Kabanata 38

38.8K 1.7K 478
                                    

Ang kirot sa may bandang sikmura ko ang siyang gumising sa aking diwa. The pain was excruciating and uncontrollable that all I could do was to let out a low moan.

Blinding lights welcomed my eyes as I opened them. Sinubukan kong ipiling ang aking leeg ngunit kaagad akong nakaramdam ng matinding sakit. Madilim na lugar at tanging isang bombilya lang sa kisame ang natatanaw ko.

Nasaan ako?

I heard laughters somewhere near me. At nang pumaling ako sa bandang kaliwa ay nakita ko roon ang ilang kalalakihan na naglalaro ng bahara. Sa tabi ay mga basyo ng alak.

And then it hit me. Memories of what happened earlier slammed my head.

"Si Reil!" I shouted unconsciously but it turned out to be a muffle sound for my mouth was being covered by a scarf. At nang subukan kong igalaw ang mga kamay ko, doon ko lang napagtanto na nakatali ang mga ito. "Nasaan ako? Ang bata, anong ginawa n'yo sa kaniya?!"

"Uy, gising na pala si ganda!" saad nung isa at natawa pagkabaling sa akin.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Nasa limang lalaki sila at lahat at mukhang hindi gagawa ng mabuti. Mabilis na namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko, ang takot sa dibdib ay doble.

Sa pagkakaalala ko, nagtatapon kami ng basura ni Reil sa labas ng bahay nang biglang may humintong sasakyan at pilit kaming pinasakay. I even remember someone punched me on my stomach. Malakas ang kabog ng dibdib, tumungo ako at nagbaba ng tingin sa aking tiyan habang nanginginig ang mga kamay na nakagapos.

Wala akong nararamdaman sakit. Ayos lang ako, hindi ba? Ayos lang ang a-anak namin ni Chase?

Naglikha ng langitngit ang mga upuan. When I looked at the group of men with a blurry vision, I saw them walking towards my direction with a smirk etched on their lips.

Sa paraan ng pagtitig nila sa akin, pakiramdam ko ay mayroon silang gustong gawin. Mayroong ideya na pumasok sa isip ko pero lihim akong nananalangi na sana ay hindi.

Pinalibutan nila akong lahat, mas lalong naging nakakaloko ang mga ngisi sa labi. Sinubukan ko silang tingnan. Wala akong kilala ni isa sa kanila. One of them removed the scarf from covering my mouth.

"Anong kailangan n'yo sa amin?!" nanginginig ang boses na tanong ko

"Wala kayong atraso kina bossing, ganda. Pero iyong nobyo mo, malaki…" Nagtawanan silang lahat. "Sayang ka naman kung papatayin ka nila. Hingiin na lang natin kay bossing? Gawin nating parausan."

Those words horrified me to death. Lumunok ako, tila may kung anong nakabara sa aking lalamunan dahilan para mahirapan akong huminga.

"Sinong amo n'yo? At anong kasalanan ni Chase sa kaniya? Iyong bata, saan n'yo sila dinala?! Mga hayop kayo!"

"Why are you looking for my son?"

Mabilis akong napabaling sa gilid nang marinig ang boses na 'yon. Namilog ang mga mata ko nang makita si Colleen kasama ang isang matangkad na lalaki at mukhang may dugong banyaga. Between them was Reil who's crying while looking at me. Hawak siya ni Colleen sa kamay.

"Reil! Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" aligagang tanong ko.

Umiling siya, patuloy na tumatangis. "I'm fine, Ate Tanya. Don't worry about me. Ikaw po? S-Sana ayos ka lang po."

Awtomatikong umalpas ang luha mula sa mga mata ko nang makita ang klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Para bang gusto niya akong tulungan pero wala siyang magawa.

"A-Ayos lang ako, Reil. Masaya akong hindi ka n-nasaktan."

"I'm sorry I can't do anything to help you—"

Shades Of Chase (Filipino Version) - PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon