napansin kong natigilan sya at napatitig sa mukha ko.

"Halos lahat ng target natamaan mo, a!" sabi niya pa at bahagyang sinilip ang mga target.

"Oo naman, kailangan, e!" sagot ko pa at natawa ng bahagya.

Akmang tatalikod sya pero hinila ko syang muli dahilan para mapasigaw sya.

"Hala! Napalakas ba? Sorry!" paghingi ko ng tawad, napailing sya at bahagyang napahawak sa braso niyang nahila ko.

Napansin kong naluluha sya habang hawak ang braso niya, kaagad kong inangat ang sleeves ng braso niya at halos manlaki ang mata ko sa nakita, nayroon siyang sugat at mapapansing malalim 'yon.

"Hala! Anong nangyari riyan?" tanong ko sakanya habang nakatingin pa rin sa sugat niya.

"T-tulungan mo muna ako," sabi niya at bahagya pa syang bumagsak.

Dali-dali ko syang tinulungang tumayo at inalalayan. Hinawakan ko rin ang isa niyang kamay para mas matulungan ko sya, may kabigatan syang kaunti pero kaya ko naman. Sabi niya na dalhin ko sya sa kwarto ng mga babae kaya roon ko sya tinulungan.

"Shit, pakuha nga ako no'n, Nyssa!" anas niya at tinuro ang isang medicine kit na nakatapong sa upuan.

Nilapitan ko 'yon at kaagad na binuksan sa harapan niya. Nilabas ko ang betadine at cotton buds pati na rin cotton. Tinulungan ko syang linisin ag sugat niya dahil halatang nasaktan talaga sya sa ginawa ko.

"Ano ba ang nangyari riyan?" tanong ko sakanya, kaagad syang napabuntong hininga.

"Si Arius," simplenng sabi niya, kaagad na nanlaki ang mata ko.

GUNNARWhere stories live. Discover now