Kabanata 7

98 10 7
                                    

Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin. Nagsalubong bigla ang aking mga kilay.


"May problema po ba?" Tanong sa akin ni Andra.



Muli, isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Walang pasabing hinubad ko ang suot na gown. "I don't like this." Walang gana kong sabi. Maganda naman ang gown na suot ko. Iyon nga lang, bigla'y parang gusto kong magpapansin sa lahat ng taong dadalo bukas ng gabi. Narinig ko kasing pupunta ang mga kaibigan ni Eerah. Lahat ng isusuot ng mga ito'y si Gray pa mismo ang gumastos. Hindi naman ako naiinggit. Naaasar lang ako dahil sa kabastusan ng Gray na iyon. Oh well, wala namang kukuwestiyon sa ginagawa niya. Dahil para sa mata ng lahat ay isa iyong kabutihan.




"Gusto ni'yo po bang pumunta sa Ciro at magpa—."




"Hindi, Andra." Ngumisi ako bago isinuot ang bestidang tinahi ko kahapon. "I'll make my own dress. This time, sisiguraduhin kong iyon ang pinakamaganda sa lahat."





Maging si Andra ay nahawa sa pagngisi ko. Mabilis itong tumango bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ko. Pagkatapos ay hiningi na kaagad nito sa akin ang listahan ng mga materyales na gagamitin. Pagkaalis ni Andra ay sinimulan ko nang mag-sketch ng iba't ibang design ng gown.





Ginugol ko ang oras sa paggawa ng gown. Nang dumating si Andra ay kaagad na kaming nag-umpisa. A modern type of gowns. Iyong tipong sa mundo ko lang makikita ng iba. I settled with a sexy, revealing gown. Kung nasa mundo ko pa rin ako, hindi iyon matatawag na revealing. Normal na ngayon ang magsuot ng damit na halos ipakita na ang kaluluwa. Pero sa mundong ito, natitiyak kong dudugo ang ilong ng mga taong makakakita sa akin. I made a flowy gown. Its color is gray. Pinili ko ang kulay na iyon para na rin inisin si Gray. Gusto kong makita ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. Lalo na ang pagtiim ng kaniyang mga bagang.

 Lalo na ang pagtiim ng kaniyang mga bagang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(

Photo's not mine. Ctto.)


Nang matapos kami sa pananahi ay kaagad ko itong sinukat. It fits perfectly in my body. Of course it should be, I am the one who made it.






"Oh my gosh! Ang ganda ninyo, mahal na Reyna. Natitiyak kong lahat ng mga mata ay dadako sa inyo." Nakangiting sabi ni Andra na sinangayunan naman ng ibang tagasilbing tumutulong sa akin.






"Thank you, Andra." Sagot ko bago muling sinipat ang sarili sa salamin. Pagkatapos niyon ay kaagad na rin akong nagpalit ng damit. "Anyway, we're done here. Andra, prepare the bathtub for me. And the rest, clean the room. Gusto kong matulog ng maaga ngayon."






Kaagad na nagsitanguhan ang mga tagasilbi. Habang ginagawa ng mga ito ang iniutos ko'y tahimik akong lumabas ng kuwarto. Tinahak ko ang mahabang hallway. Nang makarating sa dulo'y lumiko ako sa kanan at muling naglakad pababa ng hagdan. Gusto kong maglakad ng kaunti sa hardin. Maganda ang liwanag ng buwan ngayon. Sayang naman kong palilipasin ko ang gabing hindi iyon napagmamasdan. Oh, come to think of it. It will be my first time watching the moon without thinking about my mission. How I wish I'm with my friends. I want to watch this beautiful view with them.





Talixiah: The Fearless Queen  (Drifters Series 2)Where stories live. Discover now