CHAPTER 19

58 22 1
                                    

CHAPTER 19

-

"That was just for scene, Arius. Do not take it seriously," sabi ko kay Arius at mariin siyang tinignan.

"Yeah, I know but you let me re-"

"I-kalma mo bibig mo, Arius," sabi ko at inirapan siya.

Napailing siya at ngingisi-ngising lumabas sa Training Hall. Napasimangot ako at napairap, bwisit na 'yon! Pagkatapos niyang ibigay 'yong kwintas bigla niya ring binawi, sarap itapon sa ilog! Acting lang namin 'yon para kay Jaguar, kung sakali.

"Ate!"

Napalingon ako sa sumigaw, si Gavin. Nakasimangot ko siyang tinaasan ng kilay. Nakangiti siyang lumapit sa akin, may dala-dala pang candy.

"Punta raw tayo sa Main Hall, may binago na naman si Jaguar." Nakangusong anas niya habang nangangain ng candy.

Tumango na lamang ako at sumunod sakaniya. Hindi ko alam kung ano ang pagbabago dahil simula 'ata no'ng nalaman kong si Jaguar ang pumatay sa Tatay ko, nalaman din niya na nalaman ko na.

Ang ilang mga batas ay binago niya at mas lalong pinahigpitan. Walang kahit na sino ang sumubok lumabag sa batas dahil alam ng lahat na masyadong mapanganib ang kaparusahan na ipaparatang ni Jaguar kung sakali.

"Nandito na ba ang lahat?" tanong ng isang operator sa harapan, nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"Narito na ang lahat, Yhel." Si Marith ang sumagot.

Tumango 'yong Yhel at kaagad na pumunta sa harapan. Nakita ko rin ang pagsunod ng ilang operator at board member sakaniya. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa Stage.

"Bakit sa mga operator at ibang board member sinabi ni Jaguar ang mga pagbabago sa batas?" Kunot-noong tanong ni Kuya Zeus sa amin.

"Nakakapagtaka," aniya ni Shadow habang seryosong nakatingin sa stage.

"Ngayon lang 'to nangyari, palaging sa atin sinasabi ni Jaguar ang mga pagbabago," sabi rin ni Callister, mariing nakatingin sa mga operator na nasa stage.

"Iba ang pakiramdam ko," sabi ni Marith habang magka-krus ang mga braso.

Mariin kong tinignan ang stage at hindi sila nagkakamali dahil ngayon lamang ito nangyari. Palaging Ranking Councils ang pinagsasabihan ni Jaguar ng mga magaganap. Nangunot ang noo ko habang nakatingin kay Arius, tinaasan niya rin ako ng kilay niya, bwisit!

Natahimik ang lahat ng biglang mamatay ang ilaw, narinig ko rin ang pagrereklamo ng iba naming kasama. Nakagat kong mariin ang pang-ibaba kong labi nang biglang umilaw ang nasa harapan. Mayroong nag-flash doon kaya't dali-dali ko 'yong binasa.

Rule inside Gunnar. (Official)

- No relationship allowed Gunnars even Ranking Councils, Area Leaders, and Operators.

Nangunot ang noo ko dahil nag-iisa lamang ang rule na 'yon. Kaagad na nagka-ilaw muli pagkatapos mamatay ng screen.

"Ano ba ang meron sa rule na relasyon na 'yan? Palag-"

Natigilan ako nang biglang magsalita si Yhel.

"Walang labanan ang magaganap sa pagitan ng Teryontas at Gunnars sa ngayon, mas marami ang sugatan sa mga Teryontas at nara-"

"Bakit iniintindi na ngayon ni Jaguar ang kalagayan ng mga Teryontas?" Kunot-noong tanong ni Marith kay Yhel.

Natigilan si Yhel at ang iba pang operator, nagkatinginan sila at parang hindi alam ang sasabihin.

"Si Jaguar lamang ang makakasagot niyan, Marith," sabi ni Yhel dahilan para mapamaang ang ilan.

"Ano ang parusa kung sakaling labagin ang relationship rule na 'yan, Yhel?" Mataray na tanong ni Shadow habang nakataas ang isang kilay.

GUNNARWhere stories live. Discover now