Kabanata 11

15 2 1
                                    

Halos hindi ko na mabilang kung ilang malulutong na mura na ba ang ginawa ko sa isipan habang nakatitig kay Gray na abala sa kung anong binabasa nito. I brought him the contract assuming that he'll sign it without saying anything or asking me stupid questions, but I was wrong. He's getting into my nerves by delaying the signing of that damn contract! Kung hindi ako nagkakamali ay magdadalawang oras na akong nasa harap niya at naghihintay na pirmahan niya ang kontrata.



"I'm telling you, this is something that you'll forever regret if you—."



"You hate making clothes, Talixiah. You hate sewing machines. Ano't ginagawa mo ito?" Seryosong sabi niya na ikinamaang ko.



Don't tell me iniisip niyang ginagawa ko ito to annoy him by bullying Eerah. "Anak ka naman talaga ng diablo, Gray! Pipirmahan mo lang iyan ang dami mo pang sinasabi." Inis kong sikmat na ikinakunot ng noo niya.




"Tell me one good reason why should I sign this business contract."




Ngali-ngali kong ihampas kay Gray ang vase na nasa table niya dahil sa inis. Saglit akong huminga ng malalim bago tinitigan ang kaniyang mga mata. "Because it's good for my mental health."




"What?"




I rolled my eyes. I won't tell him that staying in this freaking castle makes me crazy. Napakatahimik, napakahinhin ng mga tauhan. This isn't what I wanted. I want adventure. I want to do something na mailalayo ako sa bingit ng pagkabaliw. Isa pa baka hindi ako makapagpigil ay mapasabog ko ang pagmumukha ni Gray lalo na ni Eerah kapag lagi akong nakapirmi sa palasyo. Ang clothing business lang na iyon ang tanging paraan para kahit papaano ay maaliw naman ako.




"Baka kasi tuluyang mandilim ang paningin ko at matahi ko iyang bibig mo. Ang dami mong dada, pirmahan mo na iyan."




Sa huli ay pinirmahan na ni Gray ang kontrata. Kaagad ko itong kinuha at walang pasabing tumalikod. I was about to reach the doorknob when Gray cleared his throat. I looked at him.



"Eerah's asking me to send new maids for her. She's still not feeling well. Walang mag-aalaga sa kaniya." Sabi ni Gray na ikinahawak ko ng mga kamay sa baywang. So? Anong pakialam ko?



Marahan ang ginawa kong paglakad palapit sa table ni Gray. I saw him clenching his fist. His expression changed; now it's cold. If only I have the ability to read his mind, hindi ako ngayon nangangapa sa kung anong ibig sabihin ng ipinapakita niyang ekspresyon sa akin ngayon.



"Why are you telling me this?" I asked.



Saglit na huminga ng malalim si Gray. He stood up and walked slowly to the door. He wanted me to follow him, and so I did. We went to the third floor of the palace where Eerah's being confined. She's still not feeling well—as if naman maniniwala ako. She's faking it. A week's already passed, imposibleng hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam niya.



Nasa hallway na kami ng third floor nang biglang tumigil si Gray sa paglalakad. He looked at me again. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pagbabanta sa kaniyang mukha. Para bang sinasabi niya na ayusin ko ang pakikitungo kay Eerah.



I rolled my eyes. "You know what Gray, what we're doing is actually too much for a mere childhood friend who doesn't even know her position in this palace. I have all the rights to act and do whatever I want once we get in her room." Inis kong sabi bago naunang naglakad palapit sa kuwarto ni Eerah.



Bakit ko ibababa ang sarili sa taong mas mababa ang posisyon sa akin?



"Talixiah!" Narinig ko sabi ni Gray pero hindi ko siya nilingon. Tuloy-tuloy na binuksan ko ang pinto ng kuwarto ni Eerah.




Talixiah: The Fearless Queen  (Drifters Series 2)Where stories live. Discover now