CHAPTER 34

5 1 0
                                    

CHAPTER 34

-

"N-niloko niyo 'k-ko..." Nanghihinang sabi ko habang nakatingin sa Gunnars.

It was my 26th birthday but they fooled me.

"Nyssa, I'm sorry...I'm sorry, it was just s-sinabi ni Arius na kapag 26 ka na...saka namin sabihin, sorry." Mahinang anas ni Shadow habang humihikbi.

Napaluha ako habang nakatingin sakanila. Hindi ko alam na sa siyam na taon na 'yon. Hindi ko alam na sa siyam na taon na masaya ako. Hindi ko alam na sa siyam na taon na 'yon, wala na si Arius...

"Sorry, Ate Nyssa. Pasensya ka na sa lahat." Humihikbing anas ni Gavin habang pinupunasan ang luha ko.

Nakatitig lamang ako sakanila na para bang awang awa ako sa sarili ko. Napapikit ako habang dinadama ang ihip ng sariwang hangin na pumapasok sa Training Hall ng Gunnar. Nakayuko akong napatitig sa mga bakas ng dugo na naroon.

"Dito...d-diyan mismo nila inilapag a-ang bangkay ni Arius," sabi ni Eluria at tinuro pa ang pinag kakaupuan ko.

Napahikbi akong lalo nang makita ang maraming dugo na naroon. Kay Arius...kay Arius lahat ng 'to...sa mahal ko 'to.

"P-paano? B-bakit?" Humihikbing tanong ko habang nakakapit ng mahigpit sa itim na damit na naroon, kay Arius 'to...

"S-sabi ni Kuya Arius.." Napahikbing muli si Gavin. "Sasabihin niyang pinatay ka niya at kinuha niya ang puso mo t-tapos nasa kanya na 'yong pusong pianakaiingatan ng pamilya niyo..tapos sasabihin niya 'yon k-kila Jaguar para matahimik sila, para 'yong puso niya ang makuha nila Jaguar...g-gusto niya raw kasing bumawi sa'yo tapos gusto niya rin na matahimik na i-ikaw..." Humihikbing sabi ni Gavin dahilan para mapahagulgol akong muli habang nakatingin sa damit ni Arius.

Gusto kong matahimik ako na kasama ka, pero...bakit...bakit...

"Here." Binigay ni Zeus ang kwintas na may pendant na capricorn.

'Yon 'yung binaw niya noong nagpanggap kami na may namamagitan sa aming dalawa. Nakagat ko ang sarili kong labi bago kuhanin 'yong kwintas.

"Omygosh! Thank you, Arius!"

"Would you like to wear it?"

"Thank you, Arius. You made my birthday more memorable, Arius."

"Your birthday will always be memorable, my Woman. I will always do anything that you want, Nyssa."

Sa sobrang memorable...kung kailan 26th Birthday ko 'saka ko nalamang wala ka na, Arius...

Kapag gusto ko bang bumalik ka, babalik ka, Arius?

"I can here your smile, my Woman but it was fine. I will just sleep."

Hindi ka pwedeng matulog ng panghabang buhay, Arius...

Napahagulgol ako habang inaalala ang mga pangyayari rito sa Training Hall. Gusto kong sabihing mahal na mahal kita, Arius pero bakit nahuli ako? Nahuli na...

"Nyssa, ito...this was his last message for you. He commanded me to give this to you, I didn't read it, I respect your privacy," anas ni Marith at ngumiti sa akin bago ako tinalikuran.

Wala nang kahit na sino ang narito maliban sa sarili ko. Dahan dahan kong binuksan ang sulat na 'yon, parang kumikirot ang puso ko habang pinapagpag ang alikabok na naroon, pansin na pansin na rin ang kalumaan ng papel.

My Woman,

I love you....so much.

Gusto kong sumigaw sa unang pangungusap na 'yon. Mahal na mahal ko rin si Arius...

GUNNARWhere stories live. Discover now