Kabanata 7

57.8K 3.1K 1.4K
                                    

Kabanata 7

Walang nagawa si Aling Teresa nang sapilitan siyang paalisin ni Chase. I find his way of asking her to leave a bit rude but I'd say that she deserved it. Rude things happen to rude people.

"S-Salamat. Pero hindi mo na dapat ginawa 'yon. Babayaran ko rin naman siya bukas." sabi ko matapos ituon ang paningin sa kaniya.

Chase was already staring at me like I'm sort of a problem he needs to solve. Nakasandal ang gilid ng katawan niya sa haligi ng pwesto namin habang magkakrus ang mga braso. Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng hiya dahil baka madumihan ang suot niyang puting long sleeve.

Medyo madugo pa naman sa pwesto ko.

"No big deal. That woman doesn't know how to respect. How long have you been dealing with her?"

"Ilang buwan na rin simula nang humarap si mama sa kaniya para sa ginawa niyang puhunan dito."

Tumango-tango siya saka inilibot ang paningin sa mga paninda kong baboy at manok. Base on his looks, I will assume that he's a wealthy man. Hindi lang basta mayaman kung hindi talagang angat sa buhay. He's like those business men I watched on the television. The type of man who always wear business attires, fixing his coat while body guards are behind him as he walks along the elegant lobby of his empire.

Chase must be one of them. He surely is.

And to see him standing in front of me, looking fine and seems to be not disgusted with these fresh meat made me feel awe. Para bang wala siyang kaarte arte sa katawan. Despite stepping in the wet floor of this market, houseflies are scattered everywhere and yet he doesn't seems to be bothered.

"Salamat ulit sa ginawa mo. Pero babayaran kita.".

Tumango siya. "As much as I want to insist that it's fine, I know women like you won't be okay with that. Ibabawas ko na lang sa perang ibabayad ko sa'yo sa pagbili ng painting mo."

Hindi ko siya sinagot agad. Talaga palang gusto niyang bilhin ang larawan niya.

"Name the price, Allison. I'm willing to pay."

Nagbaba ako ng tingin at marahang umiling. "Hindi ko alam kung magkano dapat ang ibayad mo sa akin. Ikaw na ang bahala."

His lips strech out for a smile. "Finally agreed to sell it, huh?"

"Libre na lang sana kagaya ng nauna kong desisyon. Kaya lang ay may mga bagay rin akong kailangan pagkagastusan kaya naisip kong pumayag na sa gusto mo. "

He nodded, the smile on his face was still there. "Good decision."

Alanganin akong ngumiti sa kaniya pabalik. Hindi naman ako mahiyaang klase ng babae, sakto lang at depende sa kaharap na tao. Pero itong si Chase, pakiramdam ko ay palaging sinisilaban ang pisngi ko lalo na kapag tinititigan niya ako.

Nagkunwari akong abala sa pag-aayos ng mga karne na halos wala pang bawas. Wala pa akong bwena mano kahit na isa. Si Aling Teresa sana, kaso ay pinaalis naman ni Chase.

"Ang painting ba ang sadya mo sa akin?" tanong ko, hindi siya tinitingnan.

"Ang painting mo," sagot niya. "At ikaw..."

Natigilan ako, awtomatiko siyang pinag-angatan ng tingin.

"Bakit?"

"We're supposed to find out the reason why you're dreaming of me, aren't we?"

My lips seperated in surprise. Did he really meant  that?

"Sa paanong paraan? Hindi naman nakukuha ang sagot ng ganoong kadali. Isa pa, hindi natin alam kung may kasagutan nga ba. Baka talagang nangyayari lang 'yon."

Shades Of Chase (Filipino Version) - PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon