Kabanata 34

39.4K 2K 983
                                    

Tila ako nanghina sa mga sumunod na minutong lumipas. Wala akong nagawa kung hindi ang maupo sa silya sa kusina at mapatulala sa sahig. Dinala ko ang kamay sa ibabaw ng tiyan at wala sa sarili itong hinaplos.

Buntis ako... Hindi pa iyon kumpirmado pero malaki ang posibilidad na ganoon nga. Nasa labas si Mama, nagtungo sa botika para bumili ng pregnancy. If the result would come out positive, I honestly don't know what to feel.

Kung ako ang tatanungin, magiging masaya ako kung sakaling buntis nga ako. Paano si Chase? Would he be happy, too? Hindi ba at sinabi niya nung nakaraan na gusto niya akong mabuntis sa kabila ng sitwasyon niya.

Pero hindi iyon ang gumugulo sa isip ko. Kung buntis ako, sino ang ama? Alam kong iisang katawan lang ang ginagamit nila pero hindi ko pa rin maiwasan isipin na magkakaibang persona sila.

Could it be Chase? Allistair? Theo?

Agad akong tumayo kahit ramdam ang panghihina ng mga tuhod. I went to my room and found Reil playing with his toy cars that Chase bought for him last night. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Hello, Ate Tanya!" he greeted cheerfully.

Pilit akong ngumiti sa kabila ng kaguluhan sa isip ko.

"Hello, Reil. Okay ka lang diyan?"

Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok at dumiretso sa drawer. Hinila ko ang ikatlong palapag at kinuha ang isang notebook doon.

"You look pale, ate. Are you okay?"

"A-Ayos lang ako. Huwag mo akong alalahanin." sagot ko nang hindi siya nililingon.

It's then I felt his tiny hand on my forehead. Nasa tabi ko na si Reil at seryosong nakatingin sa akin.

"You're sweating a lot, ate. Do you want me to get you some water?"

Tears build up in my eyes. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging emosyonal gayong wala naman akong dahilan para makaramdam ng ganito. If I am really pregnant, then maybe it has something to do with this?

Or maybe... tears of joy.

"Tanya, anak. Nakabili na ako, halika na."

Sabay kaming napalingo ni Reil sa pintuan nang marinig ang boses na 'yon ni Mama. My heart throbbed against my rib cage when my eyes went down to her hand. She's holding a small brown paper bag and I already knew what was inside of it.

Hindi ko na itinuloy pa ang hinahanap at isinara na lang ang drawer. Hinarap ko si Reil at pilit na nginitian.

"Ayos lang si ate, ha? Mag-laro ka muna dito. May kailangan lang kaming gawin ni Mama Mercy."

Inosente siyang tumango, ang mga mata ay nagtatanong pa rin. I kissed him on the cheek before I stood up and ambled towards my mother.

The way she stared at me was too deep. Wala akong nakikita na galit sa kaniya o ano man. Sa tingin ko ay hindi na siya nagugulat pa dahil palagi kaming magkasama ni Chase.

"Gusto mo bang samahan pa kita sa loob ng banyo?" Si Mama nang nasa tapat na kami ng banyo niya sa loob ng kwarto.

Tipid akong ngumiti. "Hindi na po, Mama. May instruction naman po kung paano ito gagamitin. Ayos lang po ako."

Tumango siya, tila napilitan. Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya bago ako pumasok sa loob ng banyo. Nang maisara ito ay huminga pa ako nang malalim at pinagmasdan ang sarili sa repleksyon ng salamin.

Shades Of Chase (Filipino Version) - PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon