Kabanata 4

100 11 4
                                    

Nang makalagpas sa maingay na bayan ay purong kagubatan naman ang sumalubong sa akin.

Matataas ang puno at malalaki ang katawan ng mga iyon. Pati ang mga ugat niyo'y singlaki ng katawan ng isang puno ng niyog o mas higit pa nga.

Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Hindi ko tinapunan ng pansin ang ilan pang tanawin sa loob ng gubat. Mas mabuti ang makarating ako nang maaga sa Crasiro.

Halos ilang oras na akong sakay ng kabayo. Nararamdaman ko ang matinding uhaw at gutom. Simula nang magising ako'y hindi man lang nasayaran ng kahit anong pagkain ang bibig ko. Kaya nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig ay kaagad akong bumaba ng kabayo at sinundan ang tunog niyon.

Isang talon ang tumambad sa akin. This place must be the Prissa. Means, I was killed here—I meant, Talixiah.

Kailangan ko na nga sigurong masanay na tawagin ang sariling Talixiah. Dapat rin na akuin ko na ang mga alaala niya.

"No, hindi pa nakakasiguro kung makakabalik pa ba ako sa mundo ko o hindi na." Mahina kong sabi bago tumunghay sa napakalinis na tubig.

I was about to dip my hands in the water when some memories came in. The memories of Talixiah being killed.

Nakita ko na iyon kanina sa mga alaala ni Talixiah. Pero ngayon, mas malinaw at detalyado.

———

"Talixiah..." A psychotic voice called me. "...get out sweetie, Gray like's to see you."

Nahigit ko ang aking paghinga nang marinig ang boses na iyon. Nababaliw na siya!

Pinilit kong isiksik ang sarili sa mayayabong na damo. Pinigil ko rin ang aking paghinga upang hindi nila malamana ang pinagtataguan ko.

"Drigo, anong ginagawa mo riyan?! Baka makita ka ni Flix, papatayin ka niyon! Hindi tayo pwede rito sa Prissa!" Narinig kong sigaw mula sa 'di kalayuan.

Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ng lalaki bago siya umalis.

Nang masigurong wala na nga ang mga ito'y kaagad akong tumakbo sa itaas ng talon. Dito na lamang ako daraan para mabilis akong makarating kay Flix. Alam kong matutulungan niya ako. Alam kong hindi niya ako pababayaan at pakikinggan niya ako. Hindi katulad ng asawa kong hindi man lang pinakinggan ang aking paliwanag. Mas naniwala ito sa hinabing kuwento ni Lucil!

Hayop na Lucil na iyon! Kung galit siya kay Flix ay huwag niya akong idamay!

Akma akong hahakbang para makatawid nang maramdaman ko ang isang bagay na humampas sa aking likod. Kaagad akong nakaramdam ng pagkahilo at panghihina. Huli na nang makita ko ang kung sinong may kagagawan niyon. Naitulak niya na ako sa talon at tuloy-tuloy na nahulog.

———

"Talixiah!" Isang malakas na pagtawag ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Mabilis kong hinabol ang aking paghinga. Pakiramdam ko'y ako talaga ang nalunod.

"Ayos ka lang ba? Pawis na pawis ka." Nag-aalalang sabi ng isang babaeng nasa harap ko.

She's beautiful.

"Sino ka?" Malamig kong tanong bago mabilis na lumayo sa kaniya.

Hindi ko siya kilala kaya mas mabuting dumistansiya ako. Limitado lamang ang alaala ni Talixiah na nalalaman ko. O mas tamang sabihin na ang alaala ni Talixiah na meron ako'y ang bago siya patayin at ang huling nangyari sa talon.

Kaya kung kilala man ni Talixiah ang babaeng nasa harap ko'y hindi na iyon sakop ng alaalang ipinapahiram niya sa akin.

"Oh my god, may amnesia ka ba?" Gulat na tanong nito saka ako niyakap. "Ako ito si Zairene! Halika't dadalhin kita kay Flix."

Talixiah: The Fearless Queen  (Drifters Series 2)Where stories live. Discover now