EPILOGUE

7 1 0
                                    

EPILOGUE

TW//BRUTAL KILLING

-

[ H I M ]

"Arius," tawag sa akin ni Zeus, kaagad akong napalingon sakaniya.

Ngumiti siya sa akin bago ako lapitan dahan-dahan. Umupo siya sa tabi ng upuan ko bago tumitig sa kalangitan kung saan ako nakatitig ngayon. Tinapik niya ang balikat ko kaya lumingon ako sakaniya.

"It's alright, Arius. Nyssa will be alright," sabi niya sa akin.

"Mas mabuti na sigurong lumayo siya sa akin, that was better para hindi siya masaktan, I don't want her to get hurt," sabi ko at pinagtaasan siya ng kilay.

He tapped ny shoulder before smiling at me. Tumayo siya mula sa pagkakaupo bago ako tinalikuran. Dumiretso ako sa loob kung nasaan ang Nanay ni Nyssa. Kaagad na napalingon ang Gunnars sa akin, ngumiti akong pilit.

"I just want to say that I am leaving, I am leaving for good, Gunnars. Please, i-burol niyo siya sa sinabi kong sementeryo, naroon ang mga magulang ko, Gunnars. I want her to be with them," sabi ko at ngumiti sakanilang lahat.

Nakarinig ako ng pagsinghap dahilan para
mapalingon ako roon, nakita ko si Marith habang mariing nakatingin sa akin, napangiti ako bago siya lapitan.

"'Yong sulat, Marith. Ibigay mo 'yon kay Nyssa, ha? Subukan mong basahin, malalagutan kita ng hininga," sabi ko dahilan para magtawanan ang ibang Gunnars.

Natigilan ako nang makarinig ng paghikbi. Kaagad na nangunot ang noo ko bago hanapin kung saan nanggaling ang iyak na naririnig ko. Napatingin ako sa likod at nakita si Gavin, napangiti ako sakaniya bago siya lapitan.

"Gavin..." pagtawag ko sakaniya, kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap akong mahigpit.

"Kuya Arius, babalik ka ha?!" sabi ni Gavin sa akin, ngumiti ako at napakagat sa labi ko nang mariin.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakaniya at pinakatitigan ng mabuti ang mga mata niyang kulay berde rin kagaya ng akin.

"Oo naman, Gavin! Babalik ang Kuya Arius, ha? Hindi ko alam kung kailan pero hintayin mo si Ate Nyssa, hintayin mo siya, Gavin. Aalagaan mo siyang mabuti para hindi na siya umalis kung sakaling bumalik siya," sabi ko at pinunasan ang mga luha sa mata niya.

"Opo, Kuya Arius! Aalagaan ko siya, pangako ko 'yan! Hihintayin ka namin dito, ha! 'Yong pinangako mong ice cream noon sa loob ng Gunnar, kakain pa tayo no'n!" Ngiti niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin sakaniya. Binitawan ko ang pagkakayakap sakaniya bago tumingin sa ibang Gunnars. Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nakatingin sakanilang lahat.

"Sa tagal nating magkakasama, Gunnars. Hindi ko kayo makakalimutan, palagi niyong iingatan ang mga sarili ninyo. Masaya akong nakilala ko kayo, Gunnars. Palagi niyong tatandaan 'yan, mahal ko kayo kahit anong mangyari sa inyo," sabi ko at tinapik ang balikat ni Callister.

Tinalikuran ko na sila at kaagad na sumakay sa taxi na nirentahan ni Zeus kanina. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan patungo sa lugar na sinabi ni Jaguar na pagkakakitaan namin. Madilim ang lugar na 'yon at pagabi na rin kaya walang masiyadong tao. Malubak din ang daanan kung kaya naman nahirapan akong paandarin 'yong sasakyan.

"Jaguar, Nandito na 'ko!" sigaw ko sa abandonadong lugar na sinabi niya.

Kaagad na nagbukas ang mga ilaw dahilan para magliwanag ang buong lugar kung nasaan ako. Napalunok ako nang makita ang maraming tauhan ni Jaguar. May mga Teryontas, Erra Clan, at iba pang clan ang naroon.

"Masunurin pa rin ang anak-anakan mo, Jaguar! Hahahaha!" Tawa ng isang babae, kaagad akong napatingin sakaniya.

"Ikaw 'yong nagturok ng gamot sa akin!" sigaw mo pero tumawa lamang siya sa akin.

GUNNARWhere stories live. Discover now