CHAPTER 24
-
Natigilan ako nang biglang tumunog ang bell, pero hindi 'yon gano'n kalakas. Nagtataka akong napalingon sa kanan at kaliwa ko pero walang tao ang naroon. Natigilan ako nang makapansin ng anino sa labas ng balon, kaagad na nangunot ang noo ko roon.
Naningkit ang mata ko sa nakita ko, isabg babaeng maikli ang buhok at medyo payat ang nakita ko roon, ang suot niya ay simpleng t-shirt lamang at simpleng palda. Kaagad akong napahawak sa baril na nasa gilid ko, pero hindi siya mukhang kalaban, mukha pa nga syang inosente.
"Bye," aniya pero hinablot ko ang braso niya.
Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin dahilan para luwagan ko ang pagkakahawak sakaniya.
"Gago ka kasi, Kuya. Sino ka ba? Bakit mo 'ko hinablot? Ki-kidnappin mo ba ako? Wala akong kalaman-laman, anong makukuha niyo sa'kin? Humanap ka na lang sa babuyan, mas better," aniya, natawa ako sa sarili kong isipan, tanga ba sya?
Hindi ko alam kung ano ang meron sa babaeng Lavanñera na 'yon at hinayaan ko siyang makapasok sa Gunnar. Ang akala ko ay aatras siya pero sinubukan niya talagang tumalon sa balon na 'yon. Malakas ang loob niya at nasisiguro kong magugustuhan siya ni Jaguar.
"Tangina, pagkain? 'Yon ba talaga ang gusto no'ng babaeng 'yon?!" Gulat na sigaw ni Callister, natawa so Gavin sakanya.
"Mukha naman siyang mabait tapos friendly, cute nga niya, e. Mukha siyang inosente at hindi niya alam na ang nasa kuta na sya ng mga mamatay-tao," sabi ni Gavin kaya naman kaagad siyang hinampas ng basyo ng tubig ni Marith.
"Shawty nga 'yon, e maganda." Sipol ni Callister pero kaagad syang tinuktukan ni Marith sa ulo.
"Bobo, mukha ngang mabait kaso baka mamaya spy pala ng Teryontas 'yon, delikads us!" dagdag pa ni Callister dahilan para mapanguso si Gavin sakanya.
"Hindi naman sya mukhang spy! Feel ko nga e, siya pa ang magdadala ng swerte sa atin, feel ko lang mga Kuya ko, a? Ang bait niya kasi, e!" Nakangiting sabi ni Gavin sa amin.
Narinig ko ang pag-ubo ni Zeus, kaagad kaming napalingon sakanya.
"Nakikita ko sakanya ang kapatid ko," aniya niya at pinag-krus ang braso sa harap ng dibdib niya.
Pare-pareho namin siyang sinubukang hulihin pero mukhang inosente nga 'ata siya dahil hindi niya alam kung paano gumamit ng ibang armas maliban sa Katana. Madali lang din siyang natuto sa paggamit ng iba't ibang armas, ang problema lamang ay ayaw niyang pumatay.
"How could she did that?" Gulat na tanong ni Zeus sa akin.
"Hindi ko rin alam kung paano niya nagawang patayin si Lord Mandator, Zeus! Believe me, I did not know if how she did that." I sighed heavily.
"Asintadong asintado, pucha! Nagpakahirap pa tayong hanapin ang tanginang 'yon tapos si Nyssa lang pala ang makakapatay? Gago!" aniya naman ni Callister.
Nakangising tumayo si Gavin sa harapan namin. Nagtaka kaming apat sa ginagawa niya, tumungtong pa sya sa lamesa kaya naman nangunot ang noo ko sa ginawa nya.
"Sabi ko sainyo diba, hindi traydor si Ate Nyssa! Ang galing niya diba?" Natatawang tanong niya at pumalakpak pa at tumalon-talon.
Nagulat kani ng biglang mabiyak 'yong lamesang tinutungtungan niya. Kaagad na binuhat ni Callister si Gavin dahil masiyado 'atang mataas ang pinagbagsakan ni Gavin.
"Tangna, ayan tanga!" sabi ni Callister habang nakatingin kay Gavin na ngayon ay hawak hawak ang pwetan niya.
"Ang sakit, pakshit na malagkit!" aniya ni Gavin habang nakanguso at masamang tinignan 'yong lamesa.